Kabanata 15

518 15 0
                                    


way back when Adam was 13 years old

"Grabe ang pogi ko talaga, tignan mo nagkakagulo na agad papasok pa lang tayo ng school" Oliver 

"Tumigil ka nga, hindi ka pa nga tuli!" Biro dito ni Sebastian

"Fuck you!" Oliver

nagsitawanan naman ang mga magpipinsan. 

"Huy! bakit di nyo ako inantay?" tanong ni Adam sa mga pinsan matapos nito takbuhin ang gate ng Belle Rive

"Pano tong si Caspian at Oliver nagmamadali makita si Stacey at Hanna" Givani

"Tss. Anong meron? bakit nagkakagulo sa field?" takang tanong ni Adam

"Eh kasi nga ang gwapo---

"Shut up! Oliver! Hey!! Luke! Anong meron dun?" tanong ni Sebastian sa kaeskwela.

"yung bagong transferee may kaaway na lalaki" sambit ng kaeskwela

"Hindi ba babae yung transferee?" takang tanong ni Caspian sa mga pinsan.

Agad na nagsipuntahan ang magpipinsan sa Field. isang babae ang nakaapak sa likuran ng isang lalaking nakadapa sa lupa ang bumungad sa magpipinsan.

"Woah! is that Gino?" manghang tanong ni Givani.

"I was just asking your phone number! makikipag text lang ako bakit ba ang sungit mo!!" Sigaw ng batang si Gino habang namimilipit sa sakit.

"You're harassing me! hindi kaba tinuruan ng good manners! what kind of school is this!" hindi pasigaw ngunit sinigurado ng babae na narinig ni Gino ang sinasasabi nito.

"Is that even a girl?" Caspian

"Pigilan nyo na yan, kawawa naman si Gino" Oliver

hindi na napigilan ni Adam na tulungan ang katabi nya sa klase, dahan-dahan syang lumapit sa babae at hinila ang kamay nito. 

"That's enough Miss"

ngunit hindi nya inaasahan ang sumunod nitong ginawa, kasabay ng paghila ni Adam ang pagbawi ng babae sa kanyang kamay at paghila sa kamay ni Adam at idiin ito sa dibdib nya, kahit na maliit ang babae sa kanya ay nakaramdam ito ng sakit dahil sa hindi nito magalaw na kamay.

Galit syang tinignan ng babae sa mata.

"Do it again and I'll bring you in hell" sambit nito.

----------------------

"Ako na dito Gwen" sabi ko kay Gwen habang sinasara ang pintuan ng Cafe. 

"Sige, mauuna na ako" sabi nito, tumango ako sa kanya at ngumiti. after ko ma-lock ang Cafe at ma-sure na wala akong nakalimutan na dapat gawin ay nagsimula na akong maglakad. 

hindi dumalaw si Arisse ngayon sa Cafe, siguro kasi busy talaga sya para sa Foundation. ang balita ko kasi isa sa Big event ng Belle Rive ang foundation, kaya siguro grabe nila paghandaan.  isa kasi si Arisse sa mga Student council Members ng Belle Rive. 

paliko na sana ako sa apartment ko ng maalala ko ang dapat kong bilhin sa convenient store. 

"Good evening welcome to Walter's--Oh! Valeen! long time no see ah, busy ka ata? galing ka sa Cafe?" tanong sakin ni mang Walter ang may-ari ng convenient store malapit sa apartment ko. 

halos linggo linggo ako bumibili sa kanya ng stocks ko sa partment kaya kilala nya na ako. masyado lang talaga madami nangyari nitong mga nakaraang araw kaya pati pagkain ko nakalimutan kona.

Who Are You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon