#LetsFindGhost@Shirt

856 47 0
                                    

Aimee's Pov:

So ayun dumiretso nako sa kwarto ni Tyler at naupo. Bigla din naman syang pumasok duon.

"San ka nagpunta? Kinabahan ako kanina, basta kanalang nawala! sa susunod na aalis ka magsabi ka naman para hindi ako nag aalala ng ganito!" medyo galit nyang bungad sa akin.

"Sorry" tipid kong sagot sa kanya, gusto kong ikwento sa kanya yung lalaking nakaitim na dalawang beses ko ng nakita pero hindi ko kaya at hindi ko magawa. Inihagis nya lang ng malakas yung bag nya sa couch tapos ay pumasok sa banyo at malakas na sinarhan yung pinto.

Ramdam ko yung galit nya dahil nag aalala sya sa akin, iniisip nya bang mapapahamak pako kahit multo nako? Pero sino ba talaga yung lalaking yun, bakit nagpapakita sya sa akin tapos laging nakangiti. Sinabi pa nyang kailangan nyako? pero para saan? at bakit? pano ko sya maiintindihan kung hindi nya naman pinapaintindi sa akin. Huminga ako ng malalim kahit wala ako nun tapos ay nahiga sa couch, habang naglilinga linga sa kwarto ni Tyler ay nakita ko ulit yung T-shirt na binili nya sa ukay ukay na nakahanger duon, muli may parang kung ano na namang pumitik sa loob ng ulo ko or short sa utak ko.

"Aray" sabi ko at napapikit sa sakit. Bakit ba ganon multo naman ako, pero bakit pakiramdam ko may mga katangian ang tao na kahit ganito na ako ay nararamdaman ko. Tsaka ano bang meron sa T-shirt nayun at twing tinitignan ko ay nagkakaganito ang epekto sakin, habang nasa ganoong pag iisip ay pumasok sa yung papa ni Tyler.

"Tyler? andito kaba?" tanong nito ng makapasok sa loob, syempre hindi nyako nakikita kaya nakatingin lang ako sa kanya. Habang naglilinga linga sa kwarto ni Tyler ay nagawi ang tingin nya sa T-Shirt na nakahanger nga at nakasabit duon, dahan dahan syang lumapit dito at kinuha ito.

"Ngayon kolang nakita to ah, mukang bago, masukat nga" mahina at nakangiti nitong sabi sa sarili tapos ay dahan dahan nyang sinuot yung t-shirt. Ng masuot nya ito ay humarap pa sya sa salamin.

"Aba bagay sakin ah" bati nya sa sarili nya. Maya maya pa ay tunawa ito ng kakaiba at malakas.

"WAHAHAHAHAHAHAHA!" malakas na tawa nito na parang biglang nag iba yung boses nya at nagkaroon ng echooo. Tumayo ako sa pagkakaupo para tignan sya kasi nakaside view sya sakin, papunta palang ako sa kanya ay bigla itong humarap sakin na nagliliwanag ang mata na kulay pula. Nanlaki ang mata ko ng makita ang pagiiba sa papa ni Tyler. Agad agad akong tumakbo sa pinto ng banyo at kinatok ito.

"Tylerrr!! buksan mo yung pinto!!" sigaw ko at kinakalampag yung pinto ng banyo. Habang nasa ganoong sitwasyon ako ay bigla nalamang itong napunta sa harap ako at sinakal ako at iniangat dahan dahan

"Sino kaba! Bakit nangingialam ka dito, multo kadin! pumunta ka kung san ka nararapat! ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito! ang muling makalayaa sa damit na ito! na ngayon ay nakuha kona, tapos mangingialam ka ha!" galit na sigaw nya sakin at itinapon ako ng malakas sa pader. Ksabay nun ay pagbukas ng pinto ng banyo.

"Oh Papa andito kapo pala" bungad ni Tyler sa papa nya na nawala yung nagpupulang mata kanina. Tapos ay napabaling ang tingin nya saking nakahandusay sa may pader.

"Aimee anong nangyari sayo" gulat nyang sabi at agad agad akong inalalayang tumayo.

"May sumpa ang damit na binili mo na suot ng papa mo ngayon Tyler! at ngayon kinokontrol nya yung papa mo!" paliwanag ko sa kanya.

Kumunot ang noo nya at binalik ang tingin sa papa nya, na wala na ngayon sa kinatatayuan nito, nagulat nalang ako sa mga sumunod na pangyayari dahil bigla nalang may kamay sa bibig ko na nagmula sa likod ko at naglaho kami sa kwarto ni Tyler at napunta sa garden nina Tyler.

"Ano bang ginagawa mo! Tumigil kana, umalis kana sa katawan ng papa ni Tyler!" sigaw ko sa kanya.

"Ikaw ang umalis na dito sino kabang nagfefeeling tao dito at hindi ka pumunta sa lugar mo!" sigaw na sagot naman nito.

Tyler's Pov:

Nagulat nalang ako sa mga sunod sunod na nangyayari, binaling kolang ang tingin kay Papa na biglang nawala sa kunatatayuan nito kanina tapos ay binaling kong muli ang tingin kay Aimee na bigla ding nawala. Hindi kona alam ang gagawin ko ng bigla akong makarinig ng ingay sa labas, sumilip ako sa bintana at nakita dun sina Aimee, agad agad naman akong nagtatakbo palabas.

Aimee's Pov:

Sasagot pa sana ako sa Papa ni Tyler na kasalukuyang may nakasapi ng biglang bumungad sa gitna namin yung lalakinh dalawang beses ng nagpakita sa akin na ngayoy patatlo na, nanlaki ang mata ko ng makitang muli sya.

"Aba at ang bahay palang ito ay punong puno ng mga multo, at sino ka naman! hindi pako tapos dyan sa isang yan ay may bago na naman!" sabi nung Papa ni Tyler. Binaling nung multong nakaitim ang tingin sa papa ni Tyler bago sumagot.

"Hindi ako kalaban dito, gawin mona lahat ng gusto mong gawin, basta hayaan mo ng kunin ko si Aimee" sagot nito at tumingin sakin ng nakangiti, nanlaki ang mata ko at dahan dahang napaatras.

"Kukunin? sino ka naman, at bakit kukunin mo si Aimee?!" bungad naman ni Tyler na lumapit sakin at inilgay ako sa likod nya..

"Akala mo ba ay may magagawa kapa, isang hamak na walang modong taga lupa!" sagot ng lalaking nakaitim kay Tyler.

Sasagot palang sana si Tyler ng biglang may sumaboy na kanin papunta sa kinatatayuan ng lalaking nakaitim at ng papa ni Tyler mula sa kusina. Nagulat ako sa sunod sunod na pangyayari.

"Anong nangyayari! Hindi ito pwedeeeng mangyarriii!" sigaw nung papa ni Tyler na hindi magkaintindihan.

"Hindi pa tayoo tapos, babalikan kita Aimee, at sa pagbabalik ko sisiguraduhin kong makukuha na kita!" sabi naman nung lalaking nakaitim at naglaho na..

"Nakoo Hon, andyan ka pala pasensya kana nabuhusan tuloy kita ng fried rice, napanis na kasi!" sigaw nung Mama ni Tyler mula sa loob ng kusina na walang kaalam alam sa nangyayari, unti unting napupunit at naglalaho yung T-shirt na suot ng Papa ni Tyler, na hanggang ngayon ay hindi ko maintindihan kung anong nangyayari

"Fried Rice, siguro ay natamaan sila ng bawang na sangkap nito" mahinang sabi ni Tyler, tapos ay hinawakan ako sa magkabilang pisngi.

"Aimee ayos kalang ba?" nag aalala nyang tanong, pero dahil sa hindi padin nakakarecover yung buong pagkatao ko sa nangyari ay tumango nalang ako.

"Anong ginagawa ko dito? Bat punong puno ako ng kanin?" nagtatakang tanong ng Papa ni Tyler at umiling iling pa.

______

sino nga ba ang lalaking nakaitim na yun? at anong motibo nito  kay Aimee? sama sama nating alamin ito.

PLS VOTE THANKIES

Let's Find Ghost (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon