Chapter 1

227 10 2
                                    

Third Person's POV

May isang simpleng babae na nagngangalang Yen. Siya ay mahirap ngunit nagsisipag sa buhay. Kahit walang pera ay nag enroll pa rin sa PBB University ngunit nag apply para sa isang scholarship para maging full-time scholar. Siya ay matalino, mabait, maalalahanin, maawain, simple ngunit magandang babae. Siya ay isang mabait na anak.
Habang siya ay naglilibot para malaman yung resulta ng inapplyan nya na scholarship, may nakabanggaan sya na isang lalaki. Sa mukha palang, parang may lahi ito. Si Yen ay napamangha nung una dahil ito ay talagang napaka gwapo at nakaka distract talaga ang kanyang ka gwapuhan. Ngunit sa halip na tulungan at mag sorry sya kay Yen ay nilampasan nya lamang ito na parang walang nangyari.
Ang pangalan ng lalaking ito ay si Shoichi. Siya ay isang half Japanese na mag aaral dito sa Pilipinas. Bago pa lamang syang dating dito galing sa Japan. Inaasikaso nya ang kanyang pagpapa enroll sa kanyang sarili. Samantalang.....

Yen's POV

Nakakainis naman yung lalaking yun. Gwapo sana, wala namang attitude. Haaaayyyss, ganun talaga siguro ang mga mayayaman, Porke't nasa kanila na lahat ay manlalamang na ng tao at parang walang mga alam sa pakikisama. Tsssk, sayang talaga yung kumag na yun. Bahala nga sya, di ko pag aaksayahan ng oras ang mga walang kwentang tao, tsk. Sana makapasa ako sa scholarship na inapplyan ko. Huhuhu kasi pangarap kong makapasok dito at para makatulong din ako sa pamilya ko.

Nililibot ko ang skwelahan para pumunta sa Bulletin Board ng school para makita yung mga nakasali sa scholarship. Hindi naman ako gaanong nahirapan para hanapin yun kasi nalibot ko na to noon nung nag take ako ng scholarship. Ang ganda talaga dito ehh. Nung malapit na ako sa Bulletin Board, nagdadasal na talaga ako. Huhuhu sana nasa lista yung pangalan ko.
Jusko dai, mababaliw talaga ako sa kaba. Huhuhu. Lord, sana talaga makita ko yung pangalan ko sa lista. Pangarap ko po ito at paraan na rin po ito para makatulong ako sa magulang ko. AMEN.

At nakarating na ako sa tapat ng Bulletin Board. Huminga ako ng malalim at mas lumapit pa. Pag talaga ako, nakita ko yung pangalan ko, tatalon at gugulong talaga ako sa ground Dhay. At yun nga, hinanap ko ang pangalan ko.
Lumaki yung mata ko kahit di naman lumalaki mata ko.

Bakit, paano nangyari 'to. Ginalingan ko naman eh bakit di ako nakapasa? Huhuhu. Wala na yung pangarap ko.

Papalayo na sana ako ng may narinig ako sa likod ko na kasama kong tumingin sa Bulletin Board. Hindi naman siguro ako nakiusisa noh, narinig ko lang. May tenga ako eh hehehe.

" Dalawa pala tong listahan na'to. Yung isa full time scholars at yung isa hindi. Kinabahan ako dun ahh hahaha." Girl 1

Nung narining ko yung sinabi ni ate girl. Wala pang isang segundo, nakarating na ako sa tapat ng Bulletin Board at hinanap ulit yung pangalan ko. List pala nung hindi full time scholar yung natingnan ko kanina. Tanga mo talaga Dhay. Kaya yun hinanao ko yung panagalan ko sa full time scholars. At yun, talagang nagtatalon ako dun at pinagsasabi ko talaga sa mga tao dun kahit di ko close hahaha. Baliw ko talaga.
Mga ilang oras yata akong parang baliw sa tapat ng Bulletin Board hahaha. Sobrang saya ko lang kasi ehh.
Yeeeesssss!!! Sa wakas matutupad ko na yung pangarap ko na makapasok dito.
Kaya nga pala, pumunta talaga ako dito sa school para makita yung lists nga mga Scholars eh kasi wala akong cellphone. Meron ako noon pero nasira ehh. Kaya ayun mga Dhay, kinwento ko lang sa inyo. Kumbaga share ko lang hahaha.

Tsaka pala, nakapasa ako sa entrance exam. Nalaman yung result nun kasabay sa pag take ko ng Scholarship. Talagang pinagpapala ako ni Lord.

Mag eenroll na lang ako para tapos na at mag iintay nalang ng pasukan. Whooooooo! Thank you Lord. Amen.

Shoichi's POV

Sino ba yung babae na 'yun. Di ko kasi nakita yung mukha nya. Busy ako na tumingin sa paligid ng school. Di ko, di ako nakapagsabi na sorry kasi nahihiya ako. Kasi hirap pako maki socialize kumbaga sa ibang tao.

Sana di sya nagalit sa akin. Sino nga kaya yun.

Pagkatapos ko na sundin yung process ng enrollment ay ayun officially enrolled nako. Actually, dito ko talaga na gusto na mag college kaya pumunta ako dito sa Pilipinas. Course ko nga pala na kinuha ay Engineering. Yun kasi pangarap ko noon pa.

Pagkatapos kong ma enroll, pumunta muna ako sa canteen ng school para kumain kasi gutom talaga ako.

Pagkatapos ko umorder ng kainin ko, pumunta na ako sa vacant table. Maswerte ako kasi isa nalang ang vacant.

Nung susubo na sana ako, may isang babae na umupo sa harap ko. Kasi nga ako lang isa sa table at may vacant na upuan sa harap ko.

Nagulat ako kasi ayun nga di ko kilala pero bigla nalang umupo.

"Kuya, pwede pong paupo kasi wala ng vacant eh." Sabi nya habang nakayuko kasi may parang hinahanap sa kanyang bag.

"Okay sige. Basta wag ka lang makipag usap sakin." Sagot ko.
Ayaw ko sya na makipag usap sakin kasi baka di kami o kumbaga di nya ko maintindihan at tawanan lang ako.

Nung sumagot ako, tumingala na sya at parang sya nagulat. Lumaki mata nya at parang galit sya.

"Ikaw. Ikaw nga yung bumangga sakin. Yung walang awa na banggain ako. Ang salbahe mo, ang sama ng ugali mo. Di ka man lang nag sorry sakin. Talagang naglakad ka lang papalayo na para bang walang nangyari. Ang sama mo." Sigaw nya sakin.
Nahiya ako kasi lahat ng tao sa canteen pinagtitingnan kami.

Kaya yun, kinuha ko kamay nya at hinila ko sya palabas at pumunta kami dun sa walang tao na lugar. Ang totoo, nanggigil ako sa kanya dahil sa pagsigaw nya.

"Teka bitiwan mo ko. Kidnapper ka ba kuya? Bakit ba bigla mo lang akong hinila? Kidnapper ka noh? O holdaper. Wag naman po kuya. Wala akong pera Dhay. Mahirap lang kami. Mama ko nga nandun sa probinsya may sakit pa, kaya wag ako Dhay. Marami namang mayayaman dito Dhay. Wag lang ako please." Sabi nya. Talagang umiiyak sya nung ano... Nung sinabi nya yang mga yan

Imbes na magalit ako lalo dahil nga sa mga sinabi nya sa akin ay natawa nalang ako. Grabe yung tawa ko talaga. Hirap pigilan. Kaya sya naman ay nagtaka.

"Oh bakit ka tumatawa dyan Dhay, may nakakatawa ba?" Sigaw nya

Infairness ang cute nya.

"Una sa lahat, di ako kidnapper, holdaper o kung ano man. Sa gwapo kung to? Asa, tsaka wait lang ha, bakit bigla mo nalang ako sinigawan sa Canteen. Nakakahiya ka. Ang lakas ng boses mo, abot buong campus. Tsaka, ano ba yang Dhay na yan. Bakit lagi mo kong tinatawag na dhay?" Sunod-sunod na tanong ko

"Uy wait lang naman dhay. Wag ganyan. Easy lang tayo dhay, mahina ang kalaban. Isa lang ako oh tapos marami yung mga tanong na 'yan so hinay hinay lang tayo. Una, di ka gwapo kaya napagkamalan kitang kidnapper o ano. Pangalawa, sinigawan kita kasi ikaw yung bumangga sa kin na akala mo kung sino, kahit isang sorry wala man lang sinabi. Tsaka pang huli, yung dhay, yan yung babaeng bata. Basta ganyan, hirap i explain. Pero nakasanayan ko nang gamitin pantawag ko sa mga kaibigan ko." Paliwanag nya

"Okay. Pero tungkol dun sa ano, sa pagbangga ko sayo. Sorry, di ko na napansin kasi kaya dumiretso lang ako tapos di ako naka sorry kasi nahihiya akong makipag usap. Japanese kasi ako kaya ayun. Baka tawanan nyo ako pag nakipag usap ako sa inyo." Explain ko

"HAHAHAHAHAHA. Kaya pala ganyan ka magsalita. Pffft, hahahaha. Cute ng pagtatagalog mo ha. Hahahaha" pagtawa nya sa kin

"Sige pagtawanan mo ko, iiwan kita dito. Di ma tao dito banda kaya, baka maligaw ka dito." Sabi ko

"Uy Dhay, wala naman ganyanan. Joke lang yun. Ano ka ba. Hihihi. Wala na yung galit ko kasi nakapag explain kana. Tsaka magkakasundo tayo Dhay." Sabi nya.

Kaya ayun. Nagsabay kami at marami pa kaming pinagkwentuhan. Ang saya nyang kausap. Sana makasundo talaga kami dalwa.

(A/N: Guys, imagine yung voice ni Sho at ni Yen para madama nyo talaga yung pagbasa. Enjoy reading :* )

Slow MotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon