“I CAN’T believe I’m doing this! Ako na nga ang muntik nang maospital rito tapos ako pa ang nagsisilbi sa’yo? This is unfair!”
Hindi maiwasang matawa ni Yhen sa reklamo ni Yuki. Kanina pa nito iyon paulit-ulit na sinasabi ngunit hindi pa rin naman ito tumitigil sa pagbabalat ng mangga habang siya ay patuloy naman sa pagkain ng mga nababalatan nito. Hindi naman naging kritikal ang lagay ni Yuki katulad ng pagiging eksaherado nito sa sinabi. Tinamaan lang ang noo nito ng isang bumagsak na mangga at nawala rin naman iyon matapos lapatan ng cold compress. Kung makapag-react si Yuki akala mo ay ikamamatay nito ang nangyari.
“Pa’no kung magkaroon ako ng brain hemorrhage?” eksaheradong sabi ni Yuki habang nilalapatan nila ng cold compress ang namulang noo nito.
“Yuki, hindi naman bungkos ng mangga ang tumama sa’yo,” Hindi niya naiwasang matawa. Nagulat na lang daw ito dahil habang nagugupit ito ng damo sa likod-bahay ay may matigas na bagay ang tumama sa noo nito at kasunod niyon ay ang pagbagsak ng iba pa.“How would you know? Baka nagpa-process pa lang sa ulo ko and—“
“Hay! Tumigil ka na nga! Ipagbabalat na lang kita ng mangga para makabawi ako sa’yo.”
“Ikaw naman ang nag-volunteer. Sabi ko nga sa’yo kanina na ako na lang para makabawi ako pero ayaw mo naman,” napapangusong wika ni Yhen kahit pa ang totoo ay pabor naman sa kanya ang nangyayari dahil hindi na siya napapagod sa pagbabalat ng mangga.
“Yeah, sure,” napapaismid na sagot ni Yuki. “Ikaw ang magbabalat tapos makikita ko na lang na naputol na ang kamay mo.”
Napalabi siya. “Ang OA mo naman. Aksidente lang naman 'yon. Dumulas kasi sa kamay ko 'yong mangga,” pagrarason niya.
“At pwede ring aksidente na mahihiwa mo na 'yang buo mong kamay,” naiinis na sagot nito.
Doon na tumambay si Yuki at Yhen sa likod-bahay ng huli. Sigurado kasing maeeskandalo si Nanay Cen kapag nalaman nitong naroon siya sa bahay ni Yuki at dalawa lamang silang nandoon. Her grandmother, actually her clan, is very conservative and particular when it comes to things like that—if it wasn’t any obvious. Muli ay dumaan na naman sa isip ni Yhen ang pagpi-preach niya kay Yuki tungkol sa purity and sanctity. At tuwina, nag-iinit ang kanyang pisngi kapag naaalala iyon.“Alam ko na!” ani Yuki na napapitik pa. Nakaupo ito sa duyan at hindi niya alam kung gaano siya katagal na natahimik o kung gaano katagal na siyang inoobserbahan nito.
“Huh?”
“Alam ko na kung bakit ayaw kang papuntahin ni Nanay Cen sa bahay,” nakangising sagot ni Yuki. Oh, right. Her grandmother let him call her that too. “Kung bakit ako lagi ang nandito.”
Nagkunot-noo si Yhen.
“Dahil nag-aalala siya na baka gapangin mo ako sa sarili kong bahay,” tila siguradong-sigurado si Yuki sa sinabi nito dahil sinabayan pa nito iyon nang pagtango-tango.Napaikot niya ang mga mata. “Please! Kilabutan ka nga,” napapailing na sambit ni Yhen bago tinalikuran si Yuki at dinala ang mga mangga sa kusina.
Natakam kaagad si Yhen nang mabalatan ang isang mangga. Madilaw na iyon at siguradong matamis. Nang hindi makatiis ay kinagatan na ni Yhen ang mangga hanggang maubos na niya iyon. Kumuha ulit siya ng isa para balatan at nangangalahati pa lamang siya ay dumulas na ang mangga sa pagkakahawak niya kaya’t dumiretso ang kutsilyo sa daliri niya.
“Aw!” Napasigaw siya sa sakit. Nabitawan ni Yhen ang kutsilyo at itinapat kaagad sa gripo ang nagdurugong daliri. She hated seeing blood. Pakiramdam ni Yhen ay hihimatayin siya kapag nakakakita ng sugat na nagdurugo. Kaya nga kahit pangarap niya noon na maging doctor ay hindi na niya ituloy. Besides, doctor and blood are actually related.
Humahangos na pumasok si Yuki sa kusina. “Ano’ng nangyari?” Mabilis na dinaluhan siya ni Yuki at narinig ni Yhen na mahina itong napamura nang makita ang daliri niya. “Bakit kasi hindi ka nag-iingat?”
“D-dumulas kasi sa—Ano’ng g-ginagawa mo?” Nanlaki ang mga mata ni Yhen sa gulat nang walang anu-ano’y hilahin ni Yuki ang kamay niya at inilapat ang kanyang daliri sa bibig nito. The touch of his lips on her skin almost made her jumped. Pakiramdam ni Yhen ay binubutas ang tiyan niya sa hindi maipaliwanag na nararamdaman. She could feel tingling sensation all over her being. Pero mukhang hindi ramdam ni Yuki ang pagpa-panic ng buong pagkatao niya dahil nagpatuloy ito sa ginagawa. And she ended up staring him like an idiot.
BINABASA MO ANG
Girlfriends 3: Right Here, Right Now (To Be Published Under PHR)
Storie d'amoreFive years ago, love was not one of Yhen's priorities. Para sa kanya, darating ang bagay na iyon sa tamang oras kaya hindi niya kailangang magmadali. Mas marami pa siyang bagay na dapat pagtuunan ng pansin kaysa problemahin ang lovelife niya. She be...