Chapter Twenty-One

886 30 0
                                    

“YHEN…”

Sa sobrang pagkagitla ni Yhen ay hindi niya namalayang naitulak na pala niya ang pinto. Gulat na napalingon sa kanya si Rence at napatayo naman si Yuki na halata sa mukha ang matinding pag-aalala. Parang kinumuyos ang puso niya dahil sa narinig. Yuki’s eyes are mirrored with regret and pain as he was looking intently at her. Pakiramdam ni Yhen ay nahihirapan siyang huminga. Pakiramdam niya ay napaglaruan siya ng sobra. She felt betrayed…. she felt fooled.

Nang hindi makatiis ay basta na lamang tumalikod si Yhen at mabilis na tumakbo palabas ng bahay ni Yuki.

“Hey, wait… Yhen, sandali lang,” Narinig ni Yhen ang boses ni Yuki sa kanyang likod ngunit hindi na siya nag-abalang lumingon at binilisan na lamang ang paglalakad. Nasa labas na sila at lihim siyang nagdadasal na sana ay may dumaan na taxi o kahit anong pwede niyang sakyan para makaalis na sa lugar na 'yon. Dammit! Bakit ba kailangang tumanggap ng ganito kabigat na sakit ang puso niya?

“Yhen, saglit lang. Please,” Nahinto si Yhen sa paglalakad nang mahagip ni Yuki ang braso niya. Pagharap ni Yhen kay Yuki ay agad na lumipad ang palad niya sa pisngi nito. Siguradong masakit ang pagkakasampal niya dahil kahit ang kamay niya ay namanhid. Pero wala na siyang pakialam pa doon. Ang gusto lang niya ay makalayo na kay Yuki dahil nararamdaman ni Yhen na kaunting pitik na lang ay sasabog na siya.

“Hey…” masuyong sabi ni Yuki bago nito hinawakan ang pisngi niya. Agad na iniwas ni Yhen ang mukha at lumayo dito.

“Tinanong kita noon! Tinanong kita, Yuki! Pero hindi mo sinabi sa akin! Ano? Masarap ba sa pakiramdam na ikaw ang pinili ko at hindi ang kapatid mo? Ano pa, Yuki? Tuwing papatawarin ba kita, marami pa akong dapat malaman?”

“Yhen, hindi… Hindi gano’n. Please…” Pinili ni Yhen na huwag nang sumagot dahil sigurado siyang gagaralgal na ang kanyang boses kapag nagsalita siya. Lumapit si Yuki at masuyo nitong sinapo ang kanyang mukha. Tila nawalan ang lahat ng natitirang lakas ni Yhen dahil sa ginawa nito. Lalong bumuhos ang mga luha niya. The way he touched her hurts. The way he looked at her hurts.

“Tama na,” halos pabulong niyang wika habang nakatingin sa mga mata nito.

Tila hindi inasahan ni Yuki ang sinabi niya. Ngunit sumunod naman ito at ibinaba ang mga kamay. “Let’s talk, please.”

“Ayoko nang makinig sa mga rason mo!” mabilis niyang sagot. “Alam mo ba ang pakiramdam ko ngayon, ha? Pakiramdam ko matagal mo akong pinaglaruan, Yuki! Pakiramdam ko, isang bagay lang ako na pinagpasahan niyong magkapatid! Na may karapatan kayong magdesisyon sa akin pero ako, wala akong karapatang magdesisyon para sa sarili ko! Ito na, eh… handa na akong sumubok ulit, Yuki. Naniwala na ako na kaya na kitang bigyan ng pagkakataon! Tapos ito? Ito naman ngayon?”

Her heart was immediately caught up in her chest when she saw a tear fall freely from Yuki’s eyes. Agad siyang nag-iwas ng tingin. Damn, bakit ganoon? Bakit kahit nasasaktan siya, mas nagiging masakit na nakikita niyang nasasaktan din ito?

“You have all the chances before, Yuki! Magiging tapat ka na lang sa akin, hindi mo pa magawa. Dahil ano? Kasi ayaw mong magulo ako?” Kulang na lang ay matawa si Yhen sa sarkasmong narinig niya sa sariling boses.

“Yhen… please, baby…” hirap na hirap na sambit ni Yuki. Sa tono ng boses nito ay parang hindi ito mangingimi na lumuhod sa harap niya.

“Huwag mo na akong pahirapan, Yuki. Tama na. Ayaw ko nang makita ka,” aniya bago pinara ang dumaang taxi. Nagmamadali siyang pumasok doon bago muling napahagulgol.

LOVE hurts when it's real. It didn't make sense to Yhen until now. Hindi na niya iyon idi-deny sa sarili. She still loves Yuki. She never stopped loving him. It was hidden but never gone. Itinatago lamang niya dahil hindi iyon ang gusto niyang maramdaman. Para kasi sa kanya, hindi na dapat minamahal ang taong sinaktan ka na. Because it’s like allowing them to hurt you again. And yet… she’s hurt again. Dahil nagmamahal pa rin siya.

Girlfriends 3: Right Here, Right Now (To Be Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon