Kabanata 18

466 13 0
                                    

Andito kami ngayon sa bahay nila Arisse, dito na ako dumeretso after class dahil wala naman akong kukunin sa bahay. dala ko na rin naman ang regalo para kay Serene. 

"Huy! ano pang ginagawa mo? magbihis kana" pang limang ulit ni Arisse na utos sakin ng lumabas sya sa walk in closet nya. nakasuot na sya ng gown nya at inaantay na lang yung mag-aayos sa kanya. 

"Ayoko" sabi ko dito at pinagpatuloy ang pagbabasa ko sa libro nya. 

"Ano kaba! malalate tayo nyan eh!" inis na sambit nya. 

"Eh bakit kasi yun ang ipapasuot mo sakin? akala ko ba luma? tsaka Arisse! hindi ako nagsusuot ng ganon" inis ko ring sabi sa kanya. 

hindi na lang ako pupunta kesa suotin ko yon. pinapasuot lang naman sakin ni Arisse yung Red na gown na pinakita nya sakin nung bumili kami ng damit nya. ayun daw ang suotin ko dahil wala na yung mga luma nyang gown, pinamigay nya lahat kaninang umaga para masigurado nyang hindi ako tatanggi. 

"Bagay yun sayo! pipili ba ako ng panget sayo" Arisse

"kakagawa mo lang" sabi ko dito. natawa naman sya sa reaksyon ko dahil alam nyang naiinis na talaga ako. 

"So? hindi kana pupunta nyan?" tanong nya sakin, tumango ako.

"iabot mo na lang yung regalo ko" sabi ko sa kanya. 

"K. fine" sabi nya at kinuha yung box na lalagyan nung gown, pinatong nya to sa kama nya at tsaka umupo sa tabi non.

"Sayang yung pinang bili ko dito, how much it is? 12,000?" Arisse

-_-

"Arisse hindi ako nagpabili sayo, don't play around. hindi ko yan susuotin" sabi ko dito

"Oh! come on! suotin mo na malalate na tayo! quit the drama!" sabi nito at hinagis sakin ang gown mabilis ko naman sinalo yon dahil baka madumihan. nagulat ako ng hilain ako ni Arisse at pilit na pinapasok sa walk-in closet nya. 

"Matapilok ka sana mamaya!" sigaw ko sa kanya matapos nya isara ang pinto. 

"Bad Valeen!" sigaw nya mula sa labas. 

inis kong tinignan ang damit at walang choice kundi suotin ito. nakita ko ang walang laman nyang isang cabinet na dati ay puno ng mga luma nyang gown. 

"Evil Brat" kumento ko habang nagbibihis. 

after ko maisuot yun, tinignan ko ang sarili ko sa salamin. umikot pa ako para makita ko ang likuran ko. napasimangot na lang ako. tama si Arisse bagay sakin. hindi lang ako talaga sanay sa ganto. expose na expose ang cleavage ko at yung likod ko. 

"Are you done? andito na yung mag-aayos satin" sigaw ni Arisse mula sa labas. 

"Oo" sigaw ko at tinupi na yung uniform ko na suot ko kanina at nilagay yun sa bag ko. 

nahihiya akong lumabas ng closet ni Arisse.

"Oh! your so pretty Hija!" sabi nung lalake na nasa mid 30's na sya siguro yung mag-aayos. 

"I told you!" kausap ni Arisse dun sa lalake. 

inantay ko matapos is Arisse bago ako ayusan, naka tali ang buhok ni Arisse na parang Ariana Grande bumagay sa kanya yun at sa outfit nya na black gown yung pinili ko kahapon. light makeup lang ang nilagay sa kanya hindi ko rin alam kung bakit pero parang wala naman pinag-kaiba maganda sya talaga kahit anong ayos. 

hindi ko tinitignan ang itchura ko sa salamin hanggang sa matapos ako. 

"Val! here's your shoes--wow! fantastic Miko!" bati ni Arisse kay Miko yung nag-ayos samin. 

Who Are You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon