Kinabukasan......
Yen's POV
Maaga akong nagising dahil sa gutom ko. Bakit ba nakatulog ako ng maaga kagabi eh. Ang sakit na ng tiyan ko. Sana may pagkain na dun.
Nung pagbukas ko palang ng pintuan ng bedroom, naamoy ko na ang mabangong amoy ng ulam.
"Ang bango naman ng ulam. Sino kayang nagluluto?" Tanong ko sa sarili ko.
Nung pagdating ko sa kusina, natigilan ako nung nakita ko kung sino ang nagluluto.
"Uy Yen, gising ka na pala." Sabi ni Sho sabay hikab.
"Ayy, Sho bakit ikaw ang nagluluto? At parang puyat ka ah?" Tanong ko sa kanya.
"Ah, matagal tagal rin kasi akong nakatulog at maaga talaga akong gumising ngayon." Sagot ni Sho
"Ah, bakit ka naman gumising ng maaga? Dapat natulog ka pa kasi mapapagod na naman tayo ngayon." Sabi ko sabay upo sa mataas na upuan sa harap ni Sho.
"Kasi gusto kong ipagluto kita kasi di ka nakakain kagabi." Diretsong sabi nya.
Napanganga ako sa sinabi nya at parang nag init ang mukha ko.
"Hoooyy, bakit ka nakanganga dyan? At bakit parang namumula ka?" Sabi ni Sho at hinawakan ang noo ko
"Ahh, wala lang nainitan lang siguro sa init ng niluluto mo. Malapit kasi ako eh. Kukuha muna ako ng plato ha. Nagugutom na talaga ako eh." Sabi ko sabay baba sa upuan at kumuha ng plato sa lalagyan.
Nilagyan ko na ng kanin at pumunta nalang sa table na malayo layo kung saan si Sho.
Lumayo nalang ako kasi ewan ko kung bakit parang kiniliti ako sa sinabi nya. Ang sarap pakinggan at parang di ko mapigilang ngumiti. Nababaliw na yata ako eh.
At ano kayang nakain nun bakit maaga talaga syang gumising para lang ipagluto ako. Nagsisinungaling yata yun eh. Ang dami namin dito, ako lang talaga ang ipagluluto nya? Very wrong.
"Uy, Yen. Ito na luto na ang ulam oh. Kain ka na. Alam kong gutom kana talaga kasi di ka nakakain kagabi." Sabi ni Sho na biglang sumulpot sa harap ko at umupo.
"Ahh, oo nga eh. Talagang gutom na ko. At teka bakit parang kaunti lang to? Parang para sa isang tao lang talaga tong ulam. Ano yung mga kasama natin?" Tanong ko.
"Hahaha, syempre iba sa kanila. Para lang talaga yan sayo. Niluto ko yan para sayo kasi napanis na yung pagkain mo sana kagabi. Kaya ipanagluto nalang kita ng chapsuey para naman maging malusog ka. Kailangan ng gulay ng ating katawan." Sabi ni Sho na dahilan ng pagkasamid ko.
*Umuubo*
"Uy, Yen. Di ka pa nga kumakain nabilaukan kana. Anong nangyari sayo?" Sabi ni Sho na parang natataranta na habang hinahaplos ang likod ko"Ahh, wala. Nasamid lang ako sa laway ko. Hahaha, sure ka talagang akin lang to? Baka di ko to maubos." Alangan ko
"Ehh, magtatampo ako sayo kung di mo yan mauubos." Sabi naman ni Sho na parang may disappointment sa tono nya.
"Hehehe, sorry pero totoo talaga yun. Kung sabayan mo nalang kaya ako para maubos natin to?" Suggestion ko
"Sure ka? Okay lang? Eh pero baka ako lang ang makaubos nyan." Sabi nya
"Hahaha, anong tingin mo sakin? Mauubos ko lahat yan? Hindi kaya ako malakas kumain." Sabi habang natatawa.
"Hindi ba? Eh parang isang kaldero ang kain mo eh HAHAHAH." Tawang-tawa nyang sabi.
Tumayo ako at pumunta sa kusina.
"Uy, Yeeeen, san ka pupunta. Joke lang yun uy. Wag mong seryosohin." Sabi ni Sho na parang may konting takot sa boses nya at sumunod sakin.