Yen's POV
Nagising ako sa parang alarm na tumunog sa buong bahay. Nung nagising ako, biglang may nagsalita. Ewan ko kung saan nanggaling yung boses na yun.
"Yen, pumasok ka sa confession room. May pag uusapan tayo. Ako pala ang Prinicipal sa University nato. At ang confession room ay nasa loob ng kwarto na katabi lang ng girls' bedroom. Pumunta ka ngayon din." Sabi ng misteryosong boses
Sya pala ang Principal. Ano kayang pag uusapan. Para kasing seryoso at nagagalit si BB. Kinabahan akong lumabas ng kwarto.
Paglabas ko, nagtaka ako bakit wala yung mga kasama ko. Asan kaya sila, ah baka nasa boys' bedroom lang. Pumasok naman ako agad sa kwarto na katabi ng girls' bedroom.
Ang rami palang kwarto dito, kumbaga pagpasok mo sa pintuan, may makikita ka pang mararaming pintuan at may mga nakasulat sa taas ng pinto kung anong room yun.
Hinanap ko agad ang confession room. At pumasok na ako.
Wooooow, ang ganda dito sa loob. Nag titingin muna ako ng ilang saglit sa loob at biglang nagsalita si BB
"Yen." -BB
"Ay kabayo ka Dhai." Gulat kong sabi.
"Ay, sorry Sir BB, nagulat lang po ako. Sorry po talaga." Agad kong sabi
"Sige maupo ka na. Saka anong Sir BB? Alam mo ba kung anong ibig sabihin nyan?" Sabi nya
At ayun naupo nako at nakinig sa kanya
"Ah, di ko po alam. Ano nga bang meaning nun? BB? Barbecue? Ay di pala may Q pala yun. Basketball? Basketball player po kayo?" Sunod sunod kong tanong
"Sigurado ka bang BB ang basketball Yen? Eh di yun hiwalay eh. Isang salita lang yun." Sabi ni BB na parang nagpipigil ng tawa.
Hala, oo nga noh. Nakalimutan ko hahaha
"Ah, ganun po ba, akala ko hiwalay yun. Teka ano ba ang BB? Hmmm, ahh, Bad Boy po kayo? O Big Boy? O Big Baby?" Sabi ko. Talagang wala akong maisip na ibang meaning ng BB
"Big Baby?" Sagot ni Sir BB
"Opo Big Baby. Big Baby po ba ang meaning nun? Yesss, nahulaan ko." Sabi at tumalon pa ako dahil sa sobrang tuwa.
"Wag kang matuwa kasi mali ka. Kailan pa naging big ang baby? Kung baby, maliit talaga yan. Di yan malaki."
"Ayy, oo nga pala. Ewan ko po, di ko na alam. Sirit na po." Suko ko
"Ang ibig sabihin ng BB ay Big Brother. Sa tagalog ay Kuya. Yun ang pinili kong itawag nyo sakin, sa halip na Sir kasi, ayw kong maging formal. Gusto kong ma feel nyo na para lang kayong nasa bahay kaya tawagin nyo lang akong Kuya." Explain nya
"Ah, hehe, sorry po kuya." Sabi ko
"So, ngayon, kaya kita pinatawag, ay may sasabihin ako. Tingnan mo ang relo mo. Anong oras na?" Sabi ni Kuya
Tiningnan ko naman ang relo ko. OMAYGAD. Alas dos na ng hapon. Apat na oras pala akong nakatulog. Kasi nag ayos ako ng mga gamit ko malapit na mag 10 ng umaga at pagkatapos kong mag ayos ay humiga ako sa kama at di ko namalayan na nakatulog na pala ako.
"Alas dos na po Kuya." Mahina kong sagot
"May napansin ka ba sa loob ng bahay nung pinapunta kita rito?" Sabi nya
"Opo. Wala po yung mga kasama ko, pero inisip ko nalang po na baka nasa boys' bedroom lang po sila." Sabi ko
"Wala sila sa Boys' bedroom, nasa classroom sila. Yung parang session room nyo. Nandun sila at inaalam ang mga dapat gawin at inaasahan kong gawin nyo dito sa loob. Hindi ito pangkaraniwang classroom. Ito ay parang bahay nyo pero may isang kwarto na kung saan dun kayo mag aaral kumbaga yun yung magiging classroom nyo." Explain ni Kuya
