Chapter Six

879 23 1
                                    

MALAYO pa lang ay nakita na ni Yhen ang pigura ni Nanay Cen sa labas ng bahay nila na halatang hinihintay ang pagdating niya. Napasulyap siya sa lalaking katabi. Seryosong-seryoso ito sa pagda-drive at bawat pag-ikot nito sa manibela ay nagfi-flex din ang muscles nito sa braso na sumisilay dahil sa suot nitong white shirt. Hindi naman OA ang muscles nito katulad ng mga nakikita niya sa mga wrestler. Proportioned lang sa katawan nito at halatang alaga sa work-outs. He looked very manly. Even his car smelled of mint and masculine scent. Pakiramdam nga ni Yhen ay mauubos na niya ang amoy ng sasakyan dahil kanina pa niya pasimpleng sinisinghot ang amoy niyon.

“Dito na 'yan,” mahinang wika ni Yhen nang tumapat na sila sa hinahanap na bahay nito na katabi lang ng bahay nila. “'Yang blue na gate.”

“Alright,” wika nito sa suwabeng boses bago inayos ng parking ang kotse. Teka nga, kailan niya pa na-distinguish ang iba’t-ibang klase ng boses? May pasuwabe-suwabe pa siyang nalalaman!

Nang mamatay na ang makina ng kotse ay mabilis na siyang lumabas ng kotse. Agad na nakita siya ni Nanay Cen. Napalitan ng relief at malawak na ngiti ang nababahalang anyo nito ngunit agad ding napakunot-noo ang lola niya nang magawi ang tingin nito sa lalaki na kakalabas lamang ng kotse. Nagtatanong na may halong pagdududa ang tingin ni Nanay Cen nang gumawi ang mga mata nito sa kanya. Sigurado siya na may malisya iyon. Umiling-iling naman siya bilang sagot.

Saglit lamang na pinagmasdan ng lalaki ang bahay bago ito humarap sa kanya. “Salamat. Saan ang sa inyo? Ihahatid na kita.”

Alanganin siyang ngumiti. Dang! What was wrong with her? Bakit ba siya masyadong na-o-awkward? Hindi naman ito ang unang beses na nagkaroon siya ng crush!

“Ah, nahatid mo na ako. Ito 'yong bahay namin,” ani Yhen at inginuso ang katabing bahay. Salamat din,” dugtong niya bago nilapitan si Nanay Cen at hinawakan ito sa braso bago inakay papasok sa loob ng bahay nila bago pa man ito makapagtanong.

“Sino 'yong kasama mo?” As expected, iyon kaagad ang tanong ng lola niya.

“Siya po ang nakakita kay Pretty,” sagot niya bago inilapag sa sahig ang alaga niya na nagsimula na namang magligalig. Ikinuwento ni Yhen kung paano nakita ng lalaki ang alaga niya. Hindi na inilahad pa ni Yhen na nagkita na rin sila nito kaninang hapon dahil siguradong sesermunan siya ni Nanay Cen kapag nalaman nitong na-late na talaga siya kanina at hindi nakapasok sa unang subject.

“Ay, talaga? Bakit hindi mo man lang inaya dito sa loob ng bahay para dito na siya kumain ng hapunan? Nakakahiya naman. Iniwan mo siya doon. Ano’ng pangalan niya?”

“Diyan lang naman siya sa katabing-bahay, 'Nay. Hindi ko na po natanong ang pangalan, eh. Siya iyong nakabili ng bahay nila Aling Letty,” imporma niya kay Nanay Cen. “Akyat muna po ako. May gagawin lang po akong assignment.”

“O, siya sige. Malapit na akong matapos magluto. Bumaba ka na lang mamaya,” nakangiting wika ni Nanay Cen na ikinatango niya.

Nang makapanhik si Yhen sa kanyang kuwarto ay agad siyang humilata sa kama. She stared at the ceiling for a moment and smiled like a fool. Nakikita niya kasi doon ang guwapong mukha ng kanyang “tagapagligtas”. Hindi naman iyon ang unang beses na nagkaroon siya ng crush. Walang interes si Yhen sa paghahanap ng pag-ibig pero normal na babae pa rin naman siya na marunong maka-appreciate. And that guy earlier, no matter how cold he appeared to be, he was really nice. Bonus pa ang good looks nito. At kinikilig siya sa isipin na malaki ang tsansa na makita niya ito araw-araw. Sayang nga lang at hindi niya nakuha ang pangalan nito dahil inunahan na siya ng hiya.

Parang timang na nakangiti pa rin si Yhen na bumangon at lumapit sa kanyang study table. Nang aksidenteng mapaangat ang tingin niya sa may bintana ng kuwarto ay halos malaglag ang panga niya sa nakita. Her new neighbor is shirtless! Tanaw na tanaw niya ito dahil magkatapat lang naman ang bintana ng kuwarto niya sa bintana ng kuwarto ng kabilang bahay at hindi naman sobrang malayo ang distansya niyon. The sight made her stunned. The first thing to do is to close her window. Kahit pa walang pakialam ang crush niya na nagla-live show na ito nang hindi nito namamalayan ay invasion of privacy pa rin ang ginagawa ni Yhen na pagtitig na parang isang tourist spot iyon.

Invasion of privacy in what case? Tanong ng isang bahagi ng kanyang isip.

Girlfriends 3: Right Here, Right Now (To Be Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon