Chapter Twelve

655 25 2
                                    

LOVE was never a reason for self-destruction. Love is actually a best thing to feel. It just depends on how a person would look at it. Totoong marami ang nasisira dahil sa pagmamahal. Kung gaano kasi kaganda ang pakiramdam na iyon ay ganoon din iyon kasakit kapag hindi nasusuklian o kapag hindi naaalagaan ng tama. There are many reasons why love fails. Maybe because of too much pain, disappointments, wrong assumptions, expectations, mistakes… or even the people who just make it complicated. But it was never the love that makes love fails. Dahil katulad nga nang ibinigay na depinisyon dito, love keeps no records of wrongs. Nasa tao na iyon kung paano nagiging mali.

Napatingin si Yhen sa nagmamanehong si Yuki. Matapos ang naging pag-uusap nila halos tatlong linggo na ang nakalilipas ay tila nag-iba na rin ang samahan nila. It’s like they fell in some sort of deep understanding without even talking or confirming it. But she knew they already have something special. Mas lalong naging sweet at maalaga si Yuki sa kanya. They are together almost everyday—sa school, sa bahay, at paminsan-minsan ay lumalabas sila. Her grandmother had also been curious about their status. Inamin naman ni Yhen kay Nanay Cen ang totoo niyang nararamdaman para kay Yuki. Sinabi rin niya na hindi sila magkasintahan ni Yuki dahil hindi pa naman talaga. She wouldn’t jump into it without clarifications. Tanggap naman ni Nanay Cen dahil gusto rin naman nito si Yuki para sa kanya.

“Ayaw mo, ‘no?” untag ni Yhen kay Yuki. Tila tamad na tamad si Yuki sa pagmamaneho at bahagya rin itong nakasimangot. Papunta sila ni Yuki sa restaurant kung saan siya niyayayang kumain ng kaibigan na si Rence. Madalang na lamang kasi silang magkita nito. Minsan ay hindi na ito nakakapunta sa coffee shop at minsan naman ay maaga siyang sinusundo ni Yuki doon. At nang makita ng mga kasamahan ni Yhen at ni Ate China si Yuki ay tila alam na ng mga ito kung bakit talagang kaibigan lang ang tingin niya kay Rence. Maybe they already notice it. Masyado kasing pahalata si Yuki. Kala mo ay lagi siyang batang madadapa sa sobrang pagiging attentive nito sa kanya.

“Why would that guy want a dinner for the both of you?” Halos mag-isang linya na ang mga kilay ni Yuki sa pagkakakunot ng noo nito. Natawa si Yhen at hinawakan ang noo ni Yuki para alisin ang gitla doon. Kinuha naman ni Yuki ang kamay niya at dinala sa mga labi nito upang halikan.
Muli na namang naglikutan ang mga dragon sa tiyan niya. Yuki had been like that but she still wasn’t used to it. Hindi pa rin nababawasan ang kilig niya tuwing umaakto ito ng ganoon.

“Birthday niya kasi noong isang araw, 'di ba? Hindi ako nakarating dahil exam namin kahapon. He would just treat me, that’s all. Gusto mo sumama ka sa amin ni Rence para makilala mo siya,” anyaya ni Yhen. She didn’t want Yuki to get the wrong impression. Unlike what Yuki said, he was actually not possessive… at least not without basis. He is really understanding. Kahit may “something” sa pagitan nila ay hindi naman siya nito pinagbabawalan sa mga normal na niyang ginagawa katulad nang minsang paglabas kasama ang mga kaibigan. Iyon nga lang, kapag may ibang lalaki sa eksena ay nagkakaroon pa sila ng diskusyon. She doesn’t want him to feel that she is insensitive or she’s taking his kindness for granted. Kaya hangga’t maaari ay ina-assure ni Yhen ang lahat ng kailangang malaman ni Yuki upang wala itong maging kahit anong pagdududa.

“No one’s going to take me away from you,” Iyon lang ang laging linya ni Yhen at tila sapat na iyon para pagkatiwalaan siya ni Yuki.

“Rence? His name is Rence?” tanong ni Yuki. Napansin niya ang pagkakadiin ng hawak nito sa manibela.

Tumango siya. “Oo, Clarence Palveonte.”

Kung hindi lamang naka-seatbelt si Yhen, malamang ay nauntog na siya sa dashboard sa biglaang pagpreno ni Yuki. Buti na lamang at walang masyadong dumadaan sa kalsadang iyon kundi ay siguradong uulanin sila ng mga busina dahil alanganin ang pagtigil ng sasakyan nila.

“Bakit?” nag-aalalang tanong niya.

Nagtiim-bagang si Yuki at umiling bago muling pinaandar ang sasakyan. Hindi ito nagsasalita at nanatili lamang siyang nakatingin dito. She was sure something is bothering him. At sa kung anong dahilan, kinakabahan siya. Hindi nga lang niya matanto kung bakit.

Girlfriends 3: Right Here, Right Now (To Be Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon