Present
IYON ang huling beses na nakita at nakausap ni Yhen si Yuki. Kinabukasan ng araw na iyon ay nakita niya na maayos ang pagkakasalansan ng mga papel sa kanyang lamesa. Indeed, he was true to his words. Natapos nga nito ang tatlong research papers na nasimulan niya! At talagang ito na mismo ang nagpa-print sa labas! Hinanap ni Yhen si Yuki upang makapagpasalamat at i-treat man lang ito. Pero nakabalik na lang siya ng school ay walang Yuki na nagpapakita sa kanya. He hadn’t even texted her. Ilang beses niya itong tinawagan at tinext pero wala siyang nakukuhang sagot. Naka-lock din ang bahay ni Yuki kaya hindi niya rin malaman kung umalis ito doon.
His absence went on for days… weeks… months… until she slowly lost the hope of him. He didn’t come back.
Hindi na mabilang ni Yhen kung ilang beses siyang umiyak dahil doon. Sa mga napagtanungan ni Yhen na naging kaklase ni Yuki ay wala ring nakakaalam kung saan ito nagpunta. She felt hollowed. She felt distracted with everything. Kahit ang school activities niya ay naaapektuhan. Kung hindi pa dahil sa pagkausap kay Yhen ng ilang professor niya sa pagiging mababa niya sa quizzes at activities ay hindi pa siya magigising.She got mad at him for leaving without a word. She felt betrayed. He broke her heart. The best thing to do that time is to stop waiting and stop being stupid. Kahit si Nanay Cen at maging ang mga kaibigan niya ay sinabi na sa kanyang maaari ngang umalis na si Yuki at natatakot lamang na masaktan siya kaya hindi ito nagpaalam. Pero mas naging masakit lang iyon dahil wala man lang siyang ideya kung ano ang nangyari sa kanila. Pero kahit na ganoon ay lihim pa rin niyang hinintay ang pagbabalik nito. Babalik si Yuki dahil mahal siya nito. And you won’t leave someone you love just like that.
Until months turned to a year. Unti-unti ay binitawan na ni Yhen ang pag-asang babalik si Yuki. Kasabay niyon ay ang muling pagguho ng mundo ni Yhen nang pumanaw si Nanay Cen dahil sa sakit sa puso. The only family she had also left her. Pakiramdam ni Yhen ay sobrang ubos na ubos siya. She didn’t know how she had cope up with all the pain. Kung hindi pa dahil sa suporta ni Madam Chay at ng mga kaibigan sa trabaho ay hindi alam ni Yhen kung paano pa siya makakaahon.
Since then, she pushed herself to live again in the real sense of it. Nag-focus siya sa trabaho at nakihalubilo sa iba’t-ibang tao. Batid ni Yhen na iyon ang ikasisiya ng mga magulang at lola niya kung nasaan man ang mga ito. She wanted to assure them that she’ll live the life they wanted for her. At masasabi ni Yhen na naging maayos naman ang lagay niya. Bumalik ang malaking pagkatao niya na nawala noong nasaktan siya.
As for Yuki… she stopped looking and hoping for him. Maybe she was just too fed up by the fantasy of love she believed. Maybe she was just too fed up by her faith of him. First love gives endless hopes. Flawless. Parang hawak mo ang mundo. But once you’ve got your heart broken, you’ll realize that love is not just enough to make someone stay. Kahit mahal ka ay magagawa ka pa ring iwan. Or maybe… he didn’t love her at all. Dahil kung mahal ka, hindi ka iiwan.
“Huy! Ano? Hindi ka pa ba bababa?” Boses ng kaibigan niyang si Margarette ang pumukaw sa nagbabalik na diwa ni Yhen. Nasa likod nito si Champagne na nanliliit ang mga mata habang nakatingin sa kanya. Halatang inoobserbahan siya nito.
“Yes, yes. Ito na,” aniya sa pinasiglang boses. Masyado siyang occupied at hindi niya naramdaman na siya na lang pala ang nasa loob ng van.
Bumaba si Yhen at hinawakan niya ang suot na fedora hat nang umihip ang malakas na hangin. Naamoy niya kaagad ang hanging-dagat. Nasa Batangas sila para sa isang shoot at anniversary fashion show ng Rising Star na taon-taon ginaganap. Malaking event iyon dahil maraming bigating tao sa industriya ang dumadalo. Kahit ang mga naglalakihang businessmen ay iniimbitahan din. It’s a good way to flaunt Rising Star not only locally but internationally. In fact, may mga modelo ang Rising Star na nabibigyan ng break sa ibang bansa.
BINABASA MO ANG
Girlfriends 3: Right Here, Right Now (To Be Published Under PHR)
RomanceFive years ago, love was not one of Yhen's priorities. Para sa kanya, darating ang bagay na iyon sa tamang oras kaya hindi niya kailangang magmadali. Mas marami pa siyang bagay na dapat pagtuunan ng pansin kaysa problemahin ang lovelife niya. She be...