Chapter 8

89 5 1
                                        

Sho's POV

Naaawa ako kay Yen kasi naparusahan sya. Kung sana nagising namin sya, sana di sya naparusahan. Sana, kasama namin sya ngayon na nagkukwentuhan ngayon.

"Uy Shoichi, bakit nakatulala ka dyan? Iniisip mo si Yen noh? Aysesssss. Inlove kana nyan? HAHAHA" Sabi ni Angela

"Uy hindi ah. Di ako magkakagusto dun. At di talaga yun mangyayari. Promise. Saka Sho nalang itawag nyo sakin kasi parang ang formal kung Shoichi." Sabi ko naman

"Uy, wag ka magsalita ng patapos Sho. Baka di mo mamalayan na inlove kana sa kanya. Ayiiiieee" -Tan

"Oo nga." Sang-ayon naman ni Mich

"Ewan ko sa inyo. Bahala kayo dyan, basta ako, alam ko na di pa ako inlove sa kanya." Sabi ko

"Aysseeeeees, sabi mo na di ka pa inlove so meaning na may possibility na mainlove ka sa kanya. Ayiiiieeeeee." Sabi ni Alfred

"Aabangan namin yan Sho." Sabi ni Kyzha

"Ha? Anong aabangan?" Tanong ko sa kanya

"Ang pagka inlove mo kay Yen. Ayiiieee" sagot naman nya

Tumahimik nalang ako kasi wala akong masabi. Ewan ko ba bakit ko nasabi yun. Tsssk, di talaga ako ma iinlove kay Yen. Promise.

Habang kami ay nagkukuwentuhan, si Yen ay naglilinis naman ng girls' and boys' bedroom.

Naaawa talaga ako kasi sya lang lahat ang gumagawa ng mga gawain. Pero kasalanan naman nya yun eh. Haaaaaysss.

Nung nakita ko syang lumabas galing sa bedroom ng girls, naalala ko naman ang mga nasabi ko sa kanya kanina. Para akong natatawa sa sarili ko nun.

             ~FLASHBACK~

Nakita ko si Yen na naglilinis dun sa living room. Kaya nilapitan ko sya

"Gusto mo, tulungan kita?" Sabi ko

Parang nagulat sya sa sinabi ko at natawa naman ako ng palihim nung nakita ko ang reaction nya.

"Ano ka ba Shoichi, nagulat ako sayo eh. Pero salamat pero bawal eh, paparusahan ka rin kung tutulong ka." Sabi nya

"Sho nalang, ang taas kasi ng Shoichi tapos parang ang formal." Sagot ko

"Sige Sho, salamat nalang ha." Sabi nya

Di ko alam kung nag iimagine lang ako pero parang kinilig yata sya? Ewan ko baka nag iimagine lang ako hahaha

"Yan kasi, ang antukin mo eh. Tingnan mo, naparusahan ka pa tuloy." Sabi ko para di maisip na concern or nagiging sweet ako sa kanya. Never akong magiging sweet kahit kanino

"Ay wooow, galing, lumapit ka lang dito para sabihin yan? Ang bipolar mo dhai. Salamat sa panunumbat ah. Salamat talaga ah." Sabi nya.

Parang napikon yata sya sa sinabi ko.

"Totoo naman eh. Kung di ka nakatulog edi sana di ka mapaparusahan. Sana nagkatabi tayo kanina sa session room at nakapag kwentuhan tayo." Sabi ko.
Nagulat naman ako sa mga nasabi ko. Sana di nya narinig yun.

"Sige na, kasalanan ko na, di naman ako naninisi eh. Saka ano yung huli mong sinabi?" Sabi nya

Pasalamat naman ako at hindi nya narinig yung huli kong sinabi. Mahina lang siguro yung pagkasabi ko. Haaaay salamat naman.

"Wala, ipatuloy mo nalang yan. Wag masyado magpagod, maawa ka sa katawan mo, baka isang malakas lang na hangin madala ka na agad." Sabi ko at umalis rin ako agad

Di ko maintindihan ang sarili ko. Bakit ko nga ba nasabi yun eh. Siguro sya lang ang kadalasan kong nakakausap at sya lang rin ang nababadtrip ko. Nakakatawa kasi ang mga reaction nya.
Oo tama. Yun lang yun kaya nasabi ko yun.

       ~END OF FLASHBACK~

Agad naman akong natauhan nung tinawag ako ni Sheena

"Uy, Sho? Okay ka lang? Natutulala ka na naman." Sabi nya

"Ahh oo. Okay lang" sabi ko naman

"Eh yan yung epekto ni Yen sa kanya eh. Ayssseeeeeess." Kyzha

"Ewan ko sayo Kyzha. Kanina ka pa " sabi ko at tumayo para pumunta muna ng CR.

Pagkalabas ko, nakita ko naman silang lahat na nakaupo at ying iba ay natayo sa kitchen dahil tinitingnan nila si Yen na nagluluto.

"Yen, ano bang lulutuin mo?" Tanong ni Angela

"Maam, Sir, ang menu for today is chapsuey. Sana magustuhan nyo. Hahaha" sabi naman nya

At lahat kami napatawa.

"Baliw ka talaga Yen. Maam at Sir ka dyan. Cinareer mo yata ang pagsisilbi samin ah." Sabi naman ni Kyzha

Oo nga, imbes na malungkot sya dahil sa parusa nya ay parang nag eenjoy pa sya.

"Eh kasi gusto kong lubusin to dahil isang araw lang akong magiging ganto. So hanggang bukas lang ng hapon ako ganto." -Yen

"Ano Yen? Hapon? Si Sho ba yun? HAHAHA." Sabi ni Alfred

Nagulat naman ako sa sinabi ni Alfred

"Ayyyyyyiiiiiieeee" tukso nilang lahat maliban kay Sheena

"Ewan ko sa inyo mga dhai. Wag nyo nga akong itukso dyan sa pikon at bipolar na lalaking yan. Tsk" -Yen

"Mas lalo naman ako." Sabi ko

Ewan ko pero parang napikon ako sa sinabi nya.

Dumiretso ako sa boys' bedroom para dun humiga at makapag isip isip.

Bahala yung babaeng yun. Di na ako makikipag usap sa kanya kahit kailan. Di nya ako gusto, mas di ko naman sya gusto. Bahala sya.

"Shooo!! Kain na tayo. Lumabas kana dyan." Sabi ni Sheena

Mabuti pa si Sheena, paramg may concern sya sakin

" Sige wait lang. Palabas na ko." Sabi ko

At yun lumabas na ako at dumiretso sa dining area. Nandun na silang lahat maliban kay Yen kasi, pagkatapos pa ng lahat sya makakakain.
Bakit ba sya na naman ang iniisip ko?

"Dali na Sho. Tikman mo yung luto ng baby mo, ay ni Yen pala. HAHAHA" Sabi ni Angela

At yun tumawa silang lahat pero ako parang wala lang. Ayoko ng makipagkulitan sa kanila kung about dun sa babaeng yun.

Umupo ako sa tabi ni Sheena. At nagsimula na akong kumain. Nagugutom na ako eh.

"Uy Sho, hinay hinay lang kasi baka mabulunan ka. Sige ka. Masarap ang luto ni Yen diba?" Sabi ni Tan habang nakangiti na parang ewan

"Di ko alam. Gutom lang talaga ako kaya ganito ako." Explain ko habang may laman pa ang bibig ko. Yun naman talaga ang totoo eh. Gutom lang talaga ako.

"Aysssseeeees, ewan ko sayo Sho." Kantyaw naman ni Kyzha

Tumahimik naman ako at nag focus nalang sa pagkain. Di rin ako sumali sa mga kwentuhan nila.

Pagkatapos kong kumain, dumiretso agad ako sa bedroom namin kasi wala akong gana makipagkulitan ngayon.

(A/N: sorry po sa late update. Nawalan ako ng load eh hahaha. Saka na busy rin sa pag antay ng update sa ShoiYen.
Nasa taas yung picture ni Yen kung kiligin hahahaha)

Slow MotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon