“IT’S LATE, Yhen. Bakit gising ka pa?”
“A-ah… May tinapos lang akong assignment,” pagsisinungaling niya. College week nila ngayon kaya isang linggo silang walang klase. Ang totoo, sa nakalipas na tatlong araw ay hinihintay lang ni Yhen na tumawag o 'di kaya’y magtext si Yuki hanggang makatulugan na niya iyon.
Tumango-tango ito. “I see. You should go back. Matulog ka na,” ani Yuki bago siya tinalikuran.
“What… happened?” Kusang lumabas iyon sa bibig ni Yhen bago pa niya mapigilan. Siguro naman hindi masama kung malaman niya kung ano ang nangyari at biglang naging estranghero si Yuki sa kanya, hindi ba? Maybe she has the rights for the answers. Hindi naman siguro pagiging pakialamera kung gustong malaman ni Yhen kung bakit noong nakaraan lang ay ipinaparamdam ni Yuki kung gaano siya ka-espesyal para dito tapos ngayon ay parang bago lamang silang magkakilala.
Muli itong huminto. “What do you mean?” tanong ni Yuki na hindi humaharap sa kanya.Pinilit ni Yhen na kalmahin ang sarili. “Tatlong araw kang nawala. Tapos ngayon, umaakto ka na parang…” Hindi natuloy ni Yhen ang sasabihin.
Lumingon si Yuki sa kanya. Walang pagbabago sa ekspresyon nito. “Parang ano?”
Humakbang siya dito palapit. “Ano’ng nangyari? Galit ka ba sa akin? May nagawa ba akong mali na hindi ko alam? Bakit ganyan ka?”
Isang mahinang tawa ang pinakawalan ni Yuki. Isang tawa na sampal ang dating sa puso niya.“You have to know, Yhen. People change without a warning. O marahil, sadyang hindi mo lang talaga sila kilala.”
Naihilamos ni Yhen ang isang palad sa kanyang bibig habang tumatango-tango. Sa isang saglit, nakita ni Yhen ang pagdaan ng paghihirap sa mga mata ni Yuki ngunit agad din iyong nawala.
“Talaga? Iyon na ang pinakamaganda mong masasabi sa akin? Sa tatlong araw na iyon, ang sinasabi mo ay nagbago ka na lang basta? Na hindi pa talaga kita ganoong kakilala?” Nanakit ang lalamunan ni Yhen sa pagpipigil ng iyak. Damn! “Tapos ngayon ipaparating mo lang sa akin na tapos na? Kasi nagbago ka na kaya wala na? Ganoon ba ang gusto mong sabihin?” Hindi na napigilan ni Yhen ang panunumbat sa tono.
Nag-iwas ng tingin si Yuki. “I’m sorry.”
“Alam kong may pinagdadaanan ka sa pamilya mo pero ang unfair mo naman! Pagkatapos ng lahat, biglang ayaw mo na?” Halos maisigaw na ni Yhen ang mga katagang iyon. Her emotions are too strong that she couldn’t identify it one at a time.
“Ano’ng aayawan ko kung wala namang nagkaroon?” mahinang sambit ni Yuki ngunit parang bomba ang dating niyon sa pandinig ni Yhen. “I’m moving-out, Yhen.”
Napaatras siya. That’s when her tears started to fall and she couldn’t even control it. Saglit pa niyang inalisa ang nangyayari. Yes, when it’s your first time to fall in love, everything seemed so perfect. You always tend to believe the impossible. You believe everything until it all breaks in front of you.
“I see, Yuki,” aniya habang pinipilit na lagyan ng tapang ang boses. “Sana lang nagkaroon ka ng kahit kaunting konsiderasyon para sabihin sa akin kaagad ang lahat ng ito. It’s the least you can do to respect my feelings. Hindi naman kita pipiliting manatili kung gusto mong lumayo,” Huminga siya ng malalim. Gustong magalit ni Yhen. Gusto niyang manumbat. Why would Yuki pursue her like that if he would just end up leaving suddenly? Pero tulad nang sinabi ni Yuki, walang mayroon sa kanila. Kaya wala siyang karapatang magreklamo.
Hindi na hinintay pa ni Yhen na sumagot si Yuki at tinalikuran na ito. It was too much to stay in front of him. Alam ni Yhen na hindi siya ang tipo ng tao na ipinipilit ang sarili but who knows? People tend to do foolish things when they’re in love.
BINABASA MO ANG
Girlfriends 3: Right Here, Right Now (To Be Published Under PHR)
Storie d'amoreFive years ago, love was not one of Yhen's priorities. Para sa kanya, darating ang bagay na iyon sa tamang oras kaya hindi niya kailangang magmadali. Mas marami pa siyang bagay na dapat pagtuunan ng pansin kaysa problemahin ang lovelife niya. She be...