Kabanata 1

1.7K 18 0
                                    


VALEEN's POV

"Wow! You never fail to slay with your photos girl, and aurora looks really paradise" manghang sambit ni Chloe habang nag sli-slide ng photos sa cellphone.

Hindi ko sya masisisi kung ganun na lang sya ka-amaze, kahit sino naman mamamangha sa ganda ng northern lights.

"Yah right Chloe, how I wish my dad will also bring me there." Nakasimangot namang sabi ni Olivia.

"Stop dreaming Oliv! As if your dad would make time for you, he would prefer to go there for business trip than to get along with you!" pang-aasar dito ni Venice, pinaikutan lang ito ng mata ni Olivia na tila napikon dahil para bang tama ang lahat ng sinabi neto.

Inilapag ko ang tray na hawak ko at inayos ang buhok ko, dahil sa unti unting pagkakahulog ng ilang hibla nito mula sa pagkakakapit sa tainga ko.

"Stop that, anyway I am planning to get back there, if you want Olivia you can come with me"

Bigla akong nasamid sa sinabi ni Denise, parang kabilang barangay lang ang pupuntahan nya sa tono ng pananalita nya.

"Okay ka lang Miss?" napalingon ako kay Denise, i give a fake smile. 

"Opo Maam, enjoy your food po. Excuse me," nahihiyang sambit ko dito at tsaka tuluyan ng kinuha ang Tray mula sa pinaglinisan kong lamesa at nagtungo na sa counter.

Ang magbabarkadang iyon ay mga studyante mula sa mamahaling University sa tapat ng Café na pinagta-trabahuhan ko. Kilala ko na sila dahil madalas silang tumambay dito, kadalasan ay umaga o ngayong gabi tuwing dismissal nila. Madalas nilang pag-usapan ang tungkol sa mayaman nilang pamumuhay. Minsan natutuwa ako at kung minsan ay nagugulat kagaya ng reaksyon ko kanina, sa kanila kasing magkakaibigan ay parang napakadali lang ng pera na sobrang hirap naman para saking normal na tao lang.

Ako si Valeen Sprouse, Dreaming to be one of the student of Belle Rive Univeristy na nasa tapat ng Café na ito. Nag-aaral ako mula sa public college sa likod naman ng Café. tuwing gabi part-timer ako dito bilang isang crew.

Tumahimik ang loob ng Café ng isang babae ang pumasok sa loob, nakasuot ito ng Belle Rive University uniform kagaya sa iilang studyante sa loob kasama na ang mag babarkada kanina. Dahil sa ganda ng babae ay talagang naagaw nya ang atensyon ng lahat, Maikli ang buhok neto na lalong nagpaliit sa mala manika nitong muka. Lalong gumanda ang hubog ng katawan neto dahil sa uniformeng suot nya.

"VALEEEEEEEEEN!!!!"

-,-

Well, she's Arisse Dey. Totoong maganda si Arisse it's just that, ayan ganyan sya kaingay. Bestfriend ko sya at sya rin ang may-ari ng Café na ito. Yep a poor girl like me can have a bestfriend like her.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya ng makalapit sya sa counter, balik naman sa kanya-kanyang kwentuhan ang mga costumers na naistorbo ni Arisse.

"Why? Bawal na ba ako sa Café ko?" sarcastic na sambit nito.

"What I mean, anong meron? Bakit napadaan ka dito? It's Monday." Tanong ko dito, usually kasi ay Friday ito tumatambay sa café o weekends.

"Come with me" Arisse

"Ha? Saan? Bakit?" sunod-sunod kong tanong dito kahit na mukang alam ko na kung san ako dadalhin ni Arisse but I insist to ask kasi nga bago ito dahil Monday ngayon.

"Annual place, let's goooo!" hinila ni Arisse ang kamay ko na agad ko rin namang binawi dahil nakalimutan nya ata na nasa loob ako ng counter.

At teka? Pano itong Café? Tsk. Ano bang bago? Kung anong maisip nya ay gagawin nya.

Who Are You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon