Sho's POV
~~~Wake up Call~~~
Good Morning. It's a new day na naman.
Agad akong bumangon nang narinig ko ang wake up call at ganun rin ang mga kasama ko sa kwarto.
"Uy, Bro, simula kahapon di pa kita nakakausap." Sabi ng nagngangalang Batit.
"Busy ako eh." Sabi ko sabay labas ng kwarto.
Ewan ko ko ba kung bakit di ko feel makipag usap sa kanya. Naiirita ako sa tuwing makikita ko sya.
"Good Morning!!" Bati ni Angela sa lahat.
"Good Morning din." We replied in unison.
"Kumusta naman ang tulog ng mga bago pa dito? Okay lang ba? Wala bang nanakit sa inyo?" Sunod-sunod na tanong ni Angela
"No, Ate Angela. Actually I really had fun even for my first night here. Especially having Yen in the room. I can't stop laughing Hahaha." Sabi ni Ashley
"Good to know that Ash." Reply ni Angela kay Ashley habang pinapat ang ulo nya.
"Sa mga boys naman? How are you?" Baling nya naman sa mga bagong lalaki
"Okay naman kami. May ibang di pumapansin pero okay lang kasi mas marami namang pumapansin, diba Yen?" Sabi ng Batit na yun.
"Ha? Oo. Hahahaha." Sagot naman ni Yen.
Tsss, ang harot.
Dumiretso na lang ako sa living room at umupo dun. Nakakawalang gana naman to eh.
"Uy Sho, bakit parang wala ka sa mood ngayon?" Tanong ni Sheena
"Wala, bagong gising eh." Sabi ko
Ewan ko din sa sarili ko kung bakit ganito ako ngayon tsk.
Sumunod naman ang iba sa living room at umupo dun.
"Uy Yen, tabi tayo dito oh." Hulaan nyo kung sino yun.
"Bakit? Uy, Batit, nahuhulog kana sakin? HAHAHA." Sagot nya naman.
Ang harot talaga ng dalawang to.
"Ako unang maliligo ha." Sabi ko nalang at umalis sa living room.
Dumiretso ako sa bedroom at kumuha ng mga gamit ko bago ako pumunta sa CR.
Mailigo nga to ng maaga, baka lumamig pa ang ulo ko. Haaaaayyyysss, bakit ba ganito ang nafi-feel ko.
.
.
.Batit's POV
Pagkatapos umalis ni Shoichi, parang nagtaka ang mga kasama namin.
"Anyare dun? Wala sa mood? Umagang-umaga eh." Sabi ni Mich
"Hmmm, I think alam ko hahaha, di ko lang sasabihin baka may mahawa sa pagka bad mood hahaha." Sabi naman ni Kyzha habang tumatawa.
Ehhh? Wala akong alam sa pinagsasabi ni Kyzha. At parang ganun rin ang iba.
"Huh? Anong ibig mong sabihin Kyzha? Baliw kana yata." Sabi ni Yen na nakapagpatawa sa ming lahat.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHA, I agree Yen. Baliw na yan si Kyzha." Sabi naman ni Angela
"Hmmmppp. Ewan ko sa inyo. Pinagkakaisahan nyo ako." Tampo ni Kyzha.
"Wag kang mag-alala, Kyzha. I'm here to defend you naman eh." Hirit naman ni Mich.
