"Sige Arisse, dito na ako" sabi ko kay Arisse ng makapunta kami sa Bus ko.
"Okay, dun pa sa unahan yung Bus ng department namin eh. kita na lang tayo sa venue" Arisse
tumango ako sa kanya at ngumiti, nang makaalis sya ay hinanap naman ng mata ko sila Laura at Camila.
"Valeen!"
excited na lumapit sakin si Camila nasa likod naman nya si Laura, ngumiti ako sa kanilang dalawa. naka ripped jeans si Camila at naka crop top na sando at white sneakers habang si Laura naman ay naka loose shirt, high waist jeans at white sneakers din. perehas silang naka backpack. Arisse was wearing a black jeans,off shoulder crop top and white sneakers at ako..hindi ako mukang basahan ngayon dahil bumili ako ng damit ko kahapon. mura lang naman ang pinagbilan ko kaya hindi naubos ang pera ko at isa pa marami akong nabili sakto para sa isang linggo foundation na to. naka suot ako ng maong jeans at white fitted shirt bumili rin ako ng isang white na sneakers na suot ko ngayon.
nakapila kaming lahat sa labas ng Belle Rive bago sumakay sa mga designated bus namin. ngayon ang alis namin para pumunta sa La Union para sa Foundation week ng Belle Rive. nauna ng dalawang araw ang mga nasa lower year at ngayon ang uwi nila. 3 days lang ang celebration nila habang samin ay 5 days. hindi sila sinabay sa College students since ang mga remaining activities ay halos puro pang College na. inaalala rin ang safety nila dahil mga bata pa.
"College Students! you may now go to your designated buses, please! be with your block mates. wag na kayo magtangkang pumuslit. Mr. Miggy will check each bus before we leave" Announce ni Mr. Ky mula sa mega phone na hawak nya.
narinig ko naman ang ibat-ibang kumento ng mga studyante sa paligid na plinano atang sumakay sa ibang bus para makasama ang mga kaibigan o boyfriend/girlfriend nila sa ibang block.
nagsimula na kaming pumasok sa bus namin, nakasunod lang ako kina Camila at Laura. nagpatuloy lang sila sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa pinaka dulo.
"Omay! two seats lang lahat" kumento ni Camila.
"Kayo na ni Valeen, magsosolo na lang ako" Laura
"Huh! hindi kayo na ni Camila magtabi, okay lang ako" sabi ko dito at umupo na agad sa pinaka likod para hindi na nya ako mapigilan. umupo na sila sa harapan ko. umusog ako sa tabi ng bintana at sinara ang kurtina.
"Are you all settled?" rinig kong tanong ng teacher sa harap. hindi sya pamilyar sakin kaya hindi ko na lang ito pinansin.
"isa na lang po kulang sa block namin--ayan na pala! okay na po kami prof" kumento ng block leader namin.
inayos ko ang pagkakapwesto ng bag ko sa harapan ko para makaupo ako ng maayos ng mapansin ko ang lalaking nakatayo sa gilid ko. inangat ko ang tingin ko at nakita si Adam.
nagtama ang paningin namin, luminga-linga sya sa paligid para maghanap ng ibang bakanteng upuan pero mukang wala na kaya umupo na sya sa tabi ko.
umusog ako ng konti at sumandal, naalala ko nanaman yung nangyari sa Mansion. ilang araw ko rin syang hindi nakita matapos yon at ngayon na lang ulit. naglagay sya ng earphone sa tenga nya, sumandala at pumikit. mukang lasing lang talaga sya nang gabing yon. bumalik ulit sya sa dati nyang itchura na parang walang pakelam sa mundo.
nag-aral kaya sya habang hindi sya pumapasok? sa pangatlong araw gaganapin ang quiz bee namin.
nagkaron pa ng ilang announcement bago kami tuluyang umalis, tahimik ang loob ng bus at mukang natulog ang lahat dahil ang aga ng call time kanina. napalingon ako sa katabi kona nakapikit pa rin. saglit kong pinagmasdan ang muka nya. Makapal ang kilay nya, matangos ang ilong at mahaba ang pilik mata. napatingin naman ako sa labi nya at kinumpara yon sa labi ko. mas mapula ang labi nya sa labi ko. -_-
BINABASA MO ANG
Who Are You (Completed)
AcciónA poor student trying to navigate college life goes to an exclusive school attended by rich gangster students. She expose the lies and misdeeds of the students as well her dark secret.