Chapter Twenty

839 29 1
                                    

“YHEN!”

Mas binilisan ni Yhen ang paglalakad habang naririnig ang papalapit na boses ni Yuki sa kanyang likuran. Sa ganoong oras ay bihira na ang mga pampasaherong sasakyan kaya’t hindi alam ni Yhen kung paano siya makakatakas sa sitwasyon lalo na nang mahagip ng kamay ni Yuki ang braso niya. Pilit na iwinaksi ni Yhen ang kamay ni Yuki pero hindi ito bumibitaw.

“Let me go,” aniya sa mababang boses. She’s sure her voice would crack if she keeps on talking.

“Paano, Yhen? Kasi sinusubukan ko naman… pero hindi ko kayang gawin,” nanghihinang usal ni Yuki. Humarap siya dito. Namumula ang mga mata ni Yuki at nagtatagis ang bagang nito na parang may pinipigil na kung ano. Pain is evident on his eyes. Hindi malaman ni Yhen kung matatagalan ba niyang tingnan ang mga matang iyon nang hindi nasasalamin ang sarili niyang nararamdaman.

“Hindi mo lubusang sinubukan, kung ganoon…” malamig na wika niya bago ginamit ang isang kamay para alisin ang kamay ni Yuki. Hindi alam ni Yhen kung malakas ba siya o sadyang nanghina na si Yuki.

“Dahil habang sinusubukan ko na bitawan ka, mas lalo lang kitang minamahal, Yhen. Habang sinusubukan kong pakawalan ka, mas lalo lang kitang hindi mabitawan. I… I can’t, Yhen. Lalong hindi ngayon. Kahit paulit-ulit mo akong itulak, sa’yo lang talaga ako babalik,” masuyong sambit ni Yuki gamit ang mapupungay na mga mata.

Mapait na ngumiti si Yhen at umiling-iling. “Tama na, Yuki. Huwag mo na akong paniwalain ulit. Matapos mo akong iwan, babalik ka sa buhay ko at sasabihin mo sa akin ‘yan?” puno nang hinanakit na sagot ni Yhen. Ilang beses siyang lumunok upang mapigilan ang pag-alpas ng emosyon kasabay nang paghahapdi ng mga mata.

Tumalikod siya ngunit mabilis din na nahagip muli ni Yuki ang braso niya. “Yhen, please, makinig ka—“

“Fine!” Halos isigaw niya iyon. “Sige, Yuki! Explain yourself now. Ipaintindi mo sa akin! Ipaliwanag mo sa akin kung bakit matapos mong sabihin na mahal mo ako, bigla kang umalis! Nang sa gayon, mawala sa isip ko ang posibilidad na ginawa mo iyon dahil pinagsisisihan mo ang nararamdaman mo sa akin! Limang taon, Yuki! Limang taon ang pinalipas mo!”

Habol ni Yhen ang hininga matapos niyang ilabas ang mga kinikimkim sa loob. Gusto niyang sampalin si Yuki pero nakakaramdam siya nang panghihina. Posible pa bang mawasak ang pusong wasak na? Because she felt like her heart is being ripped for a hundred times now. Mas masakit pala kapag tinatanggap ng isang tao sa kanyang sarili na nasasaktan siya. And no, it wasn’t just a heart break. Dahil pakiramdam ni Yhen, buong pagkatao niya ang nasasaktan ngayon.

“No, Yhen, no…” mariing tanggi ni Yuki habang hinahagip nito ang mailap niyang mga mata. “Kung may isang tamang bagay man akong nagawa sa buong buhay ko, iyon ay ang araw na hinayaan ko ang sarili ko na mahalin ka. Hinding-hindi ko iyon pagsisisihan…” nagsusumamong sambit ni Yuki. “Hey, look at me…”

Hinawakan ni Yuki ang kanyang baba at marahan iyong ipinihit para makaharap siya dito. Bumuntong-hininga ito at kitang-kita ni Yhen ang desperasyon sa mga mata ng binata.

“Nagkaroon ng cardiac arrest ang mama ko, Yhen.”

Natigilan si Yhen sa sinabi ni Yuki. “A-ano?”

“Kritikal ang naging lagay niya. At sa lalong madaling panahon ay kailangan naming lumipad papunta sa States para maipagamot siya. Na-comatose si Mama.”

Yhen was too stunned to speak. She could imagine how hard the situation was for Yuki that time. Alam ni Yhen dahil hindi rin biro ang naramdaman niya noong nawala ang mga magulang.

Hindi na siya nagsalita. Yuki took her silence as an urge to continue.

“Hindi ko alam kung kailan ako makakabalik, Yhen. Gusto kong sabihin sa’yo pero ayokong ilagay ka sa sitwasyon na hihintayin mo ang hindi siguradong pagbabalik ko. Pinili kong isipin mo na iniwan na talaga kita. Dahil kapag ganoon, hindi ka masasakal ng sitwasyon. Hindi ka maiipit sa problema namin. Magagalit ka at hindi mo na ako hahanapin. Magiging malaya ka. Magpapatuloy ka sa buhay mo na parang hindi mo ako nakilala… kahit pa alam kong pagmamahal mo ang maaaring kapalit niyon…” Halos hindi na namalayan ni Yhen ang malayang pagdaloy ng kanyang mga luha. Napayuko siya. Mariin niyang kinakagat ang labi upang mapigilan ang paghikbi.

Girlfriends 3: Right Here, Right Now (To Be Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon