"masarap ba?" Tanong sakin ni CamilaNapatingin ako sa kinakain kong pasta, nakangiti akong tumango dito. Andito kami ngayon sa cafeteria at kasalukuyang kumakain ng lunch. Tahimik ang paligid, konti lang din ang studyante sa loob.
Saglit akong napatingin sa labas mula sa glass wall ng cafeteria. Tirik na tirik ang araw sa field. naningkit ang mga mata ko ng makita ko sa reflection ng glass wall ang grupo nila Penelope na patungo sa pwesto namin.
"Okay ka lang Valeen? Tahimik ka." Laura
Saglit akong napatingin kay Laura at tsaka binalik ang tingin sa pagkain ko.
"Oo, may iniisip lang" sabi ko dito.
"There you are!"
Sabay-sabay kaming napalingon sa nagsalita, si Penelope kasama ang iba pa nyang mga kaibigan. Pinalilibutan nila ngayon ang table namin.
Sabi ko na nga ba may mangyayari nanaman isip-isip ko. Simula ng matapos ang nangyari kanina sa Lab hindi na ako tinantanan ng tingin ni Penelope. At sa mga tingin na yon alam ko na agad na may binabalak sya.
"What are you doing here?" Mataray na tanong dito ni Camila
"Were not here for you, were here for Valeen." Penelope
Ibinaba ko ang hawak kong tinidor.
"What do you need from her?" Chill na tanong ni Laura.
"Again we are here for Valeen, pwede ba wag kayong makisali" Penelope
"What—-
Hindi kona pinatuloy sa pagsasalita si Camila at tinignan ng deretso si Penelope.
"Anong kelangan mo sakin?" Tanong ko dito.
"May bibig ka naman pala, i just want to ask something." Penelope
Nagsimula ng dumami ang mga nakikinood sa palabas na ginagawa ni Penelope, at nagsisimula na din akog mailang. I hate being center of attraction if it is nonsense.
"Ano yon?" Tanong ko dito.
"Well.." lumapit sya sakin. "I just want to ask kung san ka nakakakuha ng kakapalan ng muka? Studying here in Belle Rive and trying to flirt with Adam Franco" Penelope
Biglang naningkit ang mga mata ko, everybody starts to gasp. Nagtawanan ang mga kaibigan ni Penelope matapos nyang sabihin yon, maging sya ay kasalukuyan ding tumatawa.
"How dare you!!"
Tumayo si Camila at akmang sasampalin na sana si Penelope ng bigla ako nitong buhusan ng juice, napatayo ako sa pagkagulat at sa bilis ng pangyayari.
"What have you done!" Sigaw ni Laura.
"Ooppss sorry, sinadya" natatawang sabi ni Penelope. Pinunasan ko gamit ang palad ko ang nabasa kong muka, duon ko lang napansin na lahat ng studyanteng nakasaksi sa ginawa nya ay pinaguusapan na ako ngayon. kita ko ang panggigigil ng katawan ni Camila at Laura para sugurin si Penelope pero pinigilan ko sila.
"Wag na." sabi ko sa dalawa at mabilis na tumakbo palabas ng cafeteria.
Tumungo ako sa cr at mabilis na hinubad ang blazer ko. Tinignan ko ang itchura ko sa salamin. May konting bakas ng juice sa blouse ko pero hindi naman kagaya ng dami ng nasa blazer ko, naghilamos ako ng muka at tsaka inayos ang sarili ko.
"Okay lang yan Valeen." Bulong ko sa sarili ko.
"Wala ka namang ginagawang masama, sya tong kung ano-ano ang iniisip" dagdag ko pa.
BINABASA MO ANG
Who Are You (Completed)
ActionA poor student trying to navigate college life goes to an exclusive school attended by rich gangster students. She expose the lies and misdeeds of the students as well her dark secret.