Aimee's Pov:So ayun andito kami ngayon sa isang resort upang ituloy ang bakasyon namin dito sa baguio na naalintala dahil nga sa isang kaso na sinolve namin, at hopefully wala munang hahadlang samin. Nakaupo kaming apat dito sa isang cottage ng may magandang babaeng dumaan sa may harapan namin, binaling ko ang tingin sa tatlong toh, at di ako nagkamali nakanganga na naman sila.
"Hindi talaga kayo marunong madala noh? Napahamak na nga kayo dahil sa babaeng maganda, gaganyan na naman kayo" singit ko sa kanila dahilan para umiwas sila ng tingin sa babae at umayos ng upo.
"Sorry Aimee" mahinang sagot ni Tyler.
Ngumiti naman ako sa kanila bago sumagot
"Syempre hindi ko naman kayo pinagbabawalang tumingin kahit kanino, ang akin lang is mag-ingat kayo sa mga nilalapitan at kinakausap nyo, kasi may masama ng nangyari sa inyo dahil dito" paliwanag ko naman sa kanila.
"Tama si Aimee, hindi dapat tayo basta basta nagpapaniwala sa nakikita natin, at hindi nagpapaniwala sa sinasabi ng iba" pag sang-ayon naman sakin ni Lance.
"Alam nyo tara na magbihis at maligo na tayo" natatawa namang sabat ni Milo.
"Sige mauna na kayo, samahan ko muna si Aimee dito" sabat naman ni Tyler.
"Hindi na Tyler sige na magbihis kanadin, ako na bahala sa mga gamit nyo, walang makakalapit dito, tsaka hindi din naman ako makakaligo diba" natatawa ko namang sagot sa kanya.
"Sige na, sige na tara na" sabat ni Milo at nagtatakbo na, sumunod naman na si Lance sa kanya.
"Babalik agad ako Aimee" sabi pa sakin ni Tyler bago tuluyang umalis.
Napaisip na naman ako about sa sarili ko, may chance pa kayang magawa ko yung mga bagay na nagagawa nila? pero napakalabo naman na nun, isa nakong multo at patay nako, nakakalungkot lang talaga isipin na hanggang ganito nalang ako, paikot ikot sa mundo ng mga tao, walang alam sa tunay na pinagmulan, walang alam sa buhay, at hindi alam kung sino ba talaga ako? andami kong tanong, pero wala akong maibigay na kasagutan. Ang dami kong gustong malaman, pero hindi ko alam kung paano.
Makalipas ang ilang minuto ay bumalik na nga sila.
"Tara na Aimee, maligo na tayo" nakangiting bungad sakin ni Milo, siniko naman sya ng bahagya ni Tyler.
Ngumiti nalang ako ng pilit para di nila mahalatang affected ako.
"Baliw ka talaga Milo, alam mo namang multo ako eh" pilit tawa kong sagot sa kanya, napakamot naman sya sa ulo.
"Nakoo pasensya na nalimutan ko" nahihiyang sagot nya. Inakbayan naman sya ni Lance bago nagsalita.
"Tara na maligo, maiwan ka muna namin dyan Aimee, ingat ka" sabi ni Lance bago sila tuluyang tumungo sa pool, yung pool naman is malapit lang sa cottage na nakuha namin. Nabaling ang tingin ko kay Tyler na nakatayo lamang habang nakatingin kay Lance at Milo.
"Oh bat hindi kapa sumama sa kanila?" nagtataka kong tanong sa kanya.
Pumasok naman na sya sa cottage bago naupo sa kabilang side, kaya magkaharap na kami ngayon.
"May gusto kasi sana akong sabihin sayo, pero sana wag kang magagalit" seryosong bungad nya sakin, tila nasarhan ang bibig ko dahil wala ni isang salita ang lumabas dito. Nanatili akong nakatingin sa kanya ng seryoso, kitang kita sa mata nya yung kaba, pero bakit? wala syang suot na salamin ngayon dahil din siguro magswiswimming nga sila.
Hinawakan nya ang napakalamig kong kamay na nakapatong sa lamesa bago sya nagsalita.
"Aimee, gusto kita, gustong gusto kita simula palang nung una kitang nakita" seryosong sabi nya, agad agad ko namang inalis ang kamay ko na hawak nya at napatayo.
"Tyler ano bang pinagsasasabi mo?" tanong ko at pilit tumawa, hindi ko alam kung nantritrip ba sya or nagpapatawa.
"Aimee seryoso ako, hindi kodin alam kung paano, at kung bakit sayo kopa naramdaman to" sagot nya.
"Tyler, nababaliw kanaba? hindi moba nakikita? patay nako, multo nako, wag kang magbulag bulagan!" medyo naiinis ko ng sagot sa kanya, nagawi ang tingin ko sa labas ng cottage kung saan nagbubulungan yung mga taong dumadaan habang nakatingin kay Tyler, tsaka kopalang narealize na hindi nga pala ako nakikita ng iba.
"Tyler naguguluhan kalang, maiwan muna kita" sabi kopa at umalis na, nagtransfer nalang ako sa inuupahan nilang bahay sa manila. Naupo ako sa couch at hindi mapigilang masaktan sa mga sinabi nya, bakit ba sya ganon, alam nya naman kung ano ako, tapos magkakaganon sya? dahil sa ginawa nya lalo lang akong nasaktan dahil sa napakaraming beses, may mga bagay na namang gustuhin ko pero hindi pwede. Siguro nga ay naguguluhan lang sya, siguro nadala lang sya ng medyo matagal na naming pagsasama sama, pero paano nato, hindi kona kayang harapin pa ulit sya.
Milo's Pov:
Habang masaya kaming nagbabatuhan ng tubig ni Lance dito sa pool, nagawi ang tingin ko sa cottage namin, kung saan wala na si Aimee at nag iisa na si Tyler na parang umiiyak.
"Lance tignan mo si Tyler? umiiyak ba sya?" tanong ko kay Lance, tumigil naman sya pagbubuhos sakin ng tubig.
"Mukang umiiyak nga sya, tara puntahan natin" sagot nya, agad agad naman kaming umahon sa pool at tumungo sa kanya.
"Tyler asan si Aimee? anong nangyari sayo?" bungad kong tanong sa kanya, agad naman syang nagpunas ng luha at tumakbo papalabas at nag dive sa pool, nagkatinginan nalang kami ni Lance ng nagtataka.
"Panigurado nag away yang dalawa nayan, kaya ganyan si Tyler, alam mo naman yang si Tyler tinamaan sa multo" natatawang sabi ni Lance sa tabi ko, siniko ko naman sya ng mahina bago sumagot
"Ikaw alam mo na ngang may problema yung kaibigan mo niloloko mopa, tara na nga ulit maligo" sagot ko sa kanya...
Itutuloyyyy..
[A/N: nakooo Tyler hahahahahaha]
pa VOTEEE CLICK NYOLANG STAR SA BABA HAHAHAHA THANKS
BINABASA MO ANG
Let's Find Ghost (COMPLETED)
TerrorMahilig ka rin ba sa adventure? sa mga thrill na bagay? tulad ng paghahanap ng ghost? Naniniwala kaba dito? kung hilig mo din ito, sama sama nating alamin at basahin ang excitement story ng barkada goals na ito, mga kabataan na may gustong patunayan...