Yen's POV
Nainis na natatawa ako sa nangyari kanina. Naiinis kasi sa kalokohan nila Kyzha at natatawa kasi nahihiya ako sa mga nagawa ko kanina. At dahil na rin sa mga pinagsasabi ng mga kasama namin dito. Omaygad, nakakahiya.
"Tapos na akong maligo. Sino ang susunod?" Sabi ni Angela.
"Ako"
"Ako nalang"Hulaan nyo sino yung dalawang nagsalita?
.
.
.
.
.Edi ako at si Sho. Nagsabay pa talaga kami eh. Haaaaysss. Ang awkward kasi di pa rin kami nagkikibuan eh.
"Ayyy, huli nalang ako." Sabi ko kasi ayaw kong makipag usap sa kanya. Bahala sya
"Salamat naman at nagpaubaya ka Ms. Quirante. Tsssk" sabi ni Sho
"Di naman kasi ako tulad mo na sarili lang iniisip, tssss." Sagot ko naman
Nagsisimula na naman syang makipagtalo. Well, sorry di ako papatalo
"Wooooow, ako? Sarili lang iniisip? Kilala mo ba ako? At sino ka para husgahan ako?" Sabi nya in a loud voice.
Aba't, sa lahat ng bagay sa mundo, ang di ko gusto ay yung pagtaasan ako ng boses.
"Well, di talaga kita kilala at wala akong balak na kilalanin ka Mr. Oka. Makapaglinis na nga lang para maiwasan ang asungot sa tabi-tabi" sagot ko ng mahina pero tamang marinig lang nya at agad na lumayo sa kanya kasi nanggigilid na ang mga luha ko.
Di talaga ako sanay na pagtaasan ng boses.
Buti nga at kami lang dalawa sa kusina nun (malapit lang kasi ang kusina sa CR) kasi ang mga kasama namin ay nasa kwarto at ang iba naman ay nasa sala.
Di ako sure kung narinig ba nila ang pagtaas ng boses ni Sho o hindi. Basta ako, wala na akong pakialam sa kanya.
Kinuha ko nalang ang walis at dustpan para maglinis.
Habang naglilinis ako ay nagpupunas ako ng mga luha na nanggigilid na sa mga mata ko.
Talagang naiiyak ako pag pinagtataasan ako ng boses.
"Yen, okay ka lang? Umiiyak ka ba?" Tanong ni Mich
"Ah, okay lang. Napuwing lang ako kanina kasi maraming alikabok kanina dun sa nilinisan ko." Sabi ko sabay turo sa kung saan man.
Mabuti nalang at madali akong nakaisip ng alibi.
"Ah okay. Basta kung may problema ka, wag kang magdalawang-isip na i share samin ha?" Sabi nya.
Mabuti pa to si Mich, mabait.
"Okay sige. Manghanda na kayo para mamaya. Tatapusin ko muna to." Sagot ko sa kanya at tango lang ang sagot nito sakin
Pinatuloy ko lang ang paglilinis kahit na di parin humihinto sa pagtulo ang luha ko.
Traydor tong luha ko eh. Di ko sya mapigilan. Kahit anong pigil ko, tumutulo pa rin :'(
Nakita ko na vacant na ang CR kaya hinanda ko na ang mga gamit ko para makaligo na.
Di naman siguro mahirap iwasan siya diba? Puro nalang sakit ang binibigay nya sakin.
Haaaaaayyyy, bahala sya. Basta di ko na sya papansinin kahit kailan. Sweaaar
After how many minutes ay natapos na akong maligo at lumabas na ng CR.
Nag ayos ako agad para sa activity mamaya na sinabi ni Kuya.
Natapos ko na lahat ng gawain kanina kaya pwede pang makapagpahinga ng konti habang wala pang signal na binibigay si Kuya.
