AND they lived happily ever after…
Naluluhang inilapag ni Yhen sa bedside table ang kakatapos lamang basahin na pocketbook bago ibinato sa trash can na nasa gilid ang mga nilamukos at kawawang tissue na saksi sa mala-teleseryeng twists and turns ng kanyang emosyon sa binasang nobela. Sa totoo lang, kanina pa natapos basahin ni Yhen ang libro ngunit paulit-ulit pa niyang binabalikan at pinapagnilayan ang mga nakakakilig at nakakaiyak na eksena na animo’y isa siya sa mga gumaganap.The novel was a typical story of “love against all odds” na madalas niyang nababasa ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagsasawa. She was a sucker for love stories, happy endings, and forever. In fact, lahat nga ng boyfriend ni Yhen ngayon ay nag-e-exist sa fiction world na bumubuhay sa “makiring” bahagi ng kanyang pagkatao. Kahit pa inaasar si Yhen ng kanyang mga kaibigan na tatanda siyang dalaga at mamamatay na matimtimang birhen kakaantay na maging mortal ang mga lalaking kinahuhumalingan sa mga libro ay wala siyang kiber. Aba! Sa panahon ngayon, karamihan ng mga matitinong lalaki ay humihinga na lamang sa imahinasyon. It’s better to be safe than sorry. Aanhin naman niya ang mga lalaki kung puro sakit ng ulo at sama ng loob lang naman ang kanyang aabutin? Hindi na bale!
Hindi naman manhater si Yhen. Wala namang dahilan para maging ilag siya sa mga lalaki. In fact, may mga kaibigan naman siyang lalaki. Marahil ay nadala si Yhen sa idinulot ng pag-ibig sa mga kaibigan niya. Kung pumasok naman kasi sa relasyon ang mga ito ay animo may hinahabol na deadline kung makapagmadali. Mga walang kadala-dala tapos sa huli, kulang na lang ay ma-dehydrate sa kakaiyak at maaari nang buhusan ng holy water dahil sa walang katapusang pagmumura dahil sa galit.
At isa pa, hindi pa naman niya kailangang magmadali. If it comes then so be it. Besides she was on her last year of college. Much reason why she shouldn’t focus on anything else but on her studies. Hindi niya pa priority ang pag-ibig. Katulad nang sinabi kay Yhen ng mama niya, hindi kailangang madaliin ang mga bagay na nakatakda na. She values the idea of waiting and the perfect time. She believed that everything worth having is definitely worth waiting. Inspirasyon ni Yhen ang kanyang mga magulang na para sa kanya ay nagpatunay na totoong may “forever”. Her parents failed to comply with their wedding vows because not even death had made them apart. Namatay ang mga ito na hanggang sa huling hininga ay magkasama, magkahawak ang mga kamay at ipinapahayag ang pagmamahal sa isa’t-isa.
Ulila na sa mga magulang si Yhen at nag-iisang anak lamang din siya. Her parents died of car accident two years ago. Nadala pa ang mga magulang niya sa ospital ngunit binawian din ng buhay. She hadn’t even gotten the chance to see or talk to them before they left. Ang sabi ng mga nurse, tinatawag ng mga magulang ni Yhen ang kanyang pangalan habang nag-aagaw buhay ang mga ito. At habang bilang na bilang na lamang ang pinapakawalang tibok ng puso ng mga magulang niya ay nagawa pa rin daw na maghawak-kamay ng mga ito. Her parents spent their last breaths mouthing “I love you” to her and to each other. She never knew that love like that is possible. Iyong hanggang kamatayan talaga. For her, it was the greatest love story the world had ever told. Kaya kahit napakasakit na sabay kinuha sa kanya ang mga magulang ay masaya pa rin si Yhen dahil batid niyang magkasama pa rin ang mga magulang at binabantayan siya kung nasaan man ang mga ito.
Salat man sa yaman ay lumaking busog sa pagmamahal at kasiyahan si Yhen na alam niyang hindi kailanman mabibili ng kahit anong halaga. Her mother was a dressmaker and her father was a taxi driver. Ibinigay ng mga magulang ni Yhen sa kanya ang lahat sa abot nang makakaya ng mga ito.She is a student of Mass Communication in a state university at Manila. Nagpa-part time siya sa isang coffee shop upang makatulong sa gastusin niya sa pag-aaral at sa bahay. Hindi naman malaki ang binabayarang tuition ni Yhen dahil scholar naman siya ng university. Naiwan si Yhen sa pangangalaga ng lola niyang si Nanay Cen na ina ng kanyang mama. Mananahi si Nanay Cen sa isang clothing shop sa bayan nila. Sapat naman ang kinikita ni Nanay Cen para sa pangangailangan nilang dalawa. Ngunit ayaw iasa ni Yhen sa kanyang lola ang lahat dahil may edad na rin ito at kaya na rin naman niyang magtrabaho. Kaya kahit ayaw ni Nanay Cen na tumulong si Yhen sa mga gastusin ay nagpumilit pa rin siya.
BINABASA MO ANG
Girlfriends 3: Right Here, Right Now (To Be Published Under PHR)
عاطفيةFive years ago, love was not one of Yhen's priorities. Para sa kanya, darating ang bagay na iyon sa tamang oras kaya hindi niya kailangang magmadali. Mas marami pa siyang bagay na dapat pagtuunan ng pansin kaysa problemahin ang lovelife niya. She be...