Chapter 10

105 7 5
                                    

Yen's POV

Pagkatapos kaming tinipon ni Kuya dahil sa mga sinabi nya, agad kaming nagtungo sa mga bedroom namin. Nag goodnight naman ako sa lahat except kay Sho.

Ewan ko pero parang umiiwas sya sakin. Di ko alam kung bakit pero parang nakakapanibago.

Bago kami nakapasok sa kwarto namin, may iniabot si Kyzha sakin na notebook.

"Ano to?" Tanong ko

"Notebook, Yen. Halata naman diba?" Pilosopong sagot ni Kyzha

"Sapak Kyzha, gusto mo?" Sagot ko at tinaas ang notebook para pangsapak kay Kyzha.

Seryoso ako pero namimilosopo

"Uyyy, joke lang naman Yen. Ang seryoso mo ah." Sabi nya sabay sangga ng kamay nya.

Adik yata to si Kyzha hahahahaha. Di naman ako nanakit kung di masamang tao eh.

"Di ako amazona no. So ano nga to? Anong laman nito? Baka diary mo to ha. Gusto mo malaman ko ang crush mo?" Sunod-sunod kong tanong habang naglalakad na kami papunta sa loob ng kwarto naming girls

"Tanga. Anong akala mo sakin Yen. Ikaw ang sapakin ko eh." Sabi nya

"HAHAHAHAHA. Ewan ko sayo Kyzha. Ano nga to?" Sabi ko habang natatawa pa

"Yan yung mga sinabi, ay di pala yun sinabi. Mga pinakita nung oras na tulog na tulog ka. Yan tulog pa more. HAHAHAHA." Sabi nya at sya naman ang tumawa

"Tssss, sige asarin mo pa ko. Pero thank you dito ah. Ang laking tulong nito." Sabi ko

"Walang anuman. Sige tulog na ko kasi maaga pa tayo bukas. Ikaw rin matulog kana." Sabi nya

"Babasahin ko muna to bago ako matulog. Tsaka Kyzha, gisingin mo ako bukas kung di pako magising pag wake up call na ha? Please lang." Sabi ko

"Sige Yen. Wag kang mag alala. Basta pagkatapos mong magbasa matulog ka na. Good night mwaaaah" Sabi nya

"Ahhhh, nakakatouch yung mwaaah mo HAHAHA, goodnight rin :*" sabay nguso ko na parang kumikiss ako kay Kyzha sabay tawa pagkatapos.

"HAHAHAHA adik ka Yen. Sige tulog na ako."

"Matulog kana nga HAHAHA" Sabi ko

At yun mga ilang minuto ay nakatulog na rin sya.

Habang ang iba ay mahimbing ng natutulog ay nagbabasa naman ako.

Ang dami pa palang mga di ko alam dito at rules.

After mga ilang oras siguro ng pagbabasa ay natapos ko narin at nakaramdam na ako ng antok.

Di ko rin alam kung anong oras na kasi wala na kaming mga relo lahat.

Bago ako umayos ng higa ay nagdasal muna ako at saka humiga na at pumikit. Agad naman akong nakatulog.
Zzzzzzzzzzzzzz

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

(/////Music playing/////)

~~~~~wake up call~~~~~

Kyzha's POV

Nung marinig ko ang wake up call ay bumangon na ako.

"Good Morning girls." Bati ni Angela habang humihikab pa.

"Good Morning din." Bati ko pabalik sa kanya.

Habang nag aayos na sila Angela at Sheena ay bumaling naman ang tingin ko sa katabi kong mahimbing pang natutulog.

Parang may kung anong kalokohan naman ang pumasok sa isip ko. Mwihihihi

Lumapit ako kila Angela at sinabi ang plano ko. Ayun, sumabay rin sila sa kalokohan ko.

Slow MotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon