#School

782 46 0
                                    

"Arayy" angal ko ng muling umatake ang kirot sa utak ko matapos kong mabasa ang napakahabang sulat ng tatlong yun. Ano ba talagang meron sa kanila? Bakit parang desidido at sigurado sila sa mga sinasabi nila. Totoo nga bang kasama nila ang kaluluwa ko habang walang malay ang natutulog kong katawan dito?

____

Tyler's Pov:

"Alam mo Tyler napagmura nako ni mommy, sino ba naman kasing matutuwa, nagtransfer kami dun, tapos babalik dito" naiinis na sabi ni Milo.

"Ako nga din eh, buti nalang at pumayag ang mama mo na dito muna kami tumuloy" sagot naman ni Lance.

"Pasensya na kayo, hindi ko talaga kayang mag isa lang papasok, at mag isa lang sa bahay nato" sagot ko naman.

"Ano pa nga ba" sagot naman ni Milo.

"Maiba ako, sa tingin nyo binasa kaya ni Aimee yung sulat?" tanong ko sa kanila.

"Panigurado ako nakita palang nyang galing satin ay dineretso na nya yun sa basurahan" sagot naman ni Milo.

"Hindi naman siguro ganon, syempre babasahin nyayun, kasi macucurious sya sa haba nun pero wag tayong aasang dahil dun maaalala na nya tayo, dahil mukang wala ng chance mangyari yun" sagot naman ni Lance.

Natahimik nalang ako sa pinagsasabi nila.

*KINABUKASAN*

"Aba at may nagbabalik" natatawang bungad samin ni Mateo ang leader ng mga dakilang mambubully dito sa school.

Nagtawanan naman agad silang lahat

"Pwede ba wala kaming panahon makipag-usap sa inyo ngayon" matapang namang sagot ni Lance agad agad naman syang tinulak ni Mateo.

"Ang angas mo ah" sabi pa ni Mateo agad agad din namang bumawi si Lance at tinulak si Mateo, magsisimula na sana ang gulo ng biglang may nagsalita.

"Limang buwan nakong nawala, tapos pag balik ko ganito parin yung gawain nyo ha Mateo?" bungad samin ni Aimee, ay mali si Maxinne pala. Ibig sabihin kilala nya si Mateo nuon palang? Pero bakit hindi man lang naman nakikita tong si Aimee nuong samantalang kaschoolmate pala nmin sya.

"Ikaw pala Maxinee, wala wala, nagkakabiruan lang naman, kamusta kana?" sagot naman ni Mateo na parang biglang naging maamong tupa.

Tumingin si Maxinne saming tatlo bago pinagpatuloy ang paglalakad.

Mas minabuti kong wag muna syang kausapin.

Maxinne's Pov:

Habang naglalakad sa hallway may mga hindi maiwasang mapatingin sakin, dahil siguro sa pagkakacoma ko. Ng malapit nako sa classroom ko naramdaman kong parang may sumusunod sakin, dahan dahan akong humarap sa likod ko at nakita ang isang lalaking nakasuot ng itim na itim na kapa, na parang buong katawan na nya ay itim. Kinusot ko ang mata ko dahil tila parang namali lang ako ng tingin, pero pagmulat ko ay wala na sya sa kinatatayuan nya kanina. Sino yun? Ano bang nangayare sakin, kung ano ano ng nakikita ko. Pinagpatuloy konalang ang paglalakad ko.

______

DONT FORGET TO VOTE



Let's Find Ghost (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon