Truth - Katotohanan
Aimee's Pov:
Sabado ngayon, walang pasok sina Tyler, nabobored nadin ako kaya napagdesisyunan kong puntahan nalang sila para naman may makasama ako.
Ng makapagtransfer nako sa bahay nila ay tumawag nako.
"Milo! Tyler! Lance! andito ako" sigaw ko pero parang walang tao sa loob, napagdesisyunan kong magtransfer sa loob ng kwarto nila
"Awww" angal ko ng sa tyan ni Tyler ako napatransfer, tulog silang tatlo at magkakatabi, mukang magigising na si Tyler dahil sa pagkakasakay ko sa kanya kaya bumalik ako sa labas ng bahay nila.
"Yuhooo guys andito ako!" sigaw ko, this time nagbukas na yung window dun sa kwarto nila at bumungad sakin si Tyler na nagkukusot ng mata at walang suot na salamin.
"Good Morning Tyler" nakangiti kong bati sa kanya.
"Ikaw pala Aimee, aga natin ah" sagot nya at umalis na sa binta, pagbubuksan siguro ako ng gate, so ayun na nga lumabas na sya at pinapasok ako, pinaupo nya muna ako sa couch at magbibihis daw muna sya.
Papasok na sana sya ng kwarto ng muli syang tumingin sakin.
"Ah Aimee sabado ngayon ah, bat nakauniform ka?" tanong nya sakin.
"Ahh ano kasi, mas komportable ako pag ito ang suot ko" sagot ko naman.
"Pati yung buhok mo parang hindi nag iiba ang style" sagot nya.
"Maganda naman eh, hindi ba?" sagot ko naman.
"Maganda" nakangiti nyang sagot at tuluyan ng pumasok sa loob.
So after a minutes ay kasama na nyang lumabas ng kwarto si Milo at Lance.
"Oh Aimee may pasok ka?" tanong sakin ni Milo.
"Oo nga bat nakauniform ka? Nakalimutan mo atang sabado ngayon" sabat ni Lance.
"Wag nyo nalang pansinin, gusto kolang talaga toh, bakit ba ang ganda naman ah" sagot ko naman sa kanila.
"Sige bahala ka, buhay mo yan" natatawang sagot ni Milo at sumunod na sa naglulutong si Tyler, naupo lang si Lance sa couch, sumunod nalang ako kina Milo sa kitchen.
"Ang bango nyan ah" bungad ko kay Tyler.
Tumingin lang sya sakin tapos ngumiti, kahit pagkain pag sinusubo ko naglalaho lang bigla pero hindi ko naman nalalasahan, talagang multo nakoo.
"Milo maghanda ka na ng mga pinggan, kakain na tayo" sabi ni Tyler. Tumingin naman ako sa katabi kong si Milo kasi di sya umiimik, nakatingin lang sya sa salamin sa tapat namin na parang gulat.
"Tyler" sambit nya at kinulbit pa ito.
"Ano?" naiinis na sagot ni Tyler habang busy padin sa pagluluto.
"Tyler tumingin ka sa salamin" sagot naman ni Milo, medyo naguguluhan ako sa kanya, eh ano bang meron sa salamin?
Dahan dahan namang tumingin sa salamin si Tyler at dahan dahan silang nagkatinginan ni Milo at sabay sumigaw.
"Whuahhhhh" sigaw nila at sumabay tumakbo papunta sa couch kung nasan si Lance, pinatay ko naman kuna yung gas stove para lumapit sa kanila.
"Wag kang lalapit!" sigaw ni Milo. Napahinto naman ako at nasindak sa kanya.
"Ano bang nangyayari sa inyong dalawa?" nagtatakang tanong ni Lance.
"Si-si Aimee multo syaa" sagot ni Milo na ikinagulat ko, pano nya nalaman?
"Multo? Sa gandang yan ni Aimee sasabihin mo multo? Alam mo gutom lang yan, tara kain na tayo, Aimee pasensya kana sa dalawang to ah" sagot naman ni Lance.
Tyler's Pov:
Naalala ko yung unang beses na hinawakan nya ang kamay ko, sobrang lamig nya. Tapos yung sinabi ng white lady kahapon na hindi daw gumagana kapangyarihan nya dahil isa ding multo si Aimee? Kaya ba lagi lang syang naka uniform? Kaya ba parang napakamisteryoso nya? Dahil ang napakagandang si Aimee ay isa palang Ghost?
O_O
Aimee's Pov:
"Lancee, hindi sya nakikita sa salamin, kasi nga isa syang multo" sagot ni Milo kay Lance.
"Nasisiraan kanaba ng bait? Mahiya ka nga sa kanya" sagot ni Lance.
Yumuko naman ako bago sumagot.
"Oo isa akong ghost, nung unang beses na makita at makilala ko kayo hindi ko alam na multo na pala ako at patay na ako, totoong wala akong maalala hanggang ngayon. Nalaman kong isa na pala akong ghost nung sinubukan kong magpalit ng damit dito din mismo. Naalala nyo yung sumigaw ako sa cr? Yun ay dahil hindi ako makapaniwala na patay na pala ako, naggawa gawaan ako ng pangalan. Kasi naisip ko baka pag nalaman nyong ghost ako ay kung anong gawin nyo sakin,kasi diba naghahanap kayo ng ghost? Kayo lang tatlo nakakakita sakin, kayo lang din nakakarinig sakin, kaya itinago ko kung ano talaga ako kasi pag nilayuan nyoko hindi kona alam kung san pako pupunta, kayo lang makakatulong sakin, hindi naman ako masama eh" mahabang paliwanag ko sa kanila, pero ni isang tugon ay wala na silang naisagot, kahit si Lance ay nabigla sa pinagsasabi ko.
"Pero kung natatakot kayo sakin, sige aalis nalang ako, salamat din sa inyo" mahina kopang sabi at nagtransfer na papunta sa park.
Tyler's Pov:
"Nawala sya!" gulat na sabi ni Milo.
"Isa nga talaga syang ghost, hindi ako makapaniwala" sagot ni Lance at napaupo sa couch.
"Kawawa naman sya" mahina kong sagot.
"Kawawa? Tyler isa syang multo! Tapos maaawa ka sa kanya?" sagot naman ni Milo.
"Kayo na mismo nagsabi, ang goal na ng team natin ay lutasin ang problema ng mahahanap nating ghost, si Aimee kailangan nya tayo, wala syang maalala, isa pa naging parte na sya ng grupo natin, at sya din ang dahilan kaya buhay pa tayo ngayon, dahil kung hindi natin sya kasama nung nakita natin ang white lady baka patay na tayo ngayon, malaki nadin utang na loob natin sa kanya" paliwanag ko sa kanila.
"Tama ka, isa pa mabait naman sya eh" sagot naman ni Milo.
"Tama kayo, hindi dapat natin sya kinatakutan, wala na syang ibang malalapitan kundi tayong tatlo lang, ang problema natin ngayon ay kung saan natin sya hahanapin, baka hindi nayun bumalik dito" sagot naman ni Lance.
"Sigurado akong hindi sya lalayo sa lugar nato, kasi nga wala syang maalala" sagot ko naman.
"Eh ano pang hinihintay natin tara hanapin na natin sya" sagot ni Lance.
"Oo hahanapin natin sya, pero pwede kumain muna tayo? Lalo akong nagutom sa mga nangyari eh" sabat ni Milo.
___
VOTEEEE
BINABASA MO ANG
Let's Find Ghost (COMPLETED)
HorrorMahilig ka rin ba sa adventure? sa mga thrill na bagay? tulad ng paghahanap ng ghost? Naniniwala kaba dito? kung hilig mo din ito, sama sama nating alamin at basahin ang excitement story ng barkada goals na ito, mga kabataan na may gustong patunayan...