Chapter 17

107 8 7
                                        

Kyzha's POV

"Angela, may napapansin kaba kina Sho at Yen?" Tanong ko kay Angela habang nakaupo sa sofa sa living room na nakatingin kila Sho at Yen na busy kakatawa.

"Oo, sa ilang buwan na pananatili natin dito, mas nagiging close sila. Para na silang di mapaghiwalay." Sagot naman ni Angela na tutok parin kina Sho.

"Oo nga eh. Parang walang araw na di sila nagtatawanan sa isa't isa." Sang-ayon ko naman sa kanya

"Atsaka, dahil sa pagiging close nilang dalawa, naging close na rin sila Batit at Sheena. Noon di yun mapaglapit, ngayon parang na silang magnet hahaha." Sabi ulit ni Angela

"Tama ka. Di ko inaasahan yun hahaha. Pero ang dali lang ng panahon diba? Apat na buwan na tayo dito." Paglihis ko ng usapan.

"Oo nga. Mamaya magbabago na ng taon. Ano kayang ihahanda natin mamaya? Hmmm." Sabi ni Angela na halatang excited

"Siguro may ipapagawa muna si Kuya satin before tayo magkakaroon ng handa mamaya hahaha sure ako dyan." Sabi ko

"Yaaaah, sure din ako na paghihirapan muna natin bago tayo makapag enjoy. Katulad nung pagpasko diba?" Sabi ni Angela.

At inalala ko naman ang nangyari nung pasko namin.

------ FLASHBACK ------

"Hala, 24 na tayo ngayon diba? So meaning Pasko na bukaaaaaasss. Yeheeeeeeyyy, ano kayang gagawin natin mamaya except sa pag te-training?" Sabi ni Yen

"Oo nga. Kahit apat na buwan na tayo dito at nagte-training parang di parin sanay ang katawan ko." Sagot ko naman sa kanya

"Kaya dapat na tayong masanay kasi until fourth year pa tayo dito diba?" Sabi ni Tan

"Housemates, diba nasabi ko sa inyo na pwede kayong makalabas ng school premises ito ng holidays? Sorry pero hindi muna ngayon. Di nyo makakasama ang mga mahal nyo sa buhay ngayong Christmas at New Year." Biglang sabi ni Kuya na umalingawngaw sa buong bahay dahil sa speakers na nakalagay sa iba't-ibang parte nga bahay.

"Hala oo nga. Nakalimutan kong nasabi pala yun ni Kuya hahaha." Sabi ni Alfred

"Oo tsaka parang di ko na feel na malayo ako sa mahal ko sa buhay." Sabi naman ni Yen na sumang-ayon naman ang lahat.

"So, dito kayo magpapasko at mag new-new year. Pero bago kayo magkakaroon ng handa mamaya, dapat nyo muna ipasa ang challenge na ibibigay ko sa inyo." Sabi ulit ni Kuya na nakapagpagulantang saming lahat.

"Kailan po namin gagawin ang challenge at anong magiging consequences kung di namin magawa?" Tanong ni Lance

"After 1 hour ng preparation nyo magsisimula ang challenge at we'll see kung anong magiging consequences nyo if ever di nyo ma accomplish. So get ready at dapat before 1 hour nandun na kayo sa training room."

Pagkatapos ng isang oras.....

Nandito na kaming lahat sa training room at lumaki ang mga mata naming lahat sa nakita namin.

May mga spinning wheel na may mga nakasulat na pagkain at sa bawat space na may nakasulat nga pagkain, ay may mga balloon na parang may laman sa loob. At sa harapan nito ay may mesa na may mga bow and arrow.

Ano kayang gagawin namin?

"Nakita nyo naman kung ano ang nandyan diba? So ang gagawin nyo ay isang mahirap na challenge. Dito masusubukan ang naging training nyo at ang special ability ng iba sa inyo. Ito ay may tatlong round. Ang unang round ay dapat kayong lahat ang sumubok. Kailangan nyo lang paputukin ang mga lobo na nakapaloob sa space ng nakasulat na pagkain na gusto nyong makuha sa Pasko. May tatlong chances ang bawat isa sa inyong tumira. Ang ikalawang round ay may tao nang itatali sa spinning wheel habang titira ang iba sa inyo ng balloon. Pero mahina lang pagpapaikot dito. At ang huling round ay papaikutin na ng mabilis ang spinning wheel habang may tao paring nakatali doon. May gear naman kayong susuotin para iwas disgrasya. Arrow proof kaya di kayo tatablan kung sakaling matamaan kayo pero may dalawang tao lang ang makakagawa nun. At yun ang special ability nila." Mahabang eksplanasyon ni kuya.

Slow MotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon