Chapter 6

112 5 1
                                        

Shoichi's POV

Nagulat talagang ako nung nakita ko ulit sya. Para bang bigla akong sumaya parang ganun. Pero wag nyo isipin na gusto ko sya ha. Talagang gusto ko lang sya makilala ng husto.

"Hoooooy, wala ba kayong balak magpakilala sa isa't isa? Magtitigan lang ba kayo dyan?" Sabi ni Sheena na syang nagputol sa titigan namin.

Yen pala pangalan nya. Parang familiar yung Yen ah, ano to? Coincidence lang ba? Pera namin sa Japan yun ah. Hahaha

At dahil nasa mood ako, inasar ko sya, trip ko lang mang asar ngayon eh.

"Uy, naging mag classmates pa tayo ah. Ano to sinusundan mo ba ako? Stalker ka yata eh. Fan kita? Hahahaha" sabi ko.

Nakita ko naman na parang nagulat sya. Pero napalitan yun na parang napikon yung mukha nya. Hahahah, yan yung gusto ko, yung makita syang mapikon kasi ang cute nya tingnan.

"Uyy, hangin mo dhai. Bakit kita susundan eh di nga kita kilala eh, Mr. Holdaper. Hahaha" sagot nya

Parang napikon talaga to eh hahaha, halata sa mukha nya eh

Kaya ako, mas pinikon ko pa sya kasi nag eenjoy ako. Yung iba naman naming kasamahan, nakikinig at tumitingin lang saming dalawa.

"Woooow, sa gwapo kong to, holdaper ba to? Asa ka. Hahahah" sabi ko.

Hahaha natuwa ako nung nakita ko yung reaction nung mukha nya. Napikon talaga sya eh. Kitang kita ko yun hahaha

Yung mga kasamahan naman namin ay tinutukso kami. Wala naman sa kin yun eh. Sanay na akong tinutukso sa mga babae.

Pagkatapos nun ay niyaya ni Kyzha si Yen sa living room. Di ko alam kung anong gagawin nila. Basta ako pumunta muna ako ng boys' room para maayos yung mga gamit ko.

Yen's POV

Pagkatapos kong magkwento kay Kyzha, pinagpapalo nya ako. Ano ba tong babaeng to, magkakapasa siguro ako neto. Lakas makapalo eh.

"Uy, ang sakit dhai. Wag kang mamalo. Baka magka pasa ako nyan. Bakit ka ba kasi namamalo? Anong problema mo?" Sabi ko

"Eh kasi nakakakilig kayo Yen eh. Sure akong bagay kayo." Sabi nya

"Uy dhai, wag kang ano dyan. Di kami bagay, tao kami dhai." Sabi ko sa kanya

"Ewan ko sayo Yen. Alam mo kung anong ibig kong sabihin. Ang cute nyo siguro kung magka kayo. Promise. Ehhh, kinikilig ako sa inyo eh." Sabi nya at namamalo na naman sya

"Ewan ko sayo dhai. Sige, punta muna ako ng room dhai. Aayusin ko pa mga gamit ko." Sabi ko sa kanya

"Sige. Ingat ka Shoichi, ay Yen pala. Nalito na ako sa pangalan nyo hahahaha." Sabi nya

Baliw na yata to si Kyzha eh. Baliw sa amin, charot hahaha. Pero kinikilig din ako eh, di ko maiwasan pero tinatry kong pigilan kasi may priorities ako.

Kaya ayun, pumasok ako sa girls'room para mag ayos. Siguro bukas pa sisimulan yung official na klase.

Haaayyy, ewan ko. Basta gusto ko lang mag ayos at magpahinga na siguro kasi kulang talaga ako sa tulog.

Shoichi's POV

Pagkatapos kung mag ayos ng mga gamit ko, lumabas na ako ng kwarto. Agad akong dumiretso sa living room, kasi maingay dun kaya siguro nandun sila. Umupo ako sa tabi ni Kyzha. Lahat kami nandito nagkakausap lahat pero parang kulang. Ah oo, wala si Yen, san nga ba nagpunta yun. Parang alam yata ni Kyzha kasi sila yuymg magkasama kanina eh.

"Kyzha, nakita mo ba si Yen?" Tanong ko

"Oo, kanina magkasama kami, pero pumunta sya ng girls' room para mag ayos ng mga gamit nya." Sagot nya

Slow MotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon