Shoichi's POV
Good Morning Ebreone. Ang aga ko na nagising kasi eksayted ako eh. Iniisip ko ang mga posibleng mangyayari pag pumasok na ako sa University. Sana mabuti lang ang mangyari. Eksayted ako na parang may nerbyos. Di ko na talaga alam.
Basta di ako mapakali eh. Dumagdag pa yung babaeng di ko nalaman ang pangalan. Sana talaga magkita kami. Di naman sa gusto ko sya, na cu curious lang ako sa pagkatao nya. Interesting kasi sya saka napaka positive nya. Nakakahawa yung ano, kumbaga positive vibes niya. Basta ganun lang wala ng ibang meaning. Saka, hello, kakakilala pa namin, bakit ako magkakagusto sa kanya? Gusto ko lang sana yung Slow motion lang kumbaga.
Naghanda na ako para pumunta na sa school. Eksayted ako na kinakabahan, ano ba to. Nakakabakla eh haha
Mamaya na ko magkukwento sa inyo. Maghahanda pa ako eh. Byeee.
Yen's POV
" PRECIOUS LYN QUIRANTE. BUKSAN MO ANG PINTO. MALE LAYE KA NA, ANONG ORAS NA OH. MAG AALAS OTSO NA, NANDYAN KA PA RIN SA KAMA MO. ANI TO? BUHAY PRINSESA TAYO NGAYON? HA? BUMANGON KA NA. PAG DI KA PA BUMANGON, SISIRAIN KO TONG PINTUAN PARA KAHIT ANONG ORAS MAKAKAPASOK NA AKO NG KWARTO MO AT MAGIGISING KITA KAHIT DIS ORAS NA NG GABI. GUSTO MO BA YUN? BANGON KA NA!" Sigaw ni Lola
Napabangon ako kaagad tapos tumingin sa orasan. Patay na ko. Late na talaga ako. Huhuhuhu. Unang una pa naman sa klase eh. Tapos nandun pala sa guide na magsasarado ang gate pag nandun na lahat. Pano kung di nila napansin na wala pa ako? Huhuhu di na ako makakapag aral? Patay na talaga.
"Babangon na po." Sagot ko kay Lola
Agad akong nag ayos. Naligo, nagbihis, nagsipilyo kasi baka mahimatay yung mga makakausap ko hahaha. Basta yung mga morning routine ko. Tapos lumabas na ako dala yung mga gamit ko. Tutulong pa sana ako sa mga gawain ni Lola pero sinigawan nya ako kasi late na raw ako. At pinapalayas na nya ko. Huhuhu, ayaw na ni Lola sa kin. Hahaha charot, pinapadali lang nya ako kasi alam nya na late na talaga ako. Kaya ayun nagmadali rin akong umalis at sumakay ng tricycle. Habang nakasakay ako, naalala ko yung nangyari kagabi. Yun ang dahilan kung bakit ang tagal kong nakatulog.
~Flashback~
At sa wakas natapos ko na lahat ng mga gawaing bahay na dapat kong gawin. Agad akong tumakbo sa kwarto para masimulan ko ng mabasa ang libro. Di ko na mapigilan.
Nakapasok na ako, at agad kong kinuha yung libro. Nagsimula na akong magbasa.
Nung mga nasa page 10 na ako, nag desisyon ako na magbasa sa parang summary ng libro. Yung nasa cover page ng libro. Imbes na basahin ko yun ay may napansin akong parang sticker paper na nakadikit sa cover page na nasa last part ng libro. Kaya yun ang binasa ko.
"Hi :) kung mabasa mo ito ang masasabi ko lang sayo maswerte ka dahil talagang nagmakaawa yung kaibigan mo para makuha nya to at mabigay sayo
Ako nga pala yung unang nakahawak nito kaya akin sana to pero binigay ko nalang. Kaya pasalamat ka sakin ha You're welcome agad saka sana kung makita tayo pahiram mo sakin para mabasa ko naman to. Wala na kasing stock nito kaya pabasa ha. Sana makilala kita
-しょ
Japanese pala talaga to eh. Ang kaso, di ako marunong mag Japanese dhai. Yung alam ko, gonichiwa ata yun. Tapos di ko rin alam yung ibig sabihin hahaha. Naririnig ko lang sa mga taong feeling Japanese hahaha
Pero na cu-curious ako kung sino to. Posible bang sya yung lalaking nasabihan kong magnanakaw at holdaper? Pero imposible naman siguro kasi baka wala syang kamag anak dito kaya malayo sya sa mall na pinuntahan namin ni Jessica. Hay nako. Ewan ko. Kinalimutan ko muna yun at tinuloy yung pagbabasa sa libro. Pero di talaga mawala sa isip ko yung nasa sticker paper.
Di ko alam kung dahil ba di ko naintindihan yung last na sulat sa papel o nag e-expect ako na sana yung nagbigay nun ay yung lalaking nakilala ko sa school. Haaaay ewan ko, nang dahil sa kakaisip ko dun di ko namalayan na madaling araw na pala. Pagtingin ko sa orasan ay 1:26 AM. Hala ka diha, pano na to. Dapat akong makagising ng maaga para makarating sa PBB University ng maaga. Kaya dahil sa late na talaga ay, pinipilit kong makatulog pero talagang di mawala yung tungkol sa sticker paper. Jusko dhai, talagang male-late ako ng gising nito. Pagkatapos ng ilang minuto ay nakaramdam na ako ng antok at tiningnan ko muna ang oras bago akong makatulog ng mahimbing, 2:06 AM. Late na talaga ako nito. At tuluyan na akong nakatulog.
~End of Flashback~
"Kuya dito nalang po ako. Ito po bayad ko oh." Sabi ko saka binigay yung pamasahe
Agad kong binaba ang mga gamit ko sa tricycle at dali daling tumakbo sa gate. Magsasarado na sana ang gate pero nakaabot pa ako.
"Kuya Guard, studyante po ako dito. Ito po yung study load ko saka ID ko." Sabi ko kay Manong Guard.
"Anong pangalan mo?" Tanong nya sakin na para bang di nya narinig yung explanation ko kanina kasi di nya ako tiningnan at di rin sya umalis sa pwesto nya.
"Pre......." Naputol nya yung pagsasalita ko kasi sumingit si Manong Guard.
"Ikaw ba si Precious Lyn Quirante na taga Buhi, Camarines Sur?" Sabi nya
" Oo Manong Guard. Bakit mo alam, stalker po ba kayo? Or fan kita? " Sabi ko. Kasi nakakapagtaka eh
"May record na kayo lahat sa school na to. Yung mga officially enrolled na ay nasa lista na kayo lahat. Pumasok ka na at ikaw na lang ang hinihintay. Unang araw, late. Tsk. Black ninja, ihatid nyo na sya. Alam mo na ang gagawin ha?" Pag explain ni Manong Guard. Hay nako, oo nga naman. Bakit di ko nga ba naisip yun eh.
"Tara na po. Atsaka yung bag nyo po, may i che check lang ako." Sabi ng black ninja
"Sige po." Tipid kong sagot
Habang naglalakad kami ay hinahalughog rin nya ang bag ko. Teka, may itatanong pala ako.
"Kuya black Ninja, pwede lang po bang magdala ng libro? Isa lang oo yun. Saka lovestory rin yun kaya di yun unfair diba? Saka, wala pala akong gadget hehehe. Mahirap lang po kami eh." Sabi ko
"Eh bakit di mo sinabi na wala ka palang gadget? Di na sana ako naghalughog sa bag mo. Sayang yung oras ha. Saka, wala naman siguro sa rules diba na bawal? Kaya di bawal. Wag kang makipag usap sakin." Sabi ni black ninja
Ang sungit naman nito pero infairness ang ganda ng boses. Lalaking lalaki at parang nasa mga 20's sya.
Nung tumingin ako sa paligid ng University ay parang nag iba ito. Di ito yung skwelahan na pinasukan ko nung pumunta ako rito.
"Iniba ang University dahil may plano si Bi Brother. Kaya wag kang magtaka dyan." Explain ni kuya ninja
Di ko nalang sya pinansin kasi sabi nya di ako makipag usap sa kanya eh. Saka mind reader ba to. Nabasa yung nasa isip ko eh
"Ano? Natahimik ka dyan?" Tanong ni kuya ninja
" Eh upakan kaya kita kuya. Ikaw yung nagsabi na wag makipag usap sa yo tas tatanungin mo ako kung bakit natahimik ako. Okay lang po ba kayo kuya?" Sabi ko.
Eh totoo naman talaga eh. Parang tanga tong si kuya eh. Tssk.
Kaya wala ng nagsalita samin after nun.
Pagkalipas mga ilang minutong paglalakad, makaabot na kami sa room ko.
"MS. PRECIOUS LYN QUIRANTE, DAHIL FULL TIME SCHOLAR KA, ITO NA YUNG MGA GAMIT MO NA SPONSORED NG PBB UNIVERSITY." Sabi ni kuya black ninja na parang may diin kada salita.
"Well, Mr kuya black ninja, salamat naman saka parang di kita nakita na dinala mo yang mga gamit kanina ah. Ano yan magic?" Sabi ko na parang inaasar din sya.
"Ikaw pala ang tanga eh. Kaya nga ninja diba. Saka bakit nga ba nag e-explain ako sayo?" Sabi nya.
Oo nga noh, hahaha, tanga ko din minsan eh
"ETO NA YUNG MGA GAMIT MO MS. QUIRANTE. BAHALA KA NA SA BUHAY MO." Sabi nya sabay alis.
Uy, wag nyo akong i judge ha, ganun lang ako pag excited. Charot, nang aasar ako sa mga taong pikon. Hilig ko lang talaga ang mang asar eh. Wag po kayong judgemental mga dhai ah.
At yung nga, nasa tapat na ako ng room ko. At parang nagtaka ako kung bakit ang laki. Parang kumbaga bahay na talaga sya. Ilang minuto pa akong nag stay sa labas na tapat ng pinto. Eh kasi kinakabahan ako na ewan eh. At makalipas ang ilang libong taon, charot hahaha, makalipas ang isang minuto ay pumasok na ako.
"OMAYGAD"
