Chapter Nineteen

772 29 0
                                    

MALAKAS na napabuntong-hininga si Yhen at ang kaibigang si Margarette nang mailapag si Yuki sa kama niya. Umungol lang ito ng kaunti ngunit hindi ito nagising. Nang makarating si Yhen sa restaurant kanina ay talagang nag-passed out na sa kalasingan si Yuki kaya kinailangan pa niya ang tulong ng mga bouncer para maisakay ito sa taxi. Dapat ay doon na lang sa tinutuluyang bahay ni Yuki niya ito dinala kaya lang ay wala siyang susi na nakuha sa bulsa nito at baka lalo lamang silang magtagal. Buti na lamang at gising pa rin si Margarette nang tawagan niya ito dahil hindi niya magagawang ipanhik si Yuki sa bahay nila ng mag-isa.

“Ano ba’ng nangyari diyan?” hinihingal na tanong ni Margarette bago napailing at humarap sa kanya. “Kaya mo na ba? Sure ka na dito na lang siya sa kwarto mo?”

Tumango si Yhen. “Kaya ko na. Ako na ang bahala. Salamat, Marge.”

“Sige, katukin mo na lang ako sa kwarto kapag may kailangan ka,” ani Margarette bago ito ngumisi nang nakakaloko. “'Wag mong pagsasamantalahan ‘yan, ah. Wala ‘yang laban sa’yo,” hagikhik nito.

Ngumiwi siya. “Lumabas ka na nga!”

Tatawa-tawang lumabas si Margarette ng kwarto. Ngunit bago nito maisara ang pinto ay sumilip muna ito roon. “Alam kong kumain ka na. Pero kung nagugutom ka, maraming niluto si Yuki na pagkain. Nasa lamesa. Initin mo na lang. Nakalimutan mo yata ang birthday kaya naglasing, eh?” pagbibiro ni Margarette na ikinagitla niya. “Kaya naman pala,” dugtong pa ng kaibigan sa naging reaksyon niya bago nito isinara ang pinto.

Napatingin si Yhen sa nahihimbing na si Yuki. Kinalkula niya kung ano ang petsa na iyon. Usually, she’s losing notion of time especially when she’s too busy.

“Oh my God,” mahinang usal ni Yhen bago mariing napapikit. December 12! Yes, it’s Yuki’s birthday today. She had totally forgotten about it! She remembered his birthday years ago. Noong siya ang ginustong makasama ni Yuki sa kaarawan nito. And now, he did it too. Kaya siya nito t-in-ext kanina ay para makasama siya ulit!

He tried. But you rejected him. Wika ng isang bahagi ng isip niya. Oo nga naman. Pero dahil sa dami at gulo nang tumatakbo sa isip ni Yhen ay hindi niya na iyon pinansin.

Right, okay! She was guilty, fine! Nakokonsensya siya at sa paglalasing naisipang i-celebrate ni Yuki ang birthday nito. But he should have told her! Or he should have celebrated it with anyone! Nandyan naman ang pinsan nitong si Cloelia. O kaya si Margarette. O kahit sino sa mga kaibigan nito!

Nasapo ni Yhen ang pisngi bago siya tumungo sa closet at kumuha ng face towel doon. Saglit muna siyang bumaba upang basain ng maligamgam na tubig ang towel. Pagbalik ni Yhen ay umupo siya sa gilid ni Yuki at marahang pinunasan ang mukha nito.

“Sorry,” bulong niya.
She doesn’t know why she started to feel emotional. Wala namang nakakaiyak pero parang gusto niyang maiyak ngayon. Pakiramdam tuloy ni Yhen ay siya ang lasing. Her wall is slowly breaking down by the sight of him right now. He looks so innocent while sleeping. Naaalala ni Yhen ang sakit na nakikita niya sa mga mata ni Yuki tuwing itinataboy niya ito o 'di kaya’y pinagsasalitaan ng hindi maganda. And she hated it that he has that same effect on her. Kaya’t pilit niyang iniiwasan iyon.

When Yuki came back, lahat nang itinago ni Yhen sa loob ng limang taon ay kumawala. Galit, paghihinampo, panghihinayang, sakit, at kung anu-ano pa. And the most thing is the feeling that she’s denying herself. Iniisip niya kasi na imposible. Pwede ba ‘yon? Mahal mo pa rin kahit masakit na? Bakit mo ba mamahalin ang isang tao kung masakit na pala? It just doesn’t seem right, isn’t it?

Natigil si Yhen sa pagpupunas nang dahan-dahang dumilat ang mapupungay na mga mata ni Yuki. He looked so drunk. Pero nang makita siya nito ay agad itong ngumiti.

“I hope I’m not dreaming,” anito bago mahinang tumawa. “Or if I am, sana huwag mo muna akong gisingin.” She could hear the longing dripping on his voice.

Girlfriends 3: Right Here, Right Now (To Be Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon