"Winnie. Alam ko nasa loob ka. Buksan mo ang pinto," malakas na sabi ni Jeremy kasabay ng pagkatok.
Sumikdo ang puso ni Winnie at mabilis na napatayo. Walang pagdadalawang isip na tumakbo siya palapit sa pinto at binuksan iyon. Napahinto si Jeremy sa akmang pagkatok at napatingin sa kaniya. Napatitig lang din si Winnie sa mukha ng binata. Basa ang buhok ni Jeremy at amoy bagong paligo pa na para bang kalalabas lamang ng shower. Nakita ni Winnie nang bumakas ang relief sa mukha ng binata at kumislap ang mga mata sa emosyong nakita niya sa mga larawang pinadala ni Riki.
May bumikig sa lalamunan ni Winnie. God, namiss niya ang lalaking ito. Namiss niya ang mukhang iyon, ang presensiya nito, maging ang pakiramdam na maging ganito kalapit kay Jeremy. Paano niya naisip na magagawa niyang kalimutan ang lalaking ito?
Napasinghap si Winnie nang hawakan ni Jeremy ang magkabilang balikat niya at isinama siya papasok sa apartment niya. Pagkapinid ng pinto ay umangat ang mga kamay ng binata pakulong sa magkabilang pisngi niya. Pinagtama ni Jeremy ang kanilang mga paningin. "I'm sorry," sinserong usal nito. "I'm sorry for the harsh words I said that day. Masyado lang akong nagalit dahil talagang natakot ako para sa kaligtasan mo noong umuulan ng malakas. Kung alam mo lang na parang may pumunit sa puso ko nang makita kitang mahulog sa dagat at akala ko hindi ka marunong lumangoy. Kung alam mo lang kung gaano ako ka handang ibigay ang buhay ko para lang masiguro ko na ligtas ka. Kung alam mo lang kung gaano ako nakahinga ng maluwag nang mapadpad tayo sa isla at pareho tayong buhay. I was really worried you know. Pagkatapos nalaman ko na dahil sa plano mo kaya nabingit tayo sa panganib. Siyempre magagalit ako," litanya ni Jeremy.
Napahikbi si Winnie. "Sorry din. Alam ko naman mali talaga ako. Hindi ko na uulitin iyon. Pero sana naman, huwag mong sabihin na hindi mo kailangan ang pagmamahal ko. Dahil ano pang gagawin ko sa nararamdaman ko kung ayaw mo iyon?"
Kumislap ang mga mata ni Jeremy sa guilt. Pagkatapos bigla siya nitong niyakap ng mahigpit. Nasubsob si Winnie sa dibdib nito. "I'm sorry, I didn't mean that. Kalimutan mo na iyon. Hindi ko na ulit iyon sasabihin. Sorry. Kaya please, don't give up on me like what you said. Hindi ko kakayanin iyon. Ngayon pa, na mahal na mahal kita, saka mo pa ako susukuan? Hindi ako papayag."
Natigilan si Winnie. Pakiramdam niya biglang huminto ang takbo ng oras at nag-echo lang sa isip niya ang mga salitang binitawan ni Jeremy. Ang mga salitang matagal na niyang nais marinig mula sa binata, sinabi na rin nito sa wakas. Sinabi ni Jeremy na mahal siya nito. Parang sasabog ang puso ni Winnie sa saya.
Pinakawalan siya ni Jeremy at muling sinalubong ang kaniyang mga mata. Tuluyan nang naluha si Winnie nang makita ang pagmamahal sa mga mata ni Jeremy. "Pero kung talagang nagdesisyon ka nang kalimutan ako, ako naman ang kikilos para siguruhing hindi mo iyon magagawa. This time, I will make you fall in love with me to the point that you will not be able to give up on me. Kukulitin kita na katulad ng ginawa mo sa akin sa nakaraang dalawang taon. At kapag hindi pa rin sapat iyon, I will just have to do this."
Namilog ang mga mata ni Winnie nang biglang siyang siilin ng halik sa mga labi ni Jeremy. Napapikit siya at napakapit sa mga balikat ng binata nang palalimin nito ang halik. Nanlambot ang mga tuhod ni Winnie at napasandig sa katawan ni Jeremy. Saglit na pinakawalan nito ang mga labi niya upang muling magsalita. "I love you, Winnie."
Mahigpit na niyakap ni Winnie si Jeremy. "Mas mahal kita. Palagi mong tatandaan iyan. How can I give up on you? Subukan mo ngang tumingin sa paligid," naiiyak na sabi niya.
Noon lang nagawang alisin ni Jeremy ang atensiyon sa kaniya at tumingin sa paligid. Huminto ang tingin ng binata sa flat screen TV ni Winnie, pagkatapos ay sa nakabukas pa ring screen ng laptop niya na may larawan nila noong party. "Saan galing iyon?" takang tanong ni Jeremy.
"Pinadala sa akin ni Riki. Ang sabi niya, hindi ko naman daw kailangan ng Suspension Bridge Effect. At ngayon tingin ko tama siya. Sapat ng ebidensiya ang mga tingin mo sa akin sa mga larawang iyon para malaman ko na nagustuhan mo ako hindi dahil sa planong ginawa ko. Bakit hindi mo sinabi kaagad sa akin na mahal mo pala ako? Pinaiyak mo pa ako," reklamo ni Winnie.
Saglit na ngumiwi si Jeremy subalit lumambot uli ang ekspresyon at masuyong hinaplos ng daliri ang pisngi niya. "Dahil pinipigilan ko pa ang nararamdaman ko para sa iyo. Dahil hindi ko naisip na magkakagusto ako sa iyo. Pero noong gabing iyon sa isla, hindi ba sinabi ko na sa iyo, pinapakawalan ko na ang nararamdaman ko. Huwag mong iisipin na kasinungalingan ang mga sinabi at ipinakita ko sa iyo nang gabing iyon okay? Dahil totoo kong nararamdaman ang mga iyon. Isa pa hindi mo na kailangan magplano ng kung anu-ano para mahulog ang loob ko sa iyo. Ngiti mo pa lang sapat na para bumilis ang tibok ng puso ko."
Napangiti si Winnie at malutong na hinalikan sa mga labi ang binata. "I really love you, Jeremy," bulalas ni Winnie dahil hindi na naman niya mapigilan ang pagalpas ng nararamdaman niya.
Ngumiti si Jeremy. "And I love you, crazy girl."
Natawa si Winnie at niyakap ng mahigpit si Jeremy. Sa wakas nakuha rin niya ang pagmamahal ng taong pinakamamahal niya. Matagal na proseso pero ayos lang iyon. Dahil alam ni Winnie na mula sa araw na iyon, marami man siyang gawing kung anu-anong hindi normal sa tingin ng iba, basta nasa tabi niya si Jeremy na handa siyang mahalin sa kabila ng lahat, masaya na siya.
~WAKAS~
a/n: hello! nakakapagod pala ang isang bagsakan na upload haha. hindi ko na 'to uulitin. lol. anyway, this story is a gift kasi anniversary ngayon ng the prince's scandal trilogy. kung matatandaan ninyo, si Winnie ay kaibigan ni Ailyn at si Jeremy ay abogado ni Riki (Riki and the bodyguard) Holiday ngayon kaya enjoy reading! :)
BINABASA MO ANG
CRAZY IN PINK (prince's scandal trilogy spin-off)
RomanceNoon pa man in love na si Winnie kay Jeremy. Hindi niya itinatago ang nararamdaman para sa binata. Kaya lang palagi siya iniiwasan ni Jeremy. Wala tuloy nangyayaring progress sa relasyon nilang dalawa. Kaya nang malaman niya na magbabakasyon sila ng...