Sunod-sunod na kalabog sa pintuan ang narinig ko at nag pagising sakin, mabilis akong tumayo mula sa pagkakahiga ko at tsaka ko binuksan ang pinto ng apartment ko.
"ARAAAAAYYYY!!" Sigaw ko, halos mapaupo ako sa batok na sumalobong sakin, hinimas himas ko pa ang ulo ko habang nakasalampak sa sahig.
Grabe sobrang sakit nun.
"AYAN ARAY? ARAY?! Anong petsa na sa tingin mo ah?! 8:00 na! Ngayon ang quiz bee! Baka nakakalimutan——-
0_P
Hindi kona inintindi ang mga pinagsasabi ni Louise at tsaka dumeretso na ng banyo, jusko! sobrang napuyat ata ako kagabi kaka review at hindi ako nagising ng maaga! Ano ba naman yan, hindi ako pwedeng malate sa quiz bee!! Bakit ba kasi di ako natulog ng maaga! Halos kahapon naman isang buong araw ako nag review sa mga binigay ni Arisse na libro.
"Hoy! Ano sasabihin ko kina Maam Mostajo? Kanina kapa inaantay sa school, ikaw na lang inaantay ng service! Lagot ka talaga Valeen! Nakoo! Kung di pa kita pinuntahan dito di kapa magigising! Alam mo naman wala kaming contact sayo dahil wala kang cellphone——-
"Sabihin mo susunod na lang ako sa Belle Rive dun na lang kami magkita." Putol ko ulit sa sinasabi ni Louise, nagmadali na ako at lumabas na ng cr, kinuha ko yung uniform ko at tsaka bumalik ulit ng cr para mag bihis.
Isang mabilisang kilos ang ginawa ko sa loob ng 5 mins at tsaka hinila si Louise palabas ng apartment. Hihilain ko pa sana ulit sya ng ako naman ang hatakin nya pabalik sa kanya.
"Teka nga, alam kong nag mamadali ka pero please paki check muna kung may nakalimutan ka, baka sa kakamadali mo maiwan mo yung gate pass mo duon! At mga nareview ng utak mo." Sabi nya
Umiling iling ako at tinapik ang bag ko.
"Handa na lahat nung isang araw pa, kaya tara na! Baka malate ako" sabi ko at tsaka hinila na sya, mabilis akong pumara ng tricyle kahit kaya naman lakarin ang Belle Rive mula sa apartment kaso nga lang importante talaga ang bawat minuto ngayong araw besides naiimagine ko na din ang muka ni Maam Mostajo sigurado akong namumula na yon sa inis.
This is the day, sana manalo kami. Sobrang malaking opportunity ang makukuha ko if we win this competition. I smiled widely habang dinadama ang hanging tunatama sa muka ko. Sumilip ako sa daan. Again, napangiti ako ng malawak. Finally, makakapasok na ako sa Belle Rive Univeristy.
"Thank you po manong!" Pagpapasalamat ko sa tricyle driver, inabot ko dito ang pambayad, at tsaka humarap sa Belle Rive.
"Grabe Valeen! Ang ganda ganda ng Belle Rive! Parang mall!" Manghang sabi ni Louise.
"oo sobra" sabi ko, maganda talaga ang Belle Rive kahit sa labas pa lang, lagi ko tong tinatanaw mula sa Cafe, and I can't help but to fall in love with the place. Sobrang ganda nito sa labas at alam kong mas mamamangha ako sa ganda ng eskwelahan na ito pag pumasok na ako sa loob.
Mula sa labas na napapaligiran ng mga bench at puno isang malaking gate ang tatambad sayo, pati na rin ang malaking pangalan ng Belle Rive University, the gate of Belle Rive will already show how sophisticated and prestigious school they are.
"tara na baka inaantay na ako nila Maam" sabi ko kay Louise, at tsaka hinila na ito papasok ng gate, this is it, kahit hindi man ako makapag aral dito at least nasubukan kong pumasok sa eskwelahang pinapangarap ko.
"oo nga kanina pa ako tinatadtad ng text netong si Maam" Reklamo ni Louise natawa na lang ako sa itchura nito.
Muli akong natulala sa ganda ng Belle Rive, pagpasok namin sa loob ni Louise makikita mo na agad ang tatlong naglalakihang building na nakapalibot sa isang malaking soccer field. Sobrang daming estudyanteng aakalain mong mga artista.
BINABASA MO ANG
Who Are You (Completed)
AcciónA poor student trying to navigate college life goes to an exclusive school attended by rich gangster students. She expose the lies and misdeeds of the students as well her dark secret.