HAPUNAN na nang lumabas si Yhen ng cottage nila nang mabasa ang text ng kaibigang si Cloe. Pagkatapos nilang mag-swimming ay nagkayayaan pa ang mga kaibigan niya na mag-chill sa bar na naroon pero hindi na sumama si Yhen dahil sa antok. Alas-nuwebe na ng gabi at halos naka-dalawang oras din siya ng tulog.
Tumungo si Yhen sa seafood resto ng resort. Hindi pa siya nakakapasok ay naririnig na kaagad niya ang mga tawanan sa loob. Nakita din ni Yhen si Madam Chay at ibang staffs ng Rising Star. Pero ang ikinagulat niya ay nang makita si Yuki na naroon at nakikihalubilo sa mga staff. Particularly, girl staffs. Flirt!
“Yhen! Dito ka na!” tawag ni Margarette sa kanya habang kinakawayan siya nito. Ngumiti si Yhen at lumapit sa mga kasamahan. Hindi niya pinansin ang pagsunod ni Yuki ng tingin sa kanya nang madaanan niya ito. Why, he looks so pleased with the girls around!
“Kanina pa kayo dito?” tanong ni Yhen nang makaupo.
“Hindi naman. Kani-kanina lang din pagdating nila Madam Chay. Sabay-sabay na raw tayong mag-dinner,” sagot ni Cloe. “Nakatulog ka?”
Tumango si Yhen at sumimsim ng iced tea na nasa harap niya. Nang mag-angat siya ng tingin ay nakita ni Yhen na si Madam Chay naman ang kausap ni Yuki. Pero ang huli ay sa direksyon niya lang nakatingin habang may sinasabi dito ang manager nila. Ngumiti ito kay Yhen na pinalitan naman niya nang pag-irap.
“Ano’ng ginagawa niya dito?” tanong ni Yhen sa kawalan.
“Hindi mo pala alam?” sambit ni Champagne na nasa kanyang tabi. Nakangisi ito na para bang may nakakaaliw sa mukha niya.
“Ang alin?”“Inimbitahan siya ni Madam Chay,” sagot ni Champ.
Kumunot ang noo niya. “Inimbita? Magkakilala sila?”
Nagkibit-balikat ang kaibigan niya. “Siguro.”
Nagtaka si Yhen sa sinabi ni Champagne. Paanong magkakilala si Madam Chay at Yuki? Matagal na ba? Ibig sabihin ay hindi narito si Yuki para sa kanya?Ipinilig ni Yhen ang ulo. Ano ba ang pakialam niya kung hindi pumunta si Yuki doon para sundan siya? It’s not as if she wanted him to do that, anyway.
Nang dumating ang mga pagkain ay lalong lumakas ang mga kwentuhan at tawanan. Hindi alam ni Yhen kung bakit pakiramdam niya ay hilaw ang kanyang mga tawa habang nakikinig sa mga kaibigan. Nasa katabing table lang si Yuki kasama sila Madam Chay at kanina pa niya naririnig ang pang-iintriga dito ng ilang babaeng staffs na halatang interesado kay Yuki.
“May girlfriend ka na?” Narinig niyang tanong ng isang babae kay Yuki. She’s trying her best not to look at their table. Itinuon niya ang atensyon sa binabalatang alimango.
“Hindi naman ikaw iyong tipo na mahihirapang maghanap ng boyfriend,” tumatawang sinabi ni Yuki na nagpainit ng ulo niya. So he also learned how to flirt, huh? Maybe he mastered the art of flirting for the past five years. Nang naghagikhikan ang mga babae ay napairap siya sa kawalan.
Come on, Yhen! Bakit affected ka? Sabi mo wala kang pakialam? Tanong ng isang bahagi ng utak niya.
I’m not. Nag-aalala lang ako sa mga babaeng nilalandi niya. Sagot ni Yhen sa sarili.
“Kung ikaw ba, okay ako sa’yo bilang girlfriend?”
“Ouch!” Napahiyaw si Yhen nang matusok ang daliri niya ng sipit ng alimango. Napatingin sa kanya ang mga kaibigan pero sa mga ito ay si Champagne lang ang tumawa.
“Paabot ng tissue, Bri,” ani Chesca kay Brianna na agad din namang sinunod ng huli. Inabot sa kanya ni Chesca ang tissue na tinanggap niya at itinakip sa nasugatang daliri. Mababaw lang naman iyon pero nagdugo pa rin.
BINABASA MO ANG
Girlfriends 3: Right Here, Right Now (To Be Published Under PHR)
RomanceFive years ago, love was not one of Yhen's priorities. Para sa kanya, darating ang bagay na iyon sa tamang oras kaya hindi niya kailangang magmadali. Mas marami pa siyang bagay na dapat pagtuunan ng pansin kaysa problemahin ang lovelife niya. She be...