"Valeen! sa sea side tayo mamaya after dinner" bulong sakin ni Arisse ng magkasalubong kami sa resto. kasalukuyan kaming kumukuha ng dinner ngayon.
"Huh? diba curfew na?" taka kong tanong sa kanya. bawal na daw kasi lumabas oras na pinaakyat na kami lahat.
"student council member here" pagyayabang nya, tumango naman ako agad kaya nag okay na rin sya. sumunod na ako kina Laura na tapos ng kumuha ng pagkain.
"Anong sinabi ni Arisse?" tanong sakin ni Laura
"uh? tinanong nya lang kung aakyat na ba ako mamaya after neto" pagsisinungaling ko.
"Hmm. may 1 hour pa naman bago curfew, pwede kapa gumala" Camila
tumango lang ako at tsaka kumain na. after namin kumain sumama muna ako kina Laura paakyat sa kwarto. para kumuha ng jacket.
"lalabas ka?" Laura
tumango ako.
"May curfew na mamaya, bumalik ka agad" sabi ni Camila
tumango ulit ako sa kanila at nagpaalam na. bumaba ako at dumeretso sa sea side. halos konti na lang ang estudyante sa labas. naglakad lakad pa ako bago makita ang Whyos at Stallions sa iisang lugar. nakaupo sila sa buhangin at nakapalibot sa bonfire.
"Val!" salubong sakin ni Arisse. ngumiti ako sa kanya. inakbayan nya ako tsaka kami naglakad ng sabay papunta sa bilog. nakita kong kinawayan ako ni Serene kaya kumaway din ako sa kanya pabalik.
"Anong meron?" tanong kay Arisse ng makaupo kami.
"Wala naman, unwind" Arisse, tumango lang at inilibot ang paningin ko. wala pa yung ibang members ng Whyos ganun din sa Stallions.
"Mallows?"
inalok ako ni Eleanor ng marshmallow na nasa stick. ngumiti ako sa kanya at kinuha yon.
"Thank you" sabi ko dito.
unti-unting nabuo ang members ng Whyos, medyo umiingay na din. kausap ni Arisse si Ava. maya-maya pa dumating na din si Givani kasama si Adam na may dalang case ng beer.
Isa-isa kaming binigyan ng red cup, si Peter ang naglagay ng beer sa bawat baso nang matapos sya tumayo sya sa gitna at tinaas ang red cup nya.
"Before we start, why not we give a toast for Valeen?" Peter
lahat sila tinignan ako at tinaas ang mga baso nila.
"Yeah! we should officially welcome her!" sigaw ni Caspian.
ngumiti lang ako sa kanilang lahat at tumango. tinaas ko rin ang baso ko.
"Cheers!" sigaw nilang lahat.
"cheers" sambit ko at tsaka ininom ang laman non.
"Welcome girl!" bulong sakin ni Eleanor sya ang katabi ko sa kanan at sa kaliwa ko naman ay si Arisse. "Thank you" sabi ko dito. siniko naman ako ni Arisse at tsaka ningitian. ningitian ko rin sya pabalik.
after a couple of hours ay nagsimula ng magingay ang dalawang grupo sa harap. Si Oliver ang naging clown ng lahat na sinasabayan din nila Finn at Kai (Whoys members) ngayon ko lang sila nakitang magkakasama in one group and its nice, paminsan minsan natatawa din ako sa mga jokes nila. Arisse are now dancing kasama ang ibang members ng Whyos. sinabayan na rin sila ng mga Stallions at nangunguna dun si Serene. habang ako ay nanatili lang nakaupo. napansin ko si Sid na nakaupo pa rin, ng mapansin nyang nakatingin ako sa kanya, tinaas nya ang baso nya kaya ginaya ko rin sya, tinaas ko rin yon while he mouthed cheers in the air. hindi ko tuloy maiwasan mapatingin sa gawi ni Arisse at Elie na kasalukuyang nagsasayawan ngayon sa harap.
BINABASA MO ANG
Who Are You (Completed)
AcciónA poor student trying to navigate college life goes to an exclusive school attended by rich gangster students. She expose the lies and misdeeds of the students as well her dark secret.