Shoichi's POV
Pagdating ko sa gate ng school ay agad akong nilapitan ng guard.
"Anong pangalan?" Tanong nya
"Shoichi Oka po" sagot ko
Pagkatapos kong sumagot ay may sinenyasan sya. Paglingon ko ay yun palang lalaking naka whole black saka may maskara. Ito siguro yung sinabi ni BB sa guide na black ninja.
Nung nakalapit na sya sa akin ay hinalughog nya ang mga gamit ko at kinuha yung mga gadgets ko. Walang ni isang gadget yung tinira. Well, nasa rules naman yun pero pano ako mabubuhay na wala yun?
"Sumunod ka lang sa kin. Pupunta na tayo sa room mo." Sabi ng black ninja
Napatingin ako sa paligid ng school.
Bakit nagbago na ito? Di naman ito ganto nung nagpa enroll ako eh. As in talagang nag iba grabe.
Nang dahil sa pagkamangha ko sa paligid ay di ko namalayan na nakarating na ako sa tapat ng room ko.
"Nabasa mo na yata ang rules kaya dapat kang sumunod para di ka maparusahan." -black ninja
Pagkatapos nyang sabihin yun ay umalis na ito. Pagkabukas ko ng pinto ay wala pang ibang estudyante sa loob kundi ako pa. Kaya agad akong pumasok at pumwesto na sa room.
Hindi ito yung karaniwang room sa skwelahan. Kasi ito, may girls' and boys' bedroom. Saka may isang CR. Saka may iba pang pinto, di ko alam san yun papunta. Kumbaga may limang pinto lahat. Sa girls' and boys' bedroom, CR, sa entrance kung saan ako dumaan pagpasok ko kanina tapos yung isang pinto na ewan ko kung ano yun.
Pagkadaan ng isang minuto, may dumating na isang lalaki. Agad ko syang pinuntahan at nag shake hands ako at nagpakilala na si Shoichi ang pangalan ko.
" Shoichi nga pala." Sabi ko.
"Mich." Sabi nya sabay turo sa name pin nya nakakabit sa damit nya.
Oo nga pala may name pin pala kami. Nalimutan ko.
Ayun, pagkatapos nyang pinwesto ng maayos ang mga gamit nya, nagkwentuhan kami sa mga buhay namin ganun. Tapos bakit kami pumasok. Mga ganung kwento. Hanggang sa may pumasok na naman. Isang babae, magandang babae.
"Hi guys. Good morning." Sabi ng babae.
Kaya kaming dalawa ni Mich ay pumunta sa kanya para magpakilala.
"Mich pala hehehe." Sabi ni Mich sabay shake hands. Tingin ko kay Mich parang natamaan na sya sa babae.
"Hi Mich, Angela pala :)" sagot nya kay Mich at nakipag shake hands.
"Hi Angela, Shoichi pala." Sabi ko.
"May lahi ka noh?" Tanong nya
"Oo, half Japanese ako." Sagot ko
"Kaya pala." Sabi nya.
Dadalhin na sana nya ang kanyang mga gamit pero tinulungan sya ni Mich. Wooow, parang natamaan agad 'to si Mich eh hahahaha. Ako naman, tinulungan ko nalang si Mich sa pagdadala kasi parang nahihirapan sya. Pagkatapos naming malagay yung gamit ni Angela ay pinakwento namin sya tungkol sa sarili nya
At ayun nagkwento naman sya. Tapos kung may mga tanong naman sya tungkol sa amin, sumasagot naman kami ganun.
Habang nagkukwentuhan kami, may isa namang pumasok saka, ganun parin yung ginawa namin hanggang sa may pumasok pa at may isa pa, isa pa. Basta nag sunod-sunod na ang pasok. Mga 7 na lahat kami dito sa room. Yung mga pangalan ng mga pumasok na bago ay sina, Kyzha, Tan, Alfred at Sheena.