Kian Steve's
And since that day, lagi kong kasama si Claude. Wala namang nagbago sa amin. We are still like usual, medyo mas close lang kami.
Nakakasama naman namin sa campus si Tristan.
Hindi kasi pumapasok si Trisha. It's been a week already.
Nung tanungin namin si Tristan ay nakaconfine daw siya. Yung rason kung bakit bigla siyang nahilo noon ay hindi lang basta lagnat.
Tristan doesn't know the other details though.
Naglalakad kami ngayon papuntang cafeteria.
"Oo nga pala. I saw that your birthday is this coming saturday."
Sabi ni Tristan kay Claude.
"Really?" Tanung ko naman.
Tumango lang si Claude at nag iwas ng tingin.
Napakunot noo ako. Why doesn't he look happy about his birthday?
After naming kumain ay nagdiretso kami sa room at nagtiis ng half day pa bago mag uwian.
"Una na ako sa inyo guys. Pupuntahan ko lang si Trisha."
Pagpapaalam ni Tristan.
We just nodded and waved at him.
I looked at Claude na tahimik parin.
"Is anything wrong?"
Tumingin naman siya sa akin at ngumiti.
"Nah, it's nothing.."
Tumango nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad.
"This coming saturday.. Can you accompany me?" Tanung niya.
I looked at him and smiled, "Sure."
Nagpaalam na kami sa isa't isa at naghiwalay ng daan.
Dumiretso naman ako pauwi.
"I'm home."
Nagsi silipan naman ang mga kasambahay.
"Good afternoon Sir. Wala pa po si ma'am."
Tumango nalang ako at dumiretso ako sa kwarto ko.
Napahinga ako ng malalim at humiga na.
ARAW ng sabado. Naalimpungatan ako at napatakip sa mata ko nung masilaw ako sa sinag ng araw.
"Wake up already, sleepy head."
Napamulat ako at ngumiti sabay hila sa kanya at hinalikan sa pisngi.
"Good morning Tita."
Hinampas naman niya ako sa balikat.
"This brat. Why don't you go and wash up first before kissing me?"
Reklamo niya at pinunasan pa daw ang hinalikan ko.
Napatawa nalang ako at tumayo na.
"Okay okay. Bumaba ka na pagkatapos mong maligo okay?"
Tumango lang ako.
Pagkatapos maligo ay lumabas ako kaagad.
Napatingin ako sa wall clock. 10 na pala ng umaga.
I checked my phone at may text si Claude.
Mamayang hapon nalang daw kami lumabas.
Kumakain ako nung biglang may nagdoor bell.
Pinagbuksan naman ni manang at maya maya ay may sumilip sa kinauupuan ko.
"Hey, Kian!"
Napaangat ako ng ulo.
"What are you doing here Tristan?"
Nagpout siya.
Naglakad siya papunta sa akin.
"Nakalabas na si Trisha. I just want to celebrate kaya can you go out with me?"
Napatingin ako sa oras.
11 palang naman.
"Okay."
Hindi ko naman matatanggihan ang lalaking to eh. He's my weakness after all.
Lumabas kami at pumunta sa mall.
Namili ng ibang damit. Nanood ng sine. Kumain. Pumuntang arcade.
Tumingin ako sa oras pagkatapos naming gawin lahat yun at napansing 3:27 na.
I was about to check my phone pero kapa ako ng kapa pero wala. Nakalimutan ko sa ibabaw ng lagayan ng sapatos.
Tumingin naman ako kay Tristan para sana makihiram ng phone pero hinila na niya ako papasok sa peryahan.
Matagal tagal nadin since nung huli akong pumasok dito.
Naexcite ako bigla at sinakyan namin halus lahat ng rides.
Huli naming sinakyan ang ferris wheel at pagdating namin sa tuktok ay tumigil ito.
Napatingin naman ako sa langit nang magsimula ang fireworks display nila.
Napatingin ako sa kaharap ko.
Manghang mangha din siya.
Masaya akong nakasama ko siya ngayon, lalo na at kaming dalawa lang. Aaminin kong nagpapaka selfish ako at assuming kahit alam kong ako ang sinama niya kasi hindi pa pwedeng lumabas ng bahay si Trisha kasi ka didischarge niya lang.
Masayang masaya ako pero..
I feel heavy. Ang bigat ng dibdib ko. May kung anong bumubulong sa likod ng utak ko.
Feeling ko may namiss akong sobrang importante.
"Haaahh!! That was fun. I enjoyed it. Ano uuwi na ba tayo o kakain muna tayo sa labas?"
Tanung niya.
"Uwi na tayo. Pagod na pagod na ako."
Sabi ko at nanlupaypay.
Hindi naman talaga ako pagod. Parang may hindi lang tama. Feeling ko talaga may kung anong bagay akong namiss.
Kailangan ko pang itext si Claude.
Pagdating na pagdating ko ay kinuha ko ang cellphone ko.
Pagbukas ko nito ay maraming missed calls at text messages galing kay Claude.
"Magkita nalang tayo sa mall mamaya?"
"Hey, are you ready?"
"Ano available ka paba?"
"Matutuloy pa ba?"
"Kian?"
At ang pinaka huling message niya ay.
"It seems you're busy. Huwag nalang natin ituloy. Hope you enjoy your weekends."
That last message felt like it has something behind it. Did he went to the mall and waited for me? Did he see us? Para saan ba bg lakad namin at binaha niya ako ng mess—
Napatayo ako bigla at nanlaki ang mata ko.
"Fuck!!"
Sigaw ko na dahilan para tumakbo papunta sa akin si Tita.
"Kian? Is everything alright?"
Tumakbo ako paakyat at sinubukang tawagan si Tristan.
"Yes? Wh—"
"When was Claude's birthday again?"
"Huh? Ahh.. Oh that's right! Birthday nga pala niya ngayon!! Dapat sinama natin siya!!"
Napaupo ako sa sahig at sumandal sa dingding.
Binitawan ko ang phone at napasabunot sa buhok ko.
Fuck.. That's what I've missed.
It was his birthday..
Why the fuck did I have to forget something so important?! Damn it!!
Sinubukan kong tawagan si Claude.
Naka labin dalawang rings na pero walang sumasagot.
I tried once more.. Kapag hindi niya sinagot.. Bukas nalang.
*krrringg krrrring*
"Hello? Who is this?"
The voice wasn't his.
"Ahmm. Is Claude there? I'm a friend."
"Ahh. I'm sorry. He went out this 1 in the afternoon and went home drunk so he cannot take the call. You can call him again tomorrow or I'll relay message for you? I'm his brother anyway."
"Ahh. I see. Why would he be drunk on the day of his birthday?"
I heard his brother sigh and spoke in a sad tone, "Ice never celebrated his birthday. He hated it. I was so happy when his butler said he went out to celebrate it with someone special but here he is.. So fucking wasted."
Biglang nanikip ang dibdib ko sa sinabi niya.
This is the first time he took an interest in celebrating with me.. But I wasn't there.. I'm such an idiot..
"I.. I see.. I'll just call him tomorrow then.. Sorry for bothering you.."
Sabi ko.
"Not at all."
Binaba ko na ang tawag at napahilamos ako ng mukha.
Ang tanga ko talaga.. Ang tanga tanga..
BINABASA MO ANG
I Won't Let You Go
רומנטיקהI was inlove with my best friend. It sounds common and familiar isn't it? But I didn't dare confess because he was inlove with someone else. I hid my feelings and just love him secretly.. Like an idiot. Kahit ako nabibilib sa sarili ko kasi sa tinag...
