Chapter 3

119 5 1
                                        

Yen's POV

Gooooood Mooooorning! Philippines. Good Morning World and Good Moooorning UNIVERSE! Ang sarap ng tulog ko kagabi.

Sinusulit ko kasi ang panahon na andito pa ako sa labas kasi alam ko, base sa mga nabasa ko na guide, di kami makakalabas ng University until maka graduate kami.

Nung papalabas na sana ako ng kwarto, nakita ko sa mesa yung gift na binigay ni Jessica. Yung kaibigan kong kasama kahapon sa mall. Nasanay kasi akong tawagin syang Dhai kaya di ko sya tinatawag sa pangalan nya. Classmate at bestfriend ko sya nung high school kaya sobrang close kami.

Kinuha ko yung regalo nya sa kin na binigay nya kahapon. Binuksan ko ito, nakita ko kung anong laman nito, ay syempre makikita ko kasi binuksan ko nga hahaha. Para akong tanga. Nakita kong may libro kaya dali-dali kong kinuha ito atsaka binasa ang title.

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHH" Napasigaw nalang ako sa pagkabasa ko nung title.

"Hoooy, Yen, anong nangyari? Bat ka sumigaw? May magnanakaw ba? Napano ka na? Buksan mo yung pinto." Sigaw ni Lola sa labas ng kwarto.

Kasi nag la-lock talaga ako ng kwarto pag natutulog hehehe

"Ah, wala po lola, may... May...may nakita... (Ano bang sasabihin ko. Huhuhu patay ako nito. Sabi ko sa isip ko) May nakita lang po akong lamok, ay ipis pala kaya napasigaw ako. Nagulat lang po La, sorry poo." Palusot ko. Sana effective. Bakit ko pa kasi nasabing lamok. Tanga ko hahaha

"Akala ko napano ka na. Ipis lang sumisigaw ka na, masa malaki ka oa dyan eh. Lumabas ka na at maraming gawain ang nag aantay sayo."

"Sige po. Papalabas na ako. Sorry po." Sagot ko nalang

Kasi naman eh, si bestfriend, akala ko yung binili nya kahapon para sa kanya yun. Sa'kin pala nya ibibigay kaya pala pinaalis nya muna ako nung binayaran nya kasi ayaw nyang malaman ko na yun pala ibibigay nya. Tssssk. Kaya love ko yung dhai na yun eh.

"Dyan ka muna baby ha? May trabaho pa si Mommy. Mamaya na kita babasahin ha?" Sabi ko sa libro.
Para akong tanga hahahah, eh kasi yun talaga yung pinaka gusto kong mabili kaso wala akong pera.

Di ko muna binuksan kasi may marami pang mag we-waiting na gawain sa akin hahaha. Kasi nga, nakikitira lang ako kaya dapat lang akong tumulong sa mga gawaing bahay diba?

Kaya lumabas muna ako para magpapawis sa mga gawaing-bahay hahaha. Mamaya ko na yun babasahin. Marami pa namang oras eh.

Shoichi's POV

Maaga ako nag ayos kasi gusto kong mamasyal buong araw kasi nga alam kong matagal akong di makakalabas ng University once makapasok ako. Well, base sa guide na binigay sa min.

Nag-ikot ako sa lahat na lugar na gusto kong puntahan. Kumain ako sa mga kainan. Kinain ko yung mga pagkaing ma-mimiss ko. Balot, isaw at yung mga ano, pagkaing di karaniwan pero masarap.

Habang naglalakad ako, di ko namalayan na may nabangga ako. Nag sorry naman ako, pero pagkatapos umalis na din ako. Parang may naalala ako dahil dun sa banggaan.

Ah oo nga kasi, yung babaeng nabangga ko. Ano nga bang pangalan nun? Ah di ko pala na natanong. Nagka kwentuhan kami pero di ko talaga natanong ano nga pangalan nya. Yung mga na kwentuhan namin, tungkol lang sa mga hassle na experience namin sa enrollment saka na kwento lang nya na kaya sa nakarating dun kasi scholar sya saka gustong gusto talaga nya makapasok dun. Yun lang nga pinag usapan namin eh. Di ko talaga natanong kung sino sya saka taga saan.

Dahil lutang ako, dahil sa kakaisip sa babaeng yun, di ko namalayan na hapon na pala.
Dali-dali akong umuwi kasi kailangan ko pang mag ayos dahil Lunes na bukas. Bukas na ako papasok sa PBB University. Mukhang matagal tagal akong di makakapag cellphone nito eh.

Pagkarating ko sa bahay, agad akong nag impake ng mga gamit ko. Sure ko kang dinala yung mga ano, mga gamit ko na kailangan ko talaga.

Pagkatapos ng ilang minuto na pag iimpake, nahiga na ako kasi gusto kong makapahinga ng mataas na oras para ready ako bukas. Sana makita ko ulit sya, ano kaya talaga pangalan nya. Hanggang sa nakatulog na ako.

Slow MotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon