#LF_Vampire(continuation)

1K 63 1
                                    

"Whuahhhhhh!!" sigaw ko ng biglang bumungad sa bintana ang nakakatakot na vampira.

"Anong nangyari!?" gulat na tanong ni Milo nagising naman na sila lahat at napatingin kung san ako nakatingin.

"Whuahhhhhh!!!" sigaw nilang tatlo at agad agad tumabi sakin, maya maya pa ay biglang lumipad na yung vampira at nagtungo duon sa taas ng gate.

"Yan, dyan sya lagi nakatambay hanggang sa mag-umaga na" sabi nung babae.

"Pero bakit sa dinami dami ng lugar eh dito pa sa bahay nina Mrs.Gutierez?" tanong ko naman. Pero syempre di ako naririnig ni Mrs.Gutierez.

"Dahil may connection ang vampira sa inyo Mrs.Gutierez" sagot naman ni Tyler na ikinabigla ni Mrs.Gutierez

"Anong connection?" nagtataka namang tanong ni Mrs.Gutierez

"Kailan poba nagsimulang magparamdam sa inyo ang vampira nayan?" tanong naman ni Lance. Tumayo naman si Mrs.Gutierez sa pagkakaupo bago nagsalita.

"Birthday ng anak namin dapat kinabukasan, tapos nung umaga wala na sya, bigla nalang syang nawala, mag iisang taon na ang lumipas pero hanggang ngayon walang nakukuhang sagot ang mga pulis, at nung nawala ang anak namin, bigla nalang yang dumating at ang hinala ko ay baka yan ding vampira nayan ang kumuha at pumatay sa anak namin" sagot naman ni Mrs.Gutierez

"Kasabay ng pagkawala ng anak nya ang pagdating ng vampira?" bulong ko sa sarili.

Habang naghahanda ng mga gamit sina Tyler ay bigla nalang kaming nakarinig ng sigaw sa labas.

"Tulongg! Tulungan nyoko!!" sigaw sa labas agad agad naman silang tumakbo palabas at ako ay nagtransfer na agad duon.

Naabutan koyung vampira na lumilipad bitbit yung babaeng sumisigaw.

"Juskoo si Delsa!" sigaw ni Mrs.Gutierez.

"Guys tanong nyo nga kung kilala nya yung bitbit nung vampira" sabi ko sa kanila.

"Mrs.Gutierez kilala nyopo yung hawak ng vampira?" tanong ni Tyler.

"Oo kapitbahay namin yan, dyan lang sya nakatira" sagot nito at tinuro ang katabing bahay.

"Bakit ka pumapatay, anong kasalanan ng mga tao sayo?" tanong ko sa vampira.

"Sakin wala, pero sa mommy ko madami silang kasalanan" sagot nung vampira habang nanatili sa ere at lumilipad dala yung babae.

"Sinong mommy?" tanong naman ni Milo.

Sa halip na sumagot yung vampira ay tumingin lang sya kay Mrs.Gutierez at biglang may luhang pumatak sa kanyang mga mata.

"Anong sinasabi nya? Bakit sya nakatingin sakin?" tanong samin ni Mrs.Gutierez

"Guys mukang alam ko na ang nangyayari dito" sabat ko

"Ang mga pinapatay po ng vampira ay may mga nagagawang kasalanan sa mommy nya" paliwanag ni Lance.

"May mommy pa ang vampirang yan? Ibig sabihin marami pa sila?" naguguluhang tanong ni Mrs.Gutierez

"Mommy, patawarin moko. Ginawa kolang namang pumatay para protektahan kayo ni daddy, lahat nung pinapatay ko may binabalak na masama sa inyo" sabi pa nung vampira na ikinagulat namin.

"Mrs.Gutierez ikaw ang sinasabi nyang mommy, hindi kaya sya yung anak nyo?" sabi ni Tyler kay Mrs.Gutierez.

"Ano bang sinasabi mo!" galit na sagot ni Mrs.Gutierez

Let's Find Ghost (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon