Chapter 15

98 4 0
                                        

Yen's POV

Agad kaming pumasok at nilibot ng paningin naming lahat ang kwarto.

Di mo talaga aakalain na malaki pala ang loob nito dahil maliit lang kung titingnan sa labas.

Pumunta naman kaming lahat sa mesa kung saan may mga kagamitan dun.

Mga bow and arrow, baril, maliliit na kutsilyo at marami pa.

"Good afternoon housemates, ngayong araw magsisimula ang training nyong lahat at maya-maya ay darating na ang mga magte-train sa inyo. Pero before that, you will take your lunch first, mag-a-ala una na." Sabi ni kuya

"So lalabas po kami dito Kuya?" Tanong ni Tan

"Hindi, nasa food storage na ang pananghalian nyo. Kunin nyong dalawa ni Shoici, Tan." Ani ni Kuya

"Sige po." Sagot naman nilang dalawa.

Nang lumabas na sila, pumunta uli kami sa kung saan ang mga weapons ay nandun.

"Wag nyo muna galawin ang mga kagamitan dyan habang wala pa ang trainer nyo, okay?" Sabi ni Kuya sa'min nang akmang hahawakan ko.

"Okay po kuya." Sagot naming lahat.

Kaya lumayo kami dun naupo nalang sa bench na malayo sa mesa.

Pagkatapos ng ilang minuto, nakabalik na sila Tan at Sho habang dala ang pagkain.

"Ito ang pagkain mo Yen oh." Sabi ni Tan habang inaabot nya sakin ang pagkain.

"Kay Ashley mo nalang yan ibigay Tan. Di ko pa sya binigyan. Yan nalang ibigay mo kasi para kay Yen tong dala ko eh." Singit naman ni Shoichi samin ni Tan.

"Sige. Di ko alam may nag-aalaga na pala sayo Yen. Hahaha." Sabi ni Tan habang papalayo na samin ni Sho.

"Baliw talaga tong si Tan eh. Oh ito na Yen. At pakidala rin muna sa pagkain ko kasi kukuha ako ng bottled water at kukuhanan na rin kita." Sabi ni Sho sabay bigay sa pagkain nya at pagkain ko at umalis agad.

Di ko mapaliwanag kung bakit pero parang kinikiliti ako na may parang lumilipad sa tyan ko. Tsssk, ano na bang nangyayari sakin?

At pagkatapos ilang segundo bumalik na si Sho at nagsimula na kaming kumain habang nagkukwentuhan kaming dalawa.

Pagkatapos naming kumain lahat ay pinapahinga muna kami. Kaya nagkwentuhan nalang kaming lahat.

Sa gitna ng kwentuhan namin, may nagbukas ng pinto at pumasok sa training room.

Nung tingnan namin, namangha kami sa kanila.

"Woooooww, ang gwapo nila." Sabi ni Sheena.

"Ang ganda rin kaya ng mga babae." Sabat ko naman.

Nung nasa harapan na namin silang lahat, nagsalita naman si Kuya.

"Housemates, sila ang mga trainers nyo. At ang training nyo ay magtatagal depende kung gaano kayo katagal matututo." Paliwanag ni kuya.

"So by group ba ang training namin kuya?" Tanong ni Mich

"Depende sa kung anong klase ng training ang gagawin nyo sa araw na yan." Sagot ni Kuya.

"Ahhh, okay po." Sabi ni Alfred na parang na A-amaze.

"So, magpakilala na kayo trainers." Sabi ni Kuya

"Ako si Kiara Takashi ako ang magtuturo ng martial arts sa babae." Pakilala nung magandang Ate na parang may lahing hapon katulad ni Sho

"Ako naman si Gino Roque ako ang magtuturo ng martial arts sa lalaki." Pakilala ni Kuyang matangkad na macho na parang may something sa kanila ni Ate Kiara.

"Ako naman si Lou Yanong, ako ang magtuturo kung paano gumamit ng bow and arrow para sa babae." Sabi ni Ate girl na matangkad na black beauty.

"I am Andre Broulliette, I am the one who will train the boys for bow and arrow." Sabi ni Kuyang hunk na maputi. Ang gwapo nya talaga.

"Ako naman si Argel Saycon, ako ang magtuturo kung paano gumamit ng baril." Sabi naman ni Kuyang moreno na gwapo rin.

"Ako si Aki ......, Ako ang magtuturo kung paano gumamit ng kutsilyong maliliit na ginagamit sa laban." Sabi naman ni Kuyang may tattoo pero gwapo pa rin.

"Woooowwww, ganun po ba lahat ng trainings namin? Makakahawak ba kaming lahat ng iba't-ibang gamit?" Sunod-sunod na tanong ni Lance.

"Oo, kasi by pair nyo ito gagawin pero may isang grupo na tatlo para ma train namin kayong lahat." Sagot ni ate Kiara.

So, ayun pinares pares kami. Ang pares ko ay si Kyzha, tapos si Ashley at Angela tapos si Sheena naman ay pinares kay Batit since wala syang pares na babae.

Tapos sa boys naman, si Tan at Lance tapos sila Sho, Alfred at Mich naman ang nag-iisang tatlong grupo.

Nag stretching muna kami bago namin sinimulan ang training naming lahat.

Ang unang training namin ni Kyzha ay martial arts tapos kina Ashley at Angela naman ay bow and arrow.

Kina Sheena at Batit naman ay baril, kina Tan at Lance naman ay bow and arrow at sila Sho, Mich at Alfred naman ay yung maliliit na panlabang kutsilyo.

Tinuruan muna kami ng basics para mahasa muna kami dun tapos pagkatapos nun ay papahirap na ang mga training.

Pagkatapos ng training namin ay halos di na kami makagalaw at makalakad papunta ng kwarto namin.

Inabot pa kami ng ilang oras para lang maabot namin ang living room. Sila ay nanatili lang dun pero ako ay pumunta na sa bedroom para matulog dahil di na talaga kaya ng katawan ko.

Pagbagsak ng katawan ko sa kama, agad akong nakatulog. Zzzzzzzzzzzz
.
.
.

Sho's POV

Pagkatapos ng training namin, pumunta kami ng living room at pagkatapos ng ilang sandali ay pumunta naman agad si Yen sa bedroom nila.

"Di ba kakain si Yen ng hapunan?" Tanong ko sa kanila habang nakatingin pa rin sa pinto ng kwarto nila.

"Mukhang di na siguro. Sino bang magluluto ngayon? Eh parang lahat tayo pagod na pagid eh." Sa sabi naman ni Angela

"Housemates, kunin nyo sa food storage ang hapunan nyo. At simula sa araw na to, breakfast nalang ang lulutuin nyo." Biglang sabi ni Kuya.

"Sige po Kuya. Thank you po." Sabi ni Tan.

Kinuha naman agad nila Lance at Mich ang pagkain sa food storage.

Pagdating ng pagkain, pumunta si Kyzha sa kwarto nila para sana gisingin si Yen pero nung bumalik si Kyzha, di parin nya kasama si Yen.

"Ayaw gumising ni Yen eh. Parang ang himbing na ng tulog nya." Sabi ni Kyzha.

"Wag nalang nating gisingin. Ilagay nalang natin sa ref ang pagkain nya para di mapanis. At iinitin ko nalang bukas." Presenta ko

"Ayyy, iba ka din Sho no? Baka nahuhulog kana." Sabi ni Lance.

"Anong nahuhulog ka dyan? Wag kang ganun. Close friend ko lang yun." Sagot ko naman

"Close friend daw. Tingnan lang natin pagkatapos ng ilang buwan." Hirit naman ni Mich.

"Bahala kayo dyan. Sya lang kasi ang mas una kong nakilala kong babae dito kaya mas close ako sa kanya." Sagot ko na naman.

Lahat ng tingin nila sakin (pwera kay Batit at Sheena) ay parang hindi sila kuntento sa sagot ko. Hinayaan ko nalang silang lahat at nagpatuloy sa pagkain ko.

Pagkatapos ng ilang minuto ay tapos na kaming kumain lahat at pumasok na sa mga bedrooms namin.

Nagkwentuhan muna kaming mga boys saglit at natulog na pagkatapos.
.
.
.
.

~~AniMay17~~

(A/N: Sorry for the long time of inactivity, sobrang busy lang talaga. Huhuhu, malapit na rin ang Finals namin. Ang hirap pa naman ng mga subjects tsk. Well, enough for that, thank you pala sa mga patient readers ko. Thank you for waiting at sorry sa matagal na update. Vote, comment and follow me po :*)

P.S. I forgot to put the surname of Aki since nalimutan ko rin ang apelyido nya. Ano nga ba ang surname nya? Hahaha

Slow MotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon