"Uhm..pumunta pa po kasi ako ng off---"Number 1 rule for my class is NO excuses! Do you understand?" masungit netong sabi sakin.
Ha? Eh diba tinatanong nya ako? =_=!
Tumango na lang ako dito, number 1 rule sakin ay magpakabait sa eskwelahan na ito.
"Come inside and introduce yourself" sabi nito at nauna nang pumasok sa loob.
Huminga nanaman ulit ako ng malalim bago sumunod dito, pagpasok ko ay nasa akin lahat ng tingin ng mga studyante, nahinto sila sa lahat ng ginagawa nila, yung iba nakangiti at yung iba naman ay walang pakialam.
"She's a new student, please introduce yourself Ms." Maam, hindi ko pa sya kilala.
Humarap ako sa kanilang lahat, this is not the first time na tumayo ako sa harap ng mga tao pero bakit sobra naman ata ang kaba ko ngayon.
"Hi, I'm Valeen Sprouse, 19 years old" sabi ko at nag bow.
"Where school do you from?" tanong ng isang babae, maarte ang tono ng pananalita nya. Nakataas rin ang kilay neto sa akin.
"From Westwing College" sagot ko sa tanong nito.
"What?! So you're poor? pano ka nakapasok dito? hahaha" natatawang sabi nito.
Biglang umingay ang klase, at pakiramdam ko ay namumula narin ako.
"She's the Champion of Quiz bee competition from Westwing College ang tumalo sa Belle Rive University, Our school offered her a scholarship" Sabi ni Maam.
Nagkaroon naman ng bulungan sa paligid, napansin ko ang pagtingin sakin ng masama nung babae na nag tanong sa akin kanina, I really hate this kind of situation.
"So if I were you Ms. Patricio, you better read your journals ng makasagot ka sa klase ko instead of making fun with the new student, yan ba ang ipapakita niyong ugali ng mga taga Belle Rive?" Maam
Biglang tumahik ang lahat.
"I'm Mrs. Violet, you may take your seat" sabi nito sakin, nag bow ako dito "Thank you po Maam" sabi ko at nagsimula ng maghanap ng upuan. Dahan-dahan akong naglakad sa gitna habang nililibot ang mata ko sa paligid.
May nakita akong bakanteng upuan sa gitna, I was about to seat ng bigla itong lagyan ng bag ng isang babae.
"It's taken, sorry" sabi nya.
nilibot ko ulit ang paningin ko.
"Here! Seat with me" sigaw ng isang babae mula sa likod. Ngumiti ako dito at naglakad papunta duon. Inilapag ko ang bag ko at tsaka umupo.
"Thank you" sabi ko sa kanya ng makaupo ako.
"No problem, I'm Camila" sabi nya at tsaka inabot ang kamay nya sakin.
"Valeen" sabi ko dito, napansin ko ang katabi nya, naka head down to at mukang natutulog.
"ahh hehehe, She's Laura. Tulog talaga yan pag chemistry" sabi nya.
"ahh, nice meeting you" sabi ko dito. Tumango sya at tsaka pinagpatuloy ang kanina nya sigurong ginagawa. I find her kikay base sa itchura nya. Mahaba ang buhok nya, marami syang suot ng kung ano sa kamay nya at ang nasa desk nya ay puro makeups.
Nahahati sa tatlong row ang klase at bawat row ay may taglimang row rin, nasa pinaka dulo kami ng row 1 sa tabi ng bintana, tag tatlo lang ang seating arrangement, nasa gitna si Camila, tabi nya ako mula sa kanan at sa kaliwa naman nya ay yung Laura.
Napabuntong hininga ako, hindi parin kasi nawawala ang tingin sakin ng ibang students. hindi ito ang inaasahan kong first day sa Belle Rive, pero okay na rin to. Hindi naman ang mga studyante ang pinunta ko dito, kundi ang school mismo. Mag-aaral ako dito hindi para makapag socialize sa kanila.
BINABASA MO ANG
Who Are You (Completed)
ActionA poor student trying to navigate college life goes to an exclusive school attended by rich gangster students. She expose the lies and misdeeds of the students as well her dark secret.