Chapter 13

118 8 11
                                    

Sho's POV

"Uy Yen, okay ka lang? Ito oh, inumin mo." Tarantang sabi ko.

"Eheemmm.. grabe naman ang tanong mo, nakakagulat." Sagot nya

"Eh kasi, gusto ko lang kasi malaman eh. So ano nga ang sagot mo?" Sabi ko

"Oo" Tipid na sagot nya habang sumusubo.

"HUH? Anong OO?" Takang tanong ko.

"Oo, sabi nya may gusto daw sya sakin. Hahahaha." Sagot nya

"Eh, bakit dikit ng dikit ka parin sa kanya? May gusto ka rin ba sa kanya?" Sunod sunod na tanong ko.

"Bakit? Selos ka? HAHAHA." Sabi nya na naging dahilan ng paghinto ko.

"Ahh.. g...grabe ha, ang hangin mo Yen. Di pwede nagtatanong lang? Sige ilalagay ko muna tong plato ko sa lababo. Punta lang ako sa pool area. Sunod ka nalang ha? May pag-uusapan pa tayo eh." Sunod-sunod na sabi ko.

Agad kong nilagay ang plato sa lababo at lumabas papuntang pool area.

Bakit ba naging ganun ang reaction ko? Hindi naman ako nagseselos ah. Ewan ko, praning lang siguro ako.

Pumikit lang ako habang hinihintay si Yen.

Yen's POV

Pagkatapos kong kumain, nilagay ko na rin ang plato ko sa lababo at pumunta sa pool area.

Pagdating ko dun, nakita ko si Sho na natutulog habang nakaupo sa upuan.

Nilapitan ko sya at tinitigan habang natutulog.

"Ang bait at amo ng mukha mo kung natutulog ka. Mabuti siguro kung palagi ka nalang tulog hahaha." Sabi ko habang tumatawa pa.

Nahinto ang pagtawa ko nang gumalaw sya.

"Uy Yen, nandyan ka na pala. Nakatulog na pala ako, di ko namalayan. Kanina ka pa?" Sabi nya habang pinupunasan pa ang gilid ng kanyang labi. Ewwww hahahaha

"Hindi bago pa kong dating dito." Sagot ko naman habang nagpipigil ng tawa.

Hahahaha, nakakatawa sya habang nagpupunas ng gilid ng labi nya

"Ah, about nga pala kanina, so ano na ang sagot mo?" Tanong nya.

"Hahaha, na ano? Kung may gusto ba ako kay Batit?" Tanong ko pabalik sa kanya.

"Oo, at wag kang mag-isip na nagseselos ako, kundi babatukan kita." Sabi nya habang nagpipigil ng tawa o ngiti. Ewan ko, di ko ma explain.

"Hahahaha, oo na. Ang harsh mo ha." Sagot ko

"Anong oo na? May gusto ka sa kanya?" Sunod-sunod na tanong nya.

"Pwede ba Shoichi Oka, makinig ka muna, kanina ka pa sumisingit eh, ikaw kaya batukan ko?" Sabi ko sa kanya ng patawa.

"Hahaha, sorry naman. At isa pa, nakabatok kana sakin kanina ah." Tawa nya habang hinihimas pa ang batok kung san ko sya binatukan kanina.

"Hahaha, deserve mo yun eh. At to answer your question, wala akong gusto kay Batit no. Parang kapatid lang ang turing ko sa kanya." Sabi ko

Ewan ko kung nag-iimagine lang ako o ano pero parang nag glow ang mukha nya. Pero bakit?

"Ahh, ganun ba. Good to know." Sabi nya habang nakatingin sa ibang direksyon.

At pagkatapos nun, nagkwentuhan pa kami ng kung anu-ano.

Nagkuwento ako tungkol sa buhay ko at sya rin.

"Housemates, magtipon na kayong lahat sa session room."

Dinig namin ni Sho galing sa kung saan.

Slow MotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon