Tyler's Pov:
"Maggagabi na ah, san ba tayo pupunta?" tanong ko sa dalawang kumag kong kasama.
"Wag kang maingay Tyler, may nararamdaman nako" sagot naman ni Milo.
Napakamot nalang ako sa ulo, anong klaseng nararamdaman? Eh andito kami sa tabi ng kalsada naglalakad.
"Alam nyo umuwi nalang tayo, mukang wala naman tayong makikitang ghost eh, siguro tanggapin nalang natin ang katotohanang hindi sila totoo" sagot ko sa kanila.
"Sumusuko kana agad? Kaya nabubully tayo eh, makakakita din tayo ng ghost, dahil sigurado akong totoo sila" sagot naman ni Lance
"Sa tingin nyo may makikita tayong ghost dito sa daan?" naiirita ko namang sagot.
Someone's Pov:
"Asan ako?" tanong ko sa sarili, tinignan ko ang suot ko, bakit nakauniform ako? Tsaka sino ako? Anong ginagawa ko sa lugar nato?
Natatakot kong sunod sunod na tanong sa sarili, may mga naglalakad naman dito sa tabing kalsada kaya napagpasyahan kong humingi ng tulong.
"Kuya, Ate tulungan nyo po ako, hindi kopo alam kung nasan ako, wala po akong maalala" salubong ko sa kanila pero tila wala silang nakita at narinig manlang, bawat dumadaan ay sinasalubong ko pero wala ni isa sa kanila ang pumansin sakin, naupo muna ako sa isang upuan ng may makitang tatlong lalaking paparating at may hawak na kung ano anong gamit. Agad agad ko naman silang sinalubong.
"Hello!" bungad ko sa kanila..
"Ahhh multoo" sigaw nung isa na parang takot.
"Ano kaba Milo, may multo bang ganyan kaganda" bulong sa kanya nung isa.
"Pasensya kana Miss, nagulat lang kami sayo, ano bang ginagawa mo dito dis oras ng gabi?" mahinahong tanong nung isa.
"Ahh ako nga pala si Tyler, tapos si Lance at Milo, ikaw?" pagpapakilala ni Tyler sa sarili at sa mga kasama. Lumungkot naman ako ng maalalang wala nga pala akong maalala, kung sino bako? Kung taga saan ako? At anong pangalan ko?
"Ahh, ano kasi, yun kasi problema ko wala akong maalala kahit ano, kung ano pangalan ko, at kung taga san ako? Kanina pako humihingi ng tulong pero walang pumapansin sakin" kinakabahan kong paliwanag sa kanila
"Walang maalala? Pero nakauniform ka? At sa St.Mateo kadin pumapasok kung san kami" nagtatakang sagot sakin nung Lance
"Sa school nyoko pumapasok?" nagtataka kong tanong, nagtinginan naman sila na parang naguguluhan.
"Alam mo gutom lang yan, umuwi kana" sabat nung Milo habang tumatawa, siniko naman sya nung Tyler bago nagsalita.
"Lumalalim nayung gabi, uwi kana, sige una na kami" pagpapaalam nung Tyler, bigla naman akong nakaramdam ng kaba.
"Teka wait, bat ba ayaw nyong maniwala, hindi ko nga alam kung taga san ako, pls isama nyoko, tulungan nyoko" pagmamakaawa ko sa kanila at hinigit sa kamay si Tyler agad agad naman nyatong inalis.
"Ang lamig ng kamay mo" gulat nyang sagot sakin, hinawakan ko naman ang kamay ko pero hindi naman malamig.
"Alam mo Miss, malalim na ang gabi ang layo pa ng barangay hall dito, san ka namin dadalhin?" sabat nung Lance.
"Hindi ko alam pero pls wag nyoko iwan, hindi ko alam gagawin ko" takot na takot kong sagot, gusto kong maiyak pero ni isang luha ay walang pumapatak mula sa mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Let's Find Ghost (COMPLETED)
HorrorMahilig ka rin ba sa adventure? sa mga thrill na bagay? tulad ng paghahanap ng ghost? Naniniwala kaba dito? kung hilig mo din ito, sama sama nating alamin at basahin ang excitement story ng barkada goals na ito, mga kabataan na may gustong patunayan...