Malakas na napabuntong-hininga si Yhen habang palakad-lakad sa sala at nag-iisip ng maaaring gawin. Halos baliktarin na ni Yhen ang buong bahay sa kakahanap sa alaga niyang si Pretty. Mula pa kaninang makauwi siya galing sa eskuwelahan ay hindi niya naabutan ang pagsalubong ng mahal na aso sa pintuan na madalas gawin ni Pretty kapag dumarating siya. And that was an hour ago. Kanina pa gustong umiyak ni Yhen ngunit batid niyang lalong hindi niya makikita si Pretty kung pangungunahan siya ng emosyon. But damn, thinking that something bad happened to her cherished dog is slowly making her lose her mind!
“Hinay ka lang, apo. Gusto mo bang ipaalam na lang natin ito sa barangay? Baka sakaling may nakakita kay Pretty,” suhestiyon ni Nanay Cen na bakas sa mukha ang pag-aalala. “Pasensya ka na, Yhen. Nakalimutan kong isara ang pinto kanina pagdating ko. Malamang, lumabas si Pretty nang hindi ko namalayan,” dugtong pa ni Nanay Cen na laging nauunang umuwi sa kanya.
Natigil sa pagpaparoo’t-parito si Yhen at nilapitan si Nanay Cen na nakaupo sa sofa at pinapanood ang pagiging aligaga niya. Si Nanay Cen ang nagsabi sa kanya na nawawala si Pretty mula pa kanina. At bago pa siya dumating ay hinanap na ni Nanay Cen ang alaga niya at nagtanong-tanong pa ito sa mga kalapit na bahay kung nagawi doon si Pretty. But her dog was nowhere to be found.“'Nay, hindi mo naman po kailangang humingi ng sorry. Hindi po kita sinisisi. 'Wag ka na pong mag-alala. Mahahanap ko po si Pretty,” malumanay na wika ni Yhen sa kanyang lola. “Lalabas po muna ako para hanapin siya.”
“Pero malapit nang dumilim, Yhen. Baka naman ikaw ang mapaano niyan.”
“Babalik din po ako agad. Dadaan na rin po ako sa barangay para magpatulong,” naninigurong wika ni Yhen kay Nanay Cen kahit pa hindi niya sigurado kung babalik talaga siya agad nang hindi nahahanap ang alaga. Alam ni Yhen na nag-aalala si Nanay Cen sa kanya ngunit alam din nito kung gaano kahalaga sa kanya si Pretty at hindi siya uupo doon at maghihintay na bumalik ang mahal niyang aso.
It wasn’t the first time Pretty sneaked away from their house. At sa mga pagkakataong iyon, humihingi pa si Yhen ng tulong sa barangay para lamang mahanap ang aso niya. And she was very aware that the officials thought it was silly. They think she was overreacting. Hindi naman tao ang nawawala kundi hayop. Maaaring iniisip ng mga ito na aksaya lamang sa oras iyon. Pwede naman kasing magkaroon ng bagong aso. Hindi niya kailangang magpakahirap sa paghahanap para sa isang aso lang.
Pero hindi isang aso ‘lang’ si Pretty. She was given to her by her parents. Parte na si Pretty ng buhay niya. At tuwing nasa paligid si Pretty, pakiramdam ni Yhen ay kasama na rin niya ang mga magulang. She doesn’t care if some people make fun of her reaction about a missing dog because they weren’t on her position. Kung madali lang para sa ibang tao na palitan ang isang bagay na nawawala, sa kanya ay hindi. Because there won’t be a single thing that could replace a lost thing that meant a lot. And so as her dog.Taliwas sa sinabi ni Yhen kay Nanay Cen ay hindi na siya nag-abalang pumunta pa sa barangay para magpatulong. She knew they wouldn’t take it seriously, anyway. Tuwing nawawala si Pretty ay siya lang naman din ang nakakahanap dito o 'di kaya’y si Pretty mismo ang uuwi. Pero gumagabi na at hindi pa rin bumabalik ang aso niya kaya’t nag-aalala na siya. Paano kung nagawi ito sa mga lasenggero sa kanto nila o kaya sa masasamang loob at ginawang pulutan ang alaga niya? O kaya’y nahuli ng mga dog catcher at ipagbibili? O kaya’y napunta sa highway at nasagasaan?
God, Yhen! Stop being so negative! Saway niya sa sarili habang nililibot ang parke na malapit lamang sa kanila. Doon sila madalas tumambay ni Pretty kapag weekends ngunit hindi niya nakita doon ang alaga. Pinuntahan na ni Yhen ang lahat nang dinadaanan nila ni Pretty tuwing lalabas sila ng bahay ngunit talagang hindi niya ito makita. It was then she started to feel her eyes sting. Nanghihina na siya sa pag-aalala hanggang sa hindi na namalayan ni Yhen na umiiyak na pala siya habang patuloy pa rin sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
Girlfriends 3: Right Here, Right Now (To Be Published Under PHR)
RomanceFive years ago, love was not one of Yhen's priorities. Para sa kanya, darating ang bagay na iyon sa tamang oras kaya hindi niya kailangang magmadali. Mas marami pa siyang bagay na dapat pagtuunan ng pansin kaysa problemahin ang lovelife niya. She be...