Chapter Ten

738 24 3
                                    

SIMULA nang magbahagi si Yuki ng kuwento nito tungkol sa pamilya ay mas lalong nakilala ni Yhen ang binata. Lalo silang naging mas malapit sa isa't-isa. Yuki's tale is a hidden, sensitive part of him. And it was a priviledge that she was able to touch that mysterious world of him. Hindi naman kasi madaling ibahagi ang sitwasyong kagaya niyon, hindi rin madaling humanap ng taong madaling makaintindi. Some might judge, some might take different sides, or some might not care. Pero para kay Yhen, Yuki's old enough to decide what he really wanted to do. Hindi niya kailangang diktahan o panghimasukan ang mga desisyon nito. He was deciding for himself for the past years and he had proved that he is someone to be proud of. Kung hindi iyon nakikita ng iba, iyon naman ang nararamdaman niya.
She is proud of him. For all the things he had endured. For all the sacrifices he made. For all the love he still could give despite of his pains.

"Ang aga naman ng sundo mo," Natigil sa pagmumuni-muni si Yhen nang kalabitin siya at bulungan ng kaibigan na si Mey na nasa kanyang likuran. Lumipad ang tingin ni Yhen sa labas ng classroom at nakita niya si Yuki na nakatayo doon at kumaway pa nang makita siya. Nakangiting napailing-iling siya.

"Ilang linggo na nating naaapakan ang buhok niyan ni Yhen? Isa? Dalawa?" segunda naman ni Rica na nasa tabi niya. Nagkasya ang mga kaibigan niya sa pagbubulungan dahil naroon pa ang professor nila at kasalukuyang may isinusulat sa board. Inilagay ni Yhen ang hintuturo sa kanyang mga labi nang sumitsit ang professor nila bagaman hindi naman ito lumilingon. Ibang klase talaga ang sixth sense ng mga guro.

"Kaibigan ko lang si Yuki. Pang-ilang beses ko na bang sinagot 'yan?" bulong niya bago muling tumingin sa labas ng classroom. Nakasandal si Yuki sa barandilya na naroon at may kinukutinting sa cellphone nito. He was obviously oblivious of the admiring stares by women passing on the corridor. Just like that. He could get attention without even doing anything. Nakita pa niya ang grupo ng mga babaeng palagay ni Yhen ay nasa lower year na parang mga bulateng inasinan at naghampasan pa nang makalampas kay Yuki.

"Well, hindi naman kasi mahirap isipin na may something kayo. Ang layo rin ng building ng Business Ad dito sa MassCom, ah," singit ni Imee na nagdu-doodle sa likod ng notebook nito.

"Hatid-sundo pa," hagikhik ni Mey.

Napailing-iling na lamang si Yhen sa mga kaibigan. Kilala na ng mga ito si Yuki dahil mula nang pumasok ito sa parehong unibersidad ay lagi na itong kasabay ni Yhen. Dalawang araw lang ang pasok ni Yuki at parehas ang schedule ng pasok at uwi nito sa kanya kaya sabay silang pumapasok at umuuwi. Kapag wala naman itong pasok ay inihahatid siya nito sa umaga at sinusundo sa hapon.

Dahil doon, wala nang ibang ginawa ang mga kaibigan ni Yhen kundi ang intrigahin siya. They claimed that Yuki's efforts are way more than a friend's duty. Ngunit para kay Yhen ay normal lang naman iyon. Magkapitbahay lang din naman sila. She doesn't want to shade colors in Yuki's actions because she was already bugged by her own reactions whenever he is around. Katulad ngayon. Natetensyon na naman ang pagkatao niya.

She's not dumb. Aaminin ni Yhen na may kakaibang pakiramdam nang bumabalot sa kanya pagdating kay Yuki. It was new and bothering but somehow it felt... good. Kung anuman ang pakiramdam na iyon ay hindi niya pa mapangalanan. Ayaw din niyang masyadong isipin dahil nangako si Yhen sa sarili na hindi niya pagtutuunan ng pansin ang mga ganoong bagay. Maybe she was just overwhelmed? No one had ever cared for her aside from her grandmother and few friends. Simula kasi nang mamatay ang mga magulang ni Yhen ay natatakot na rin siyang sobrang ma-attach sa ibang tao. Losing someone you loved and cherished for all your life felt like a part of you dies too. At natatakot siyang maranasan ulit iyon. Natatakot siyang sumugal.
Pero bakit kung gaano mo iniiwasan ang isang pakiramdam, lalo lamang lumalago ito? Why is it that the more you ignore, the stronger it stays? Iyon bang pakiramdam na bawat hakbang mo pasulong ay lumilingon ka pa rin. Takot manatili ngunit ayaw naman lumayo.

Girlfriends 3: Right Here, Right Now (To Be Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon