Chapter 9

102 10 2
                                        

Sho's POV

Bago ako humiga sa kama ko, naglakad lakad muna ako sa loob ng bedroom habang may iniisip kasi bago pa akong natapos kumain.

Habang naglalakad ako ng pabalik balik sa loob ng bedroom, naiisip ko kung bakit napikon ako sa sinabi ni Yen. Bakit nga ba?

"Nasaktan lang talaga ang ego mo Sho kaya ganun. Kung ayaw nya sayo, bahala sya. Di sya ang nag iisang tao dito kaya okay lang na di ko sya pansinin. Marami pa rin akong makakausap." Sabi ko sa sarili ko

Pagkalipas ng ilang minutong palakad lakad ay humiga na ako.

Andaming tumatakbo sa isip ko. Haaaayss, parang mababaliw ako sa kakaisip nito eh. Tssk.

Patulog na sana ako ng bumukas ang pinto.

"Sho, labas ka daw. May sasabihin si kuya." Sabi ni Mich

"Sige. Susunod ako." Sagot ko

Bumangon ako at sinuot ang tsinelas ko at lumabas na.

Pagdating ko sa living room, nandun na silang lahat nakaupo sa mataas na upuan. Parang couch ganun.

Papunta na sana ako dun para umupo pero nakita ko na ang bakante nalang ay sa tabi ni Yen. Sya ang nakaupo sa pinakalast na parte ng couch kaya wala syang katabi sa right nya at bakante naman sa left nya.

At dahil di ko feel na pansinin sya, pumunta ako sa tabi ni Sheena.

Pinausog ko si Angela na katabi ni Sheena at nasa left side ni Yen para dun ako umupo sa gitna nila Angela at Sheena para si Angela ang maging katabi ni Yen.

Yung nakaupo na ako, biglang nagsalita si kuya.

Ewan ko ba kung saan galing yung boses. Wala naman akong nakikitang speaker rito eh.

"Students, tomorrow will be the start of your journey here. Bukas pa magsisimula ang totoo nyong laban. Kaya yung mga gamit nyo na hindi kailangan ay ilalagay nyo sa kahon na kukunin ni Shoichi mamaya. Mga gamit nyo tulad ng mga relo, libro, o kahit ano pang gamit nyo na hindi importante at kailangan dito sa loob ng school/bahay na to. Gets nyo ba?" Kuya

"Opo kuya" sabay naming sagot

"Shoichi, kunin mo na ang kahon sa storage room at ilagay mo sa table sa living room at pagkatapos ay kunin mo na ang gamit mo na ilalagay mo sa kahon. Kuha mo ba, Shoichi?" -Kuya

"Opo Kuya." Sagot ko

Agad naman akong tumayo at pumunta na sa storage room.

Pagdating ko dun, kinuha ko agad ang kahon at inilagay na sa table atsaka kinuha ko yung relo ko sa kwarto ng boys.

"Ngayon ay pwede nyo ng ilagay ang mga gamit nyo sa kahon." Sabi ni Kuya

Agad naman kaming nagtayuan pero nagpahuli ako kasi ayokong makipagsiksikan

Nung inilagay ko na ang relo ko, napansin ko ang isang libro na nakalagay dun. Parang ito yung binigay ko sa babae ah. Kukunin ko na sana nang biglang nagsalita si Kuya.

"Shoichi, maaari ka ng umupo."

"Sige po. Sorry." Sagot ko

Parang yun talaga yung libro eh. Pero sino kaya ang may ari nun? Tiyak akong may isa dito na kaibigan nung pinagbigyan ko sa libro? Sino kaya sya? Haaaaaay

At yun nakaupo na ako.

"At bukas rin ay bago kayong mga makakasama. Sana salubungin nyo sila ng maayos at i welcome nyo sila. Naiintindihan?" Kuya

"Opo Kuya." Sagot namin

"At panghuli, dapat maaga kayo magising bukas dahil marami tayong pag uusapan. At maraming rebelasyon na magaganap. Maaga kayong pupunta sa session room bukas. Pag narining nyo ang ganito, ( ting ning ) ibig sabihin ay dapat na pumunta na kayo sa session room. Dapat sa pag wake up call nyo ay dapat maligo na kayo agad at maghanda." Kuya

"Sige po kuya." Kaming lahat

"Sige Goodnight students" sabi ni Kuya

"Goodnight po kuya." Sabay ulit namin.

Umalis naman agad kaming lahat sa living room at pupunta na sa mga kwarto namin. Nag goodnight naman kami sa isa't isa pero di ako nag goodnight sa isang tao. Alam nyo na siguro.

Oo, kay Yen. Wala pa rin akong balak pansinin sya. Bahala sya. Papasok na sana ako nung nasulyapan ko na may notebook na binigay si Kyzha kay Yen.

Ewan ko kung ano yun at wala rin akong balak na makiusisa pa.

Tuluyan na akong pumasok sa kwarto namin at agad humiga.

Ano kayang mga sasabihin ni kuya bukas? At sino-sino kaya ang dadating pa bukas?

Sa gitna ng mga pag-iisip ko ay dinalawan na ako ng antok at hanggang sa nakatulog na ako.
.
.
.

(A/N: Support my story guys. May gagawin pa ako na next story ng ShoiYen pagkatapos nito. Kaya guys, follow me at vote, at comment na rin. Your Fangirl pala ang title ng next ShoiYen story ko. Thank you guys ;))

Slow MotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon