New Student and his Determination

66 4 0
                                    

Ice Claude's
As usual ay pumasok ulit ako para sa advance class.
Hindi pa nangangalahati ang natapos namin kaya matagal tagal pa to matapos.
Napahinga nalang ako ng malalim habang nakaupo sa upuan ko.

Pagpasok ng unang professor ay nagsiayos ang lahat sa upuan nila.
Tumayo siya sa harap namin, "Good Mornin' everyone. We've got another student here. Come in, buddy."

A student came in wearing his hoody while looking down.
Pagdating niya sa harap ay inalis niya ang hood niya at tumingin sa amin.
I froze.
Nanigas ako sa inuupuan ko at nagwawala ang puso ko sa lakas at bilis ng tibok niya.

Nanlalaki ang mata ko habang nakatitig sa harapan.
That handsome delicate features that was so familiar to me.
Those eyes that was so hypnotizing.
I never thought I'd see it here. Or rather I never thought I would ever see it again.

"Good morning. I transferred here from one of the University branches.
I'm Kian Steve Park.. By the way."
Pagpapakilala ng bagong student.

"You may take your seat wherever you want." Sabi ng professor.

Inilibot ni Kian ang paningin niya at tumigil bago naglakad patungo sa isa sa upuan sa gilid malapit sa pinto.
Buong session ay wala ako sa sarili ko at pasulyap sulyap kay Kian na parang bored sa kinauupuan niya.

After ng klase ay nagsilabasan na kami.
Nang mapansin ko na wala si Kian ay nagmadali akong lumabas para hindi kami magkita.
Paglabas ko ng pinto at akmang maglalalad palayo ay may humablot sa kamay ko at hinila ako papunta sa kung saan.

Hindi ko makita ang mukha niya pero nananalangin akong sana hindi siya yung nasa isip ko.
Pagdating namin sa backgate ay hinila niya ako sa isang park at isinandal sa pader malapit doon kung saan walang katao tao.
Napasinghap ako nung makita ko kung sino siya.

Si Kian. Gusto ko siyang yakapin sa tuwa dahil namiss ko siya ng sobra.
Kahit sinabi ko sa sulat na kakalimutan ko ang nararamdaman ko sa kanya ay hindi ko magawa.
Akala ko mapapadali yun dahil sa pag alis ko pero lalo yatang lumala.
Naging siya ang laman ng isip ko at tumindi ang kagustuhan kong yakapin siya at makita.

Heto na at nasa harapan ko siya pero hindi ako makagalaw. maliban sa diniin niya sa pader ang braso ko ay alam kong may kasalanan ako sa kanya.
Isa pang pumipigil sa akin ang galit niyang ekspresyon.

"K- Kian.."

Nagulat ako dahil bigla niya akong sinuntok.
Napaupo ako at lumuhod siya sa harap ko.
Kinuwelyuhan niya ako pero nanatili akong tahimik at nakatitig sa mata niya.

"Putang ina lang Claude! You're so selfish. Pagkatapos ng pesteng deal na hindi ko alam ang dahilan, iniwan mo ako na parang wala lang! Tapos mag iiwan ng pesteng sulat na ganun? Damn it siyempre galit ako! Sinong hindi magagalit kung iniwan sila ng ganun nalang! You said you want to make me a piece of your fucking memory?! Fuck do what you want! A piece of memory or whatsoever!! I'll do the same!"
Galit na galit niyang sigaw.

Nanigas ako at lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa huli niyang sinabi.
Gusto kong sabihin na huwag. Dahil hindi ko kayang gawin yun.
Pero hindi ko magawa. Wala akong karapatan.

Nanatili siyang nakatitig sa akin ng masama habang humihingal sa sobrang galit.
Matapos ang mahabang titigan ay bigla niyang ipinatong ang noo niya sa may balikat ko.
"Fuck.. Akala ko hindi na kita makikita pa ulit. Akala ko hindi na kita mahahawakan ulit."

Nanginginig ang boses niya at lumuwag ang pagkakakwelyo niya sa akin.
Napakagat labi naman ako at tumingin sa iba.
Baka mapaluha pa ako dito ng wala sa oras.
Napatingin nalang ako sa iba, trying to hide the solemn expression in my eyes.

I Won't Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon