Chapter One

2K 47 4
                                    

NAPAPAILING na lamang si Yhen habang pinagmamasdan ang kaibigan na si Margarette na kanina pa walang humpay sa kakaiyak. Naubos na lamang ang stock nilang tissue sa tinutuluyang dorm ay hindi pa rin ito tumatahan. Baka mamaya ay mamalayan na lamang niyang nalulunod na silang magkaibigan sa balde-baldeng iniluluha ni Margarette.

“Kung hindi ka ba naman kasi isa’t-kalahating gaga. Ang dami nang nagsasabi sa iyo na hindi lang ikaw ang babae sa buhay ng Alfred na 'yon pero ayaw mo namang makinig. Gusto mo talaga na makikita mo pa ng harap-harapan. Oh, may napala ka ba?” naiiritang wika niya sa kaibigan. Tumingin ito sa kanya pagkuwa’y muling humagulhol. Naitirik ni Yhen ang mga mata.

Her friend Margarette has the biggest hunt for love within their circle. Pinalaki ito ng tatlong tiyahin nito pagkatapos mamatay ng ina ni Margarette sa panganganak sa huli. Margarette’s aunts are all old maids. Ilan din sa malalayong kamag-anak ni Margarette ay nauwi sa single-blessedness. Ayon sa kaibigan niya, nang tumuntong sa edad na 25 pataas ang mga tiyahin ni Margarette ay hindi na nagkaroon ng nobyo ang mga ito. That age bracket seemed to be a curse for her friend. And Margaret would be turning 25 in seven months time. Kaya hayun at kung anu-anong love quest ang pinapatulan ng kaibigan niya para lang mahanap na ang “The One” nito. Naroong pumapayag sa mga blind date na pinaplano ng mga kaibigan nila at kung anu-ano pa. Kaya ang labas, sa sobrang pagmamadali ni Margarette, madali ring nawawasak ang puso nito.

She knew Alfred. Actually, Alfred is really famous in their industry. Modelo ito hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa ibang bansa. Naging malapit si Margarette at Alfred nang magkaroon ng victory party ang kompanyang pinagtatrabahuhan nila kung saan dating naging parte si Alfred. Masyadong naging mabilis ang pangyayari dahil ilang araw lang matapos ang selebrasyong iyon ay nalaman niya na magkasintahan na ang dalawa. At iyon ang tahasang tinutulan ni Yhen at ng iba pa nilang kaibigan. But Margarette seemed to have much faith with Alfred. Kahit pa kabi-kabila ang babae na nababalitang idini-date nito ay tiwalang-tiwala pa rin si Margarette na hindi ito niloloko ng nobyo.

Until this afternoon, umuwi si Margarette na hilam sa luha ang mga mata. Ayon dito, nahuli mismo ni Margarette si Alfred sa condo unit ng huli na may kaulayaw na babae. At mula nang sabihin iyon ni Margarette sa kanya tatlong oras na ang nakalilipas ay hindi pa rin kumakalma ang loob nito.

“To see is to b-believe nga, eh. Wala na. W-wala na yata akong pag-asang makapag-asawa rin,” humihikbing sagot ni Margarette.

Tumaas ang isang kilay niya. “Ano ba ang iniiyak mo ngayon? Iyong niloko ka o iyong pagiging palpak na naman ng hunt mo? I told you to keep it easy, Marge. Masyado kang nagpa-panic diyan sa sumpang sinasabi mo.”

“Yhen, malapit na akong tumuntong sa edad na 25,” sagot ni Margarette na tila ba iyon lang ang kailangan niyang maintindihan.

Napailing-iling siya. “What’s wrong with single-blessedness?”

Nilamukos ni Margarette ang tissue na hawak nito at ibinato iyon sa trash can na nasa gilid bago sumagot. “Nothing’s wrong,” anito na halatang kumalma na. Nasanay na rin si Yhen sa ganoong eksena nila. She wondered if Margarette had ever got her heart broken because she had loved all the guys she’d been with or just because her friend felt disappointed of failing to find her “The One”.

“But you know, I really wanted to build a family. Lumaki ako nang hindi ko man lang nakita ang tatay ko. So I wanted to build a family of my own. Gusto kong maramdaman na may kompletong pamilya. Well, I have my aunts, I have my friends, whom I considered as my family. Pero iba pa rin iyong may asawa ako at may mga anak,” malungkot na paliwanag ng kaibigan. Yhen’s heart instantly went to her. Alam niya ang ganoong pakiramdam. Hindi man siya galing sa isang broken family pero kolehiyo pa lamang siya nang maulila sa mga magulang. And she also wanted to build a family of her own when the time is right. At syempre, sa tamang tao.

Girlfriends 3: Right Here, Right Now (To Be Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon