Chapter Fourteen

690 27 2
                                    

HINIHINGAL na binabagtas ni Yhen ang pasilyo ng ospital habang hinahanap ang room number kung saan naka-confine ang kaibigan niyang si Rence. Pagkatapos ng klase ay agad na siyang dumiretso sa ospital matapos makatanggap ng mensahe galing sa ama ni Rence. Naglasing daw si Rence at napagtripan ng mga adik sa labas ng bar na pinuntahan nito. Nabugbog si Rence at nanakawan. Kung hindi lang dahil sa isang nakakita na siyang tumawag sa ama ni Rence ay baka mas malala pa ang inabot ng kaibigan niya. Kahit may ideya na si Yhen kung bakit naglasing ang kaibigan ay ayaw niyang itimo iyon sa isip. Her friend wouldn’t get himself at risk because of her, would he?

Noong isang araw ay sinabi na ni Yhen kay Rence ang tungkol sa relasyon niya kay Yuki nang magtanong muli ang kaibigan kung may pag-asa ito sa ikalawang pagkakataon. God knows how she hated to break his heart but she would not want to feed him with lies just to make him feel good. Hindi naman nagpakita ng kahit anong animosity si Rence kaya inakala ni Yhen na tanggap na iyon ng kaibigan. Until this thing happened.

Huminto si Yhen sa tapat ng Room 134 kung saan naroon si Rence. Nang buksan ni Yhen ang pinto ay agad niyang nakitang nakahiga ang kaibigan na agad ding napatingin sa pinto nang bumukas iyon. He instantly smiled when he saw her. Pero siya ay parang hindi kayang magbigay ng totoong ngiti dahil sa pagkabahala. Mag-isa lang si Rence sa kuwarto kaya agad na siyang dumiretso sa loob.

“You’re here,” maligayang sambit ni Rence nang makalapit siya. “Akala ko hindi ka pupunta.”

Pinagmasdan ni Yhen ang mukha ng kaibigan. Halatang-halata ang itim sa ibaba ng kaliwang mata nito at ang putok sa labi. May ilan din itong gasgas sa mukha. Yhen felt a lump on her throat. Kahit sa imahinasyon ay hindi man lang naisip ni Yhen na makikita niya ang kaibigan sa ganitong kalagayan. He’s too prim and proper.

“Nag-text sa akin ang papa mo. Hinahanap mo raw ako. Kumusta ka?”

“I’m okay. Walang serious injuries for now. Pero kailangan kong mag-stay muna dito for two to three days para masigurado. It’s embarrassing. Sa ganitong paraan pa kayo nagkakilala ng papa ko,” anito bago tumawa.

Hinila ni Yhen ang monobloc chair na naroon at umupo sa tabi ng kama ni Rence.  “Buti na lang ligtas ka! Ano ba’ng nangyari sa’yo?”

Ngumiti si Rence. “Well, I tried to break some rules of my decorum but I hadn’t been lucky as you can see,” anito at itinaas ang kamay na may dextrose.

“Bakit?” seryosong tanong ni Yhen. Unti-unting napalis ang ngiti ni Rence at nag-iwas ito ng tingin. “Rence,” tawag niya rito kapagkuwan.

Tumingin sa kanya si Rence at malungkot na ngumiti. “I’m sorry, Yhen. Hindi ko talaga alam kung paano papagaanin ang loob ko,” sagot ni Rence na naging sapat na para kay Yhen para patotohanan ang hinuha niya kanina.

“So it’s about me,” She said that as a statement rather than a question. Ang pagtahimik ni Rence at muling pag-iwas ng tingin ang naging kumpirmasyon niyon. “Rence naman…” nanghihinang sambit ni Yhen bago inihilamos ang mga palad sa mukha.

“Don’t blame yourself, Yhen. Wala kang kasalanan,” ani Rence na tila nababasa ang takbo ng utak niya.

“Rence, akala ko napag-usapan na natin ‘to,” mahinang wika niya.

“We did. But you can’t expect me to get okay just because we talked. Hindi ganoon kababaw ang nararamdaman ko para sa’yo, Yhen.”

“Sana kinausap mo ako kaysa ginawa mo ito.” She could feel her tense rising up as she spoke.

“May magbabago ba? Kung magmakaawa ako na mahalin mo, kung lumuhod ako at umiyak sa harap mo, posible bang pipiliin mo na ako?”

Napipilan si Yhen.

“I thought so,” napapabuntong-hiningang sambit ni Yuki kapagkuwan. “And knowing you, you won’t love out of pity.”

Hinawakan ni Yhen ang kamay ni Rence at bahagyang pinisil iyon. “Rence, I’m sorry.” Alam ni Yhen na hindi ang pagso-sorry ang solusyon sa nararamdaman ni Rence. But what was there to say when it’s the only thing left? When she was really sorry?

Girlfriends 3: Right Here, Right Now (To Be Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon