Chapter Eleven

716 21 1
                                    

"HE TOLD you that? Gosh! Seryoso?"

Naitakip ni Yhen ang dalawang kamay sa magkabilang tainga nang tumili ang mga kaibigan niya. Naroon sila ngayon sa bahay ni Yhen dahil may tinatapos silang research paper. Kasalukuyan silang nagmemeryenda at hindi siya tinantanan ng mga ito hangga't hindi niya kinukuwento ang mga nangyari noong birthday ni Yuki dalawang araw na ang nakalilipas. At ngayon nga ay nagkakagulo ang mga kaibigan niya sa sinabi ni Yuki bago sila maghiwalay ng gabing iyon.

"And I think I already got more," punong-puno ng emosyon na sabi ni Imee bago ito muling tumili. "Mukhang alam ko na ang ibig niyang sabihin doon!" dugtong pa nito bago siya hinampas ng throw pillow.

"At sigurado ako na hindi mo nakuha ang punto nang sinasabi niya," wika naman ni Mey habang nilalantakan ang manggang si Yuki mismo ang sumungkit kanina bago ito umalis para maglaro ng Basketball sa court na malapit sa kanila. Gusto niya sana itong samahan kaya lang ay may kailangan silang tapusin ng mga kaibigan.

"Of course, iisipin ni Yhen na wala lang 'yon. Na normal 'yon. Hindi iisipin ni Yhen na confession na 'yon," segunda naman ni Rica na ikinatango ni Jeybi sa tabi nito.

"Paano naman naging confession 'yon?" nagtatakang tanong niya.

"Ikaw, hindi ko alam kung sadyang inosente ka lang o denial queen, eh. Sa sobrang hilig mo magbasa ng pocketbooks at manood ng mga pelikula, hindi mo ba nage-gets ang inaakto at pinagsasasabi ni Yuki sa'yo?" tila naiinis na wika ni Jeybi.

"You're my positivity, my blessing, and my happiness... and more," Inulit ni Rica ang sinabi ni Yuki. "Hindi mo na-gets 'yon? Parang nasa iyo na ang lahat ng pwede niyang maramdaman. Nasa'yo na ang lahat. Hiyang-hiya si Kathryn Bernardo sa'yo, girl!" natatawang dugtong nito.

"Na-i-inlove na siya sa’yo, Yhen! Iyon ang pinakasimpleng sagot. O kaya, inlove na talaga siya sa’yo bago pa niya sabihin," tili ni Imee. "Ang sweet, 'di ba? Ang unique niya mag-confess!"

"Pero pwede mo namang sabihin iyon sa isang kaibigan, ah," aniya. Kulang na lang ay sabunutan siya ng mga kaibigan sa tingin ng mga ito sa kanya.

"Alam mo, dalawa lang 'yan. Either clueless ka talaga sa ganitong bagay or you're just pretending that you are. Kasi sa totoo lang, Yhen, pakiramdam ko parehas lang kayo ng feelings ni Yuki. Vocal lang siya at in denial ka," seryosong wika ni Mey.

"I second the motion!" ani Jeybi at itinaas pa ang dalawang kamay.

"Yes. At feeling ko, kaya mo itinatago 'yan kasi iniisip mo pa rin na hindi tamang pagkaabalahan mo ang ganyang mga bagay. Gusto mo naka-focus ka lang sa isang bagay. Ayaw mo ng distractions. Kaya ipinipilit mo na kaibigan lang kahit alam mong hindi iyon natatapos doon," sumasang-ayon na pahayag ni Rica.

Napaisip si Yhen. Tama nga kaya ang mga kaibigan niya? Was she thinking that this whole emotion that builds up inside her will be a distraction? Couldn't she really bear to risk some things? O hindi kaya natatakot siya na mali ang kanyang mga naiisip sa tunay na nararamdaman ni Yuki? Na natatakot siyang mawala ito kapag lumalim ang nararamdaman niya at hindi iyon magkaroon ng katugon?

"Yhen, what's really bothering you? Dahil ba baka mapabayaan mo ang pag-aaral mo? Yhen, 'pag nagmahal ka naman, hindi ibig sabihin niyon na kailangan mong paikutin ang mundo mo sa kanya. It will always be your choice. Kung magmamahal ka para ikasira mo o para ikabuti mo. At hindi ako naniniwalang ang matatalino ay bobo sa pag-ibig. It will be a person's choice whoever they want to be," pangangaral ni Mey na sinang-ayunan ng iba nilang kaibigan.

There are some other reasons. Isa na doon ay kaibigan niya si Yuki. She’s aware how love could destroy a friendship. If the feelings are not mutual or the risk hadn’t been worth it. If the relationship didn’t work, you’ll not only lose a lover but also a friend. At hindi alam ni Yhen kung kaya niyang isugal iyon dahil sa tila paglalim ng kung anong nararamdaman niya ngayon.

Girlfriends 3: Right Here, Right Now (To Be Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon