Aimee's Pov:
"Ayan dahil sa second case na ito mukang madidiscover na tayo ipopost kolang ang pictures natin kasama si Mrs.Gutierez at ang video na pasasalamat nito" sabi ni Milo na excited na excited
"Ang galing noh? Yung akala ng lahat na masasamang multo or aswang ang karamihan pala sa kanila may pinagdadaanan lang at naghihintay na may tumulong sa kanila para makapag move on" mahabang sabat ko naman.
"Oo nga eh" sagot ni Lance.
"Guys mamamasyal muna ako ah, maiwan ko muna kayo" sabi ko.
"Ah Aimee, hindi na kasi nagbago yung look mo, ganyan palagi style ng buhok tapos nakakaumay nadin yang uniform mo, hindi kaba talaga pwedeng magpalit" natatawang sabat ni Milo.
"Pag nagsuot ako ng ibang damit, lumulutang lang yung damit sa paningin ng iba" natatawa ko namang sagot.
"Sabagay nga naman" sagot ni Milo.
"So pano maiwan ko muna kayo ah, bye" pagpapaalam ko pero biglang nagsalita si Tyler.
"Aimee" mahinang sabi nya.
"Bakit?" tanong ko.
"Mag-iingat ka" sagot naman nya, natawa naman ako sa sinabi nya.
"Ano kaba naman, multo nako sa tingin mo may mangyayari pa sakin?" natatawa kong sagot bago tuluyang umalis na.
Tyler's Pov:
"Mukang iba na yang concern nayan ah" bungad sakin ni Milo.
"Hindi nyo naman ako masisisi diba? Ang ganda nya, ang ganda nyang ghost" sagot ko, bigla naman silang tumawa dalawa.
"Oo maganda naman talaga sya, pero Tyler alam mo namang patay na sya" natatawang sagot ni Lance.
"Paghanga lang naman eh, maganda sya, mabait, matulungin tapos masiyahin pa, kapag katabi ko sya napakasaya at napakakomportable na" sagot ko naman na parang nawala nako sa sarili.
"Nakkss tinamaan ka na talaga Tyler" natatawa ding sabat ni Milo at tinapik ako sa balikat.
"Milo, Hayaan na natin si Tyler, nga pala guys, diba 1week tayong walang pasok dahil sa seminar ng mga prof. natin? Tara sa Baguio bisita tayo sa Lolo ko" sabat ni Lance.
"Magandang idea yan" nakangiting sabat ni Milo.
"Pano yan, wala naman tayong pera" sagot ko naman at napakamot sa ulo.
"Sinong may sabing wala tayong pera?" tanong ni Milo, napalingon naman kami ni Lance sa kanya na nakangiti at winawagayway yung sobreng hawak nya
"Ano yan?" tanong ni Lance, binuksan nya naman yung sobre at nilabas ang puro lilibuhing pera.
"San mo nakuha yan?" nagtataka kong tanong.
"Anong kinuha ka dyan, bigay satin ni Mrs.Gutierez dahil sa pagtulong natin sa kanya" sagot naman nya.
"Diba nga sabi ko sa inyo hindi tayo tatanggap ng pera?" sabat ni Lance.
"Eh mapilit nga kasi sya, kaya tinanggap kona, ayaw nyo nun may budget tayo for roadtrip" natatawang sagot ni Milo. Napakamot nalang kami sa ulo ni Lance.
"Teka maligo muna ako, ang init eh" pag-iiba ko at nag-alis na ng t-shirt ng biglang bumungad sa harap ko si Aimee. Halos madikit na yung katawan ko sa katawan nya. Hanggang ilong ko kasi ang height nya.
"Ahh ehh, pasensya na" nahihiyang sabi nya at umalis na sa harap ko.
"Buti hindi nagulat si Tyler, kasi kung ako yun baka nahimatay nako, magbigay ka naman ng sign pag dadating ka" natatawang sabat ni Milo, tsaka kopalang naalala na wala nga pala akong damit, sa halip na sagutin pa sila ay nagtatakbo nako sa cr.
Aimee's Pov:
"Ano bayan, nakakahiya naman kay Tyler, kailangang kopa talaga mas iimprove tong powers ko" nahihiya kong sabi sa kanila
"Nako Aimee wag ka ng mahiya kay Tyler, sigurado nagustuhan nya pa yung nangyari" natatawang sagot ni Milo. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nya.
"Ha?" nagtataka kong tanong.
"Wala, wag mong pansinin tong si Milo, nga pala punta kaming Baguio, bukas na bukas din, ano sama ka?" sagot naman ni Lance, ngumiti naman ako sa sinabi nya bago sumagot.
"Oo naman, sigurado kayong pwede ako sumama ah" sagot ko naman.
"Ikaw pa ba Aimee" sagot ni Milo
*KINABUKASAN*
"Wuhoooo!" sigaw ni Milo sa loob ng van, van kasi gamit namin papunta sa Baguio, hiniram ni Lance sa tita nya, sya nadin driver namin, kasi may lisensya na naman sya. And for more information about Lance,Tyler,Milo. 19 yrs.old sila lahat, 3rd year college, nagkakilala silang tatlo nung 1'st year college kasi naging magkakaklase sila, at kaya sila naging barkada kasi nakakarelate sila sa isa't isa, pare pareho silang hilig ang maghanap at makakita ng ghost kasi daw, lahat sila nakakita na ng multo nung bata pa sila. At ngayong 3'rd year college nila naisip na bumuo ng club. Ang kaso nga lang wala namang naniniwala sa kanila, at walang sumasali, kaya ayun sila lang tatlo + ako.
So ayun after ng mahaba habang byahe ay nasa tapat na kami ng isang simpleng bahay.
"Andito na tayo?" tanong ko.
"Yes Aimee" sagot naman ni Milo.
So ayun bumaba na nga kami at nagbaba na ng mga gamit ng bigla kaming nakarinig ng ingay sa katabing bahay lang ng lolo nya.
"Gusto mobang patayin kita?!" medyo galit na boses ng babae mula dun sa bahay.
"Wag nyong pansinin, lagi sadya silang nag-aaway dyan, pero hindi naman nagsasakitan" boses naman ng isang lalaking matanda sa bahay ng lolo ni Lance, that means eto na nga yung lolo nya.
So yun nagbless na sila isa isa, kakatuwa kilala na nila ang lolo ni Lance. So ayun pumasok na nga kami sa bahay, sa nakikita ko mukha namang malakas pa yung lolo nya, pagpasok namin sa bahay bumungad sakin yung maid, kasi nakasuot pang maid ito.
"Maria, maghanda ka na ng pagkain andito na sila" sabi nung lolo ni Lance dun sa maid
"Tyler dun lang ako sa labas ha" pagpapaalam ko sa kanya tapos ay nagtransfer na sa labas ng bahay ng lolo nya, nagawi naman ang tingin ko sa kapitbahay ng lolo ni Lance kung saan nga nanggaling yung ingay kanina. Laking gulat ko ng makita ang napakagandang babae na nakatingin sakin, teka? Nakikita nyaba ako? Maya maya pa ay biglang sumama ang tingin nya sakin at pumasok na ulit dun sa loob, nakita nya nga kaya ako?
___
VOTEEEEE
BINABASA MO ANG
Let's Find Ghost (COMPLETED)
TerrorMahilig ka rin ba sa adventure? sa mga thrill na bagay? tulad ng paghahanap ng ghost? Naniniwala kaba dito? kung hilig mo din ito, sama sama nating alamin at basahin ang excitement story ng barkada goals na ito, mga kabataan na may gustong patunayan...