Kabanata 17

498 13 0
                                    

"Wag mo na problemahin yon! bukas sabay tayo bibili ng damit" sabi sakin ni Arisse habang nag tatype sa laptop nya. 

"Ayoko ng libre Arisse! ang dami ko ng utang sayo" sabi ko dito habang nagpupunas ng table sa counter. 

malapit na mag-sara ang cafe, si Jessi ang kasama ko ngayon kaya walang nagalit sakin kanina nang malate ako at andito rin si Arisse pag dating ko nag-usap pa sila ni Serene saglit tungkol sa party bago umalis si Serene. 

"Ako naman ang nagpasok sayo sa grupo kaya ka namomoblema ngayon anyway may mga luma akong dress sa bahay kung ayaw mo gumastos yun na lang gamitin mo basta ako bibili!" Arisse

tumango na lang ako dito dahil wala naman akong choice, magkano ba ang isang dress ngayon para bumili pa ako isang araw lang naman gagamitin. 

Excited si Arisse sa dadating na party kasi daw halos lahat sa department nila ay invited. ang bibilin ko na lang bukas ay pang regalo. nakakahiya naman kung wala akong dala. 

"Thanks Arisse" sabi ko kay Arisse bago bumaba ng kotse nya. hinatid na nya ako sa apartment after namin mag-sara ng cafe. 

"No worries! bukas after class sunduin kita sa room mo"  sabi nito sakin habang nakadungaw sa bintana ng kotse nya.

"Hindi na sa parking na lang tayo magkita"  sabi ko dito baka kasi pagtinginan nanaman kami kung susunduin nya pa ako.

"Okay! ciao!" sabi nito at tsaka pinaandar na ang kotse. 

pumasok na ako sa apartment ko at tsaka naghanda para maligo. kumain na kami ni Arisse sa Cafe kaya hindi ko mababawasan ang stocks ko.  pagkatapos ko maligo kinuha ko ang reviewer ko para sa foundation at tsaka sumamlampak sa kama ko para basahin yon. 

----

nagising akong nasa ibabaw ng muka ko ang binabasa kong reviewer kagabi, nakatulugan ko pala. tinupi ko ang page kung hanggang saan ako natapos at tsaka naligo na para pumasok. naghanda ako ng kakakain ko para sa almusal, nag prito ako ng itlog at noodles. nagtimpla rin ako ng gatas ko, hindi ako umiinom ng kape dahil nag rarapid heart rate ako pag umiinom nito.

after ko mag-almusal ay umalis na rin ako agad, hindi ako dinaanan ni Arisse kasi maaga daw sya papasok ngayon para magasikaso sa Foundation Week ngayon kasi inaannounce ang tungkol dun.  

pagdating ko sa Belle Rive hindi ako late at hindi rin ako maaga, sakto lang. nakita kona agad ang nagkukumpulan students sa announcement area kung nasaan ang bulletin board. hindi na ako nakipag siksikan, mamaya ko na lang titignan ang tungkol don. malamang about yun sa foundation. 

umakyat na ako ng room, walang katao-tao kahit na isa sa loob.

"Andun siguro sila lahat sa baba" bulong ko sa sarili ko. 

umupo na ako sa upuan ko at inantay mag start ang klase. after 30 minutes unti-unti naman napuno ang room kasabay din nun ang pagdating nila Laura at Camila. 

"Hi!" bati ko sa kanila.

dumiretso lang sila ng upo sa upuan nila ng hindi ako pinapansin. anong problem nila? 

=_=!

iniwan ko nga pala sila kahapon. 

huminga ako ng malalim at umayos ng upo humarap ako sa kanilang dalawa. si Camila ay nakaharap sa maliit nyang salamin habang si Laura at naka head down sa desk nya. 

"Sorry kahapon..sumama kasi pakiramdam ko" pagsisinungaling ko hindi ko pwede sabihin sa kanila na hinatak ako ni Serene buong araw mas lalo silang magagalit. wait! galit ba sila?

"Why did you not tell us?" Camila

nakahinga naman ako ng maluwag ng pansinin ako ni Camila, hindi sya galit.

Who Are You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon