Yen's POV
"Woaaaaahhhh!! Party! Party!" Sigaw nila Mich
Nakisali din sa pagsasayaw at pagsasaya ang iba. Pero New Year na New Year wala ako sa mood. Ewan pero nalulungkot talaga ako.
"Woy, Yen. Anyare sayo? Parang nilukamos yang muka mo. Dahil ba sa nangyari kanina? Kalimutan mo na yun. Saka di naman yun sinadya eh. Magsaya nalang tayo kasi nanalo kahit di muna natin sila sila kasama." Sabi ni Angela na kalaunan ay nalungkot ang boses.
"Ano aarte ka din? Agaw spotlight lang teh? Ako yung nagmo moment dito eh. Chupi kana, dito muna ako. Okay lang ako, susunod din ako sayo mamaya." Sagot ko sa kanya habang binatukan sya.
"Baliw ka Yen, masakit yun ah. Sige dun muna ako. Moment ka muna dyan, para kang tanga, tsk." Sagot nya habang pinipigilang matawa.
Eh nag aalala lang naman ako sa kanila eh lalo na sa kanya. At bigla namang nag flashback yung mga nangyari.
Flashback~~~
Nagulat kami sa nakita namin kasi di ito parehas sa kwarto na mga napasukan namin dahil ito ay maliwanag na at kitang kita ang mga gamit sa loob.
Masyadong makalat sa loob kasi yung mga gamit ay wala sa pwesto. Parang sinadyang guluhin ito.
Bigla namang may tumunog at nanggaling pala yun sa monitor na ngayon ay umilaw na.
"Find all the clues and codes to exit this room." Basa ni Batit.
"Okay, let's find the clues guys but kailangan nating mag ingat at di dapat natin basta bastang kunin kasi baka masira ang clues natin okay? Kung may napansin kayong pwede nyong maging clue, tawagin nyo lahat ng members natin. Kailangan natin itong pagtulungan." Mataas na paalala ni Batit
Tumango naman kaming tatlo para tumugon kay Batit.
Naghiwa hiwalay kami para mas mapadali ang paghahanap ng mga clues.
Sa paglalakad ko at pagtitingin sa paligid. May napapansin ako.
"Batit, di mo ba napansin? May mga numbers na nakasulat sa paligid." Sigaw ko kasi malayo layo si Batit sakin.
"Oo nga, napansin ko din." Sang-ayon ni Angela
"Okay, I think that's a clue. We need to find number 1 kasi baka dun tayo magsisimula." Sagot ni Batit at kumilos kami agad.
Hinanap namin ang number 1 pero wala akong nahanap.
"Ito ang number 1 Batit. Nakita ko na." Sigaw ni Mich.
Agad kaming pumunta kung saan nandun si Mich.
Nakita naming may nakasulat na number 1 sa dingding at may arrow na nakaturo sa baba nito. Nakaturo ito sa vase kaya agad na hinalungkat ni Batit ang loob ng vase.
May nakuha syang isang piraso ng papel na nakalukot.
"I have a face and two hands, but have no arms and legs. Six plus seven is one. What am I?" Basa ni Batit.
Agad naman na nakunot naming lahat ang mga noo namin.
"Ano na naman ang meaning nyan? Nakakasakit naman ng ulo to." Sabi ni Mich na parang naiirita na.
"Ganito nalang. Para di tayo mag spend ng malaking oras sa pag iisip ng sagot nito, hanapin nyo nalang ang number two. Para maka proceed tayo agad dun. Okay lang ba?" Sabi ni Batit.
